Kabanata 70:

428 27 40
                                    

Kabanata 70:
- Sing-sing -




KLARISSE DEVELIA POV:

Kakatapos lang namin mag-dinner. Pinag-usapan na rin nila Kuya kung ano gagawin namin sa Sembreak next week. At napagsang-ayunan na na uuwi kami ng probinsya. Woah! Namiss ko ang mother land ko.

Lahat sila sasama at isa na doon si Ax. Excited na ko na makasama ko siya ulit. Matagal din siya hindi na nakabalik roon mula nang iwan niya ako---oo nga pala. Di ko pa natatanong sa kanya, bakit umalis siya noon? At ano nangyari sa kanya nung panahon na iyon?

Masaya ako ngayon dahil okay na si Kuya Louis. Nasagot na rin ang mga gumugulo sa puso niya. Sa totoo lang, inlove na inlove na si Kuya. Pagkatapos nga namin kumain,  tinawagan niya kaagad si Ate Mirah. Nasa flight pa rin ito papuntang States. Kita ko kay Kuya ang pagbabago niya. Kasi kada kakatapos lang niya kumain, deretsyo siya sa sala para manood o di naman nagfi-facebook lang doon. Ngayon, nasa labas na siya, may ka-night talk na.

Masasabi ko lang, 'sana all'.

Umupo ako sa kama ko sabay higa. Tinawagan ko kaagad si Ax kasi dating gawi rin namin. Syempre, may ka-night talk rin ako. Hehehe.

Di ko ma-contact siya at mukhang di siya online. Nagtaka naman ako. Usapan namin na magvi-video call kami. Baka tulog na siya?

Bumangon ako ng higa at dali-dali tumayo at naglakad para tumungo sa kwarto nito. Pinapakiramdaman ko pa ang paligid baka makita ako nila Kuya Kieffer o Kuya Brix. Baka kasi mabuking ako nun, patay kami ni Ax kay Kuya Louis.

Nang makita kong safe ako, dahan-dahan tinawag ko si Ax sa labas ng kwarto niya.

"Ax?" Mahinang tawag ko. Walang nag-response."Ax? Si Klarisse 'to." Mahinang sabi ko parin. Bigo pa rin ako, kaya napagdesisyon kong pumasok na lamang at sakto hindi naka-lock.

Pagpasok ko, nakita ko si Ax. Nakahiga at himbing na natutulog.

"Pst? Ax?" Tawag ko pa rin sa mahinang boses. Hindi siya gumising kaya lumapit pa rin ako sa kinahihigaan nito. Para makasiguro na tulog na siya, pinindot-pindot ko pa ang pisngi ni Ax gamit ang hintuturo ko. Hindi nga siya gumising."Ay, tulog na. Good night my life." Malambing na sabi ko.

Aalis na sana ako na nagulat nalang akong may pumaikot na kamay sa tiyan ko at hinila pahiga sa kama.

"Ay!" Sambit ko.

"Aalis kana?" Napakalalaking boses na saad nito.

Nakatingin lamang ako sa kanya at hindi ko maiwasang tumitig ng matagal sa mga mata niya. Ang awkward ng posisyon namin. Bahagyang napapatungan niya ako. Nakakakaba at nakakakilig ang nararamdaman ko ngayon. Dahil dito, mas lalo siyang gumuwapo at mas lalong naiinlove ako sa my life ko.

"A-akala ko k-kasi tulog kan-a." Nauutal na sabi ko. D*MN! Ayusin mo nga babae! Napaghahalataan ka.

"Tara, matulog tayo." Sabi nito at umalis na ito sa pagkakapatong sa akin.

Niyakap ako nito na halos nagulat ako. Posisyon na naman namin, naka-back hug siya sa akin. Di ko malaman ano nararamdaman ko ngayon pero masasabi ko lang, kinikilig talaga ako. Siniksik nito ang mukha niya buhok ko. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba. Hello! First time nangyari ito sa buong buhay ko. Yung napapanood ko lang sa mga korean drama, nangyayari na rin sa akin. Ganito pala ang feeling. Hihihi.

"Ax, baka mahuli tayo." Pabulong na sabi ko sa kanya.

"Dito ka muna. Gusto ko sulitin na katabi kita. Baka sa susunod, hindi na kita masosolo ng ganito kaya susulitin ko na ang pagkakataon." Sabi niya at mas humigpit pagkakayakap niya sa akin.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon