Kabanata 59:

324 16 4
                                    

Kabanata 59:
- Cheating -



KLARISSE DEVELIA POV:)

"Anong ginagawa nyo dito? Wala ba kayong klase?" Pagalit na tanong ni Kuya sa akin. Wala na kami sa pwestong kinauupuan namin ni Sissy kanina, nandito na kami sa kabila kung saan sila Kuya kanina naka-pwesto dito.

Nakayuko lamang ako habang nasa harapan ko si Kuya, mukhang galit nga siya.

"Pasensya na, Kuya, sa nangyari. Sa totoo kasi, vacant namin ngayon kaya nandito kami." Paliwanag ko habang pa-sulyap-sulyap kay Kuya pero napapayuko naman ako pag matalim pa rin ang tingin sa akin ni Kuya.

Nasa likod ko lang si Eunice, tahimik at nakayuko rin.

"Bro, relax! Di na bata si Klarisse. College student na sya tulad sa atin." Pagpapakalma ni Kuya Kieffer dito nang hinakbayan niya ito.

"Wag mo na siya pagalitan. Nakakahiya oh." Sulpot naman ni Kuya Brix sa likuran ni Kuya sabay turo sa paligid.

Nakatingin nga sa amin ang mga tao dito. God! Nakakahiya!

Nakita ko si Kuya Lloyd, nasa gilid ko at sinesenyasan niya ako ng kanyang mata na huwag raw ako umiyak. Mabuti pa si Kuya, may care sa akin. Kaysa sa isa... Nakita ko naman siya nakaupo lang sa bench at busy nakikipag-usap sa mga babae.

Napaikot ko nalang ang aking mga mata.

"Tara! Mag-foods street nalang tayo sa labas." Yaya ni Kuya Kieffer at para mabago ang mood ni Kuya. Sana pumayag si Kuya Louis para hindi na niya ako sermon-sermunan.

"Sige."

Yes! Pumayag si Kuya!

"Hey, Ax! Sasama ka ba? SF?" Baling ni Kuya Kieffer dito. SF means Street Foods, pinaliit na nila ang tawag doon.

"Sure!" Tumayo na ito sa pagkakaupo at sumunod na ito sa akin. Yung mga girls naman na kausap niya, may sinasabi habang paalis kami.

"Bye! Sa Sunday ah?" Sabi ng isang babae na mukhang siya ang leader sa grupo nila. Marami sila at halatang mayayaman sila sa damit palang nila at itsura.

Hindi ugali ng school namin na may uniform. Kung anong mga damit, pwedeng isuot kahit naka-dress ka, okay lang. Kahit nga naka-pantalon ka lang at white t-shirt pwedeng-pwede! Wag nga lang naka-bikini kasi deretsyo ka nyan sa Principal Office. Pero may P.E uniform kami dito. Pag P.E time namin, dapat naka-P.E ka. Pag hindi, absent ka.

Itinaas lang ni Ax ang kanyang kamay na hindi lumilingon dito. So meaning, sumagot siya dito kahit sa simpleng pagkaway lang niya. May lakad siya sa Sunday with the girls na mga iyon? Eh di wow!

Nakayuko lamang ako at hindi ko maiwasan mainis kay Ax dahil hindi pa rin siya nagbabago. Kahit kailan talaga attractive siya sa mga babae. Mahirap talaga maging boyfriend siya dahil habulin siya ng mga magagandang babae at magkakaroon ka talaga ng mga kaagaw.

"Miss! Ilag!" Sigaw ng isang estudyante.

Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko at hinila paharap dito halos slowmo ang nangyayari habang papalapit ako sa taong gumawa nun sa akin. Nanlaki mata ako nang nakadikit ako sa makisig na katawan nito halos natulala pa ko habang nakatingin sa guwapo niyang mukha. Tumibok na naman ulit ang puso kong baliw na baliw sa kanya.

Sinalo naman ni Kuya Louis ang bola na tatama sana sa akin. Pagkasalo, binato niya ito sa mga estudyanteng nagmamay-ari nin. Dali-dali naman ako binitawan ni Ax bago paman lumingon si Kuya sa amin. Mukhang ayaw niyang makita kami ni Kuya sa posisyon na iyon.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kuya sa akin.

Tumango lamang ako at saka ulit kami nagpatuloy sa paglalakad. Palihim na sinulyapan ko pa si Ax na deretsyo lang ang tingin sa daan. Naisip ko ngayon, ano kaya naramdaman niya nung ginawa niya yun sa akin? Ako kasi lakas makakalabog yung puso ko kunti nalang ipatanggal ko ito at sa labas mag-bounce-bounce.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon