Kabanata 84:
- Sir Ax -KLARISSE DEVELIA POV:)
"Be my new secretary." Sabi nito na nagpagising sa kaluluwa ko.
"What?!" Bulalas ko."Wait lang ah." Umayos ako ng tayo at kunot-noo na bumaling ulit ako sa kanya."Ako? Bagong sekretarya mo? Nagpapatawa ka ba?"
"I'm serious." Seryoso pa ring sabi nito.
Napatawa na lamang ako sa sinabi nito. Ako? Magiging secretary niya? No way!
"Magmula ngayon, dito kana sa office ko mag-i-stay." Seryosong pahayag nito.
"Ah? Ano---"
Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang may pumasok na lamang sa kanyang office. Takang napatingin naman ako.
"Sir, saan po ito ipu-pwesto?" Tanong ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.
"Siya yung nagpanggap na may-ari ng company na ito..." Gulat na saad habang turo ito."What? Janitor siya dito? Anak ng!" Sa loob-loob kong sabi.
"Dito nyo i-pwesto." Sabi ni Ax at nakatayo na pala ito at tinuro kung saan ipu-pwesto yung lamesa at upuan. Sandali...gamit ko mga dala nila ah?
"Hoy! Bakit dala nyo gamit ko?!" Turan ko nang ma-realize na dito na ako pu-pwesto sa office ni Ax. Di pa nga ako pumapayag na maging secretary niya, inunahan na niya ako. Mukhang pinagkaisahan nila akong lahat.
"Medyo ilapit nyo sa table ko." Utos lang ni Ax sa mga tao niya.
Galit na pinuntahan ko yung Janitor na nagpanggap na may-ari nito at nagbigay sa akin ng Business card. Dahil sa kanya naging impyerno ngayon ang buhay ko.
"Ikaw! Bakit ka nagsinungaling sa akin ah?!" Pasinghal na sabi ko rito. Hindi ako nito pinansin at patuloy lamang ito sa ginagawa. Inis na binalingan ko si Ax."Pinlano mo 'to lahat?"
Ngumiti lamang siyang pilyo sa akin.
"Salamat sainyo." Sabi nalang nito sa mga tauhan niya nang tapos na sa ginagawa nito.
Umalis na nga ang mga ito at naiwan kami ulit dito sa office niya. Kunot-noo pa rin na binalingan ko ulit siya. Sa totoo lang, kumukulo na dugo ko sa kanya. All this time, pinaglaruan lang niya ako. Plano lahat niya at siya rin ata ang dahilan kaya hindi ako tinatanggap sa mga ina-apply-an ko dahil gusto niyang makatrabaho ako sa company niya. Para nga maghiganti sa akin.
Nice! Very nice talaga. Tsk.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin?" Prangka ko kaagad kay Ax.
Imbes sumagot sa akin, nakipagtitigan lamang ito sa akin. Napaatras ako nang humakbang ito papalapit sa akin. Mas lalong napaatras ako nang nagpatuloy lamang ito sa paglalakad papunta sa akin hanggang napa-sandig na lamang ako sa pintuan ng office niya. Nanlaki mata na ilagay ni Ax ang isang kamay niya sa gilid ng ulo ko.
Naha-hot seat ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Gusto ko kasi malaman ang lahat." Makahulugang turan nito.
"M-malaman ang alin?" D*mn! Ba't nanginginig ang boses ko?
Tumingin lamang siya sa mga mata ko na dahilan nagpabaliw sa sistema ko ngayon. Ramdam ko ang tibok ng puso ko dahilan sa kaba at taranta na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko nga wala sa oras matutumba ako dahil pati mga tuhod ko nanginginig rin sa kaba.
"Never mind." Sabi na lamang niya at lumayo na ito sa akin. Naglakad na ito pabalik sa mesa niya at naiwan akong nakahinga ng maluwag."Tulungan mo ko ngayon. Madami tayong tatapusin ngayon." Sabi nito sabay upo at bumaling na ulit sa computer niya.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
JugendliteraturWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...