Kabanata 37:

428 24 0
                                    

Kabanata 37:
- Cute -





"Ako na sasama sa kanya."

Nagulat naman ako sa pag prisinta ni Ax halos nanlalaki mata ako habang nakatingin dito.

Nagkaroon ng bahagyang katahimikan dahil gulat rin nakatingin sila Kuya Lloyd kay Ax at nakikiramdam kung seryoso ba ito sa sinabi nito.

"Ihahatid ko lang siya sa Mall pero alis din ako kaagad kasi may pupuntahan ako." paliwanag ni Ax."Kayo na bahala sumundo sa kanya doon. Ite-text naman nya kayo."

"Ah sige." payag ni Kuya Brix.

"Ako nalang hahatid kay Princess saka sasamahan ko na rin sya mag-grocery." halatang di payag na prisinta rin ni Kuya Lloyd.

"Di ba, may lakad tayo? Wag na. Si Ax na humatid kay Klarisse. Sunduin nalang natin siya mamaya." singit ni Kuya Kieffer.

"Oo, si Ax na. Sunduin nyo nalang si Klarisse mamaya." sabi ni Kuya Brix.

Napakagat-labi nalang ako. Mukhang makakasama ko ulit si Ax. Alam kong awkward kami nito mamaya sa kotse lalo na't umamin na ko sa kanya ng tunay pa rin na nararamdaman ko. Siya pa rin ang gusto ko mula noon hanggang ngayon.

Ano kayang mukha ang ipapakita ko sa kanya. Alam kong lalamunin ako ng hiya at taranta. Di na ko mag-eexpect na maganda kakalabasan mamaya sa kotse. Alam kong masasaktan na naman ako nito. Masasaktan na naman ako sa sasabihin ni Ax sakin.

Oo, di na ko magugustuhan ni Ax. Please lang, Klarisse. Tigilin mo na ang nararamdaman mo kay Ax. Ikaw lang at ikaw lang ang masasaktan sainyong dalawa.

"S-sige."payag nalang maya-maya ni Lloyd na mukhang napilitan.

"Let's go." cold na sabi ni Ax at tumalikod na para pumunta kung saan nakaparada yung kotse niya.

Tahimik na sumunod nalang ako dito pero di ko maitatago ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Tumibok nalang ng malakas ang puso ko halos nagsisimula na rin ako pagpawisan sa kaba.

Natatakot ako sa magiging topic ni Ax. Ayaw ko na ma-basted pa. Natatakot na kong i-reject ulit ako ni Ax.

Tahimik na nagmamaneho lang si Ax. Palihim na tinitingnan ko siya sa mirror at tinitingnan ang reaksyon ni Ax. Napaka-seryoso nya kasi. Tanging ingay lang ng radyo ang naririnig ko sa loob.

Di rin ako masyado makahinga dahil natataranta pa rin ako. Ang awkward ng sitwasyon namin ni Ax. Kahit di kami nag-uusap pero ramdam ko yung malaking distansya sa aming dalawa. Feeling ko napakalayo na niya sa akin at ang hirap na nyang abutin.

"Di ka pa rin magiging sa akin." sa loob-loob kong sabi.

Malungkot na napabuntong hininga nalang ako.

"Sorry."

Napahinto ako sa aking kinagagalawan nang marinig ang katagang iyon.

Wait! Siya ba yung nagsabi ng katagang iyon?

Nanlalaki mata na napatingin ako dito. Nanatiling nakasulyap lang ito sa labas at focus na focus ito sa pagmamaneho.

Siya ba yung nagsalita?

Napakamot nalang ako sa ulo. Siguro nabingi lang ako o siguro sa radyo ko lang narinig ang 'sorry' na iyon.

"Sorry." ulit ni Ax.

Natigilan ako ulit sa narinig mula sa kanya. Nakaramdam nalang ako ng kakaiba sa nararamdaman ko na tila ba tumigil ang ikot ng aking mundo habang natigilan ako sa sinabi niya.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon