Kabanata 63:

352 26 0
                                    

Kabanata 63:
- Kidnap -




KLARISSE DEVELIA POV:)

"Sa kabilang school sila nag-aaral? Sa rival pa ng school natin. Luh! Nakaka-kaba naman." Turan ni Sissy habang nandito kami sa coffee shop, malapit lang sa school."Sissy?" Baling ni Eunice sa akin.

Ako naman itong tulala sa kape ko. Inaalala ko lang yung pagkikita ulit namin ni Cassandra at Emma. Medyo kinabahan ako dahil sa ngiti nila. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Hinawakan ni Gio ang kaliwang kamay ko na nagpapahinga sa lamesa. Dahil sa ginawa nito, nagising ako.

"Hmm?" Sabi ko sa kanila at tiningnan silang lahat. Kanina pa ba wala ako sa sarili?

"Okay ka lang?" Tanong ni Gio habang hawak pa rin ang kamay ko.

Sinulyapan ko naman ito. Nang makita kong hawak nito ang kamay ko mabilis na inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakapatong sa mesa.

"Okay lang ako." Sagot ko sabay inom ng kape.

Dahan-dahan naman inalis ni Chairman ang kamay niya sa lamesa at saka umayos ng upo. Nakatingin sa amin si Sissy na may ngiting malisya. Papalit-palit pa tingin niya sa aming dalawa.

"Kayo ah? May something ba kayo na di nyo samin sinasabi?" Malisyang anas ni Sissy.

"Wala. Friends lang kami." Sagot ko kaagad.

"Buti naman."

Napalingon nalang kami sa nagsalita iyon. Nagulat ako na nandito si Ax. Ano ginagawa ng mokong na ito dito?

"Hi, Kuya Ax." Sweet na bati ni Eunice dito.

"Hi." Bati naman nito sabay tingin sa akin na tinuon ko lang ang sarili ko sa iniinom ko imbes sa kanya.

Palihim na siniko-siniko naman ako ni Sissy na tila nagpapahiwatig na andito yung kinababaliwan kong tao. Wala ako sa mood ngayon magkilig-kilig. Basta! Wala talaga ako sa mood.

Napatingin nalang kaming lahat nang makarinig ng ingay ng mga grupo na papasok sa coffee shop. Nagulat ako nang makita sila Kuya may kasamang mga babae at isa na doon si Ate Hannah. Nagtatawanan pa sila halos may papalo-palo pa.

"Hey!" Tawag ni Ax dito kila Kuya Louis.

Nakita naman siya nito at lumapit sa kinaroroonan namin.

"Andito rin kayo?" Bungad kaagad ni Kuya Kieffer sa amin nang makalapit.

Nginitian lang namin itong apat.

"Hello, Klars?" Nakangiting matamis na bati ni Ate Hannah sa akin.

"Hello po." Bati ko sa kanya at ngumiti rin.

"So, saan tayo uupo?" Tanong ni Ate Hannah sa kanila.

Nakita ko si Ax nasa kabilang table na sa tabi lang namin. Mukhang nakahanap na kaagad ito ng upuan nila. Lumapit naman ang mga ito dito.

Bahagyang napakunot-noo ako nang binibilang ang mga babaeng kasama nila. Lima? Lima rin sila Kuya? Wag mong sabihin partner-partner sila. Mas lalong napakunot-noo ako nang makita kong tumabi kay Ax si Ate Hannah halos nilapit pa ang upuan nito dito.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng selos.

"Order na kayo at libre ko." Sabi ni Ate Hannah dito.

"Woah! Yan gusto ko sayo, Hannah babes e. Hahahaha!" Bulalas ni Kuya Brix.

Napataas-kilay ako nang makita ko ang kamay ni Ax na nasa upuan ni Ate Hannah yung parang aakbayan ba. Dahil sa naramdaman kong selos itinutok ko kaagad ang mata ko sa iniinom ko. Dahil sa pagtitimpi ko, inubos ko lahat yung kape ko halos napaubo pa ko.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon