Pasilip....
Siguro kung pagkabata ka pa lang tayo, kailangan nation mag-aral para marami pa tayong matututunan sa mundo. Ang hirap kasi para sakin sa tuwing sinasabihan nila akong, 'ang bata mo pa!', 'di mo iyan kaya!' at minsan pang may kasamang 'marami ka pang kakainin na bigas'.
Minsan napapaisip ako, kasalanan bang maging bata? Lahat ng gusto ko puro bawal at puro hindi pwede. Lalo na magkagusto sa kaibigan ng kuya ko. Mali bang magka-crush sa isang tulad niya? Tao naman ako, may nararamdaman at umiibig din pero di ko naman kasalanan na maaga palang titibok ang puso ko sa isang tao.
Lumabas ako ng kuwarto ko habang nasa likod ang aking mga kamay kung saan may tinatago ako roon. Pababa ako ng hagdan at ramdam ko ang kaba sa aking dibdib nang makita ang mga kaibigan ni Kuya na nagkukulitan sa ibaba. Mas lalong kinabahan ako ng makita ang magpatibok lang naman ng puso ko, si Lance Maximo Rezalde o tinatawag nilang "Ax". Kaibigan siya ni Kuya Louis ko at kaklase pa niya.
Natigilan nalang sa kaingayan ang mga kaibigan ni Kuya nang makita akong papalapit kay Ax habang ito ay nakatutok sa binabasa nitong Komiks nang...
"Ax." sambit ko sa pangalan nito. Pinipilit kong hindi kabahan kahit ang totoo, kinakabahan na talaga ako.
Napatingin naman ito sakin. Nilagay naman niya sa maliit na lamesa ang komiks at naupo maayos para harapin ako.
"Yes, Klarisse?" nakangiting tanong nito.
Close ko na rin siya at kalaro ko na siya kasi palagi siyang pumupunta dito sa bahay para makipaglaro kay kuya ng Basketball. Minsan na nga siyang matulog dito pag gusto lang niya.
Binigay ko agad sa kanya yung loveletter na ginawa ko palang kagabi. Pinagpuyatan ko iyon para sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na crush ko siya. Si Kuya lang nakakaalam na gusto ko si Ax pero sinabihan ako na pigilan ko raw ang nararamdaman ko sa kanya dahil bawal raw at hindi kami pwedeng dalawa.
Alam ko bata pa ko pero crush ko siya at matagal na.
Tiningnan naman ni Ax ang papel na nasa kamay ko. Nagdadalawang isip pa kung kukunin ba niya o hindi. Nang kukunin na sana niya nang naunahan siya ni Kuya.
"Ano ito ah?!!" sabi ni Kuya Louis nang kunin niya yung loveletter na para kay Ax.
"Kuya! Di sayo yan!!!" sigaw ko.
Kinuha naman ng isang barkada ni Kuya dito yung loveletter. Nagpasa-pasahan na iyon doon.
"Pabasa, Baby Princess." sabi ni Kuya Lloyd na siya lang tumatawag saking princess. Ako daw ang prinsesa ng buhay niya.
Nagtipon-tipon naman yung tatlong kaibigan ni Kuya at binasa.
Dear Ax,
Crush po kita, matagal na. Pwede ba kitang maging boyfriend ko?
From: Klarisse
Naghiyawan naman yung tatlong kaibigan ni Kuya halos napapa-wow pa mga ito.
"Ax, boyfriend daw." sabi ni Kuya Brix kay Ax sabay nagsitawa ang mga ito.
Masamang tingin na tinitigan ko ang tatlo na sila Kuya Lloyd. Wala pa rin effect ang nakakatakot kong tingin kasi pinagtatawanan pa rin nila ako. Ano bang mali sa sinulat ko? Nag-amin lang naman ako ng nararamdaman ko ah?
"Sinabihan na kita, Klarisse. Puppy love lang yan---" di napatuloy sasabihin ni Kuya nang sumigaw ako.
"WALA AKONG PAKE!!! BASTA CRUSH KO SI AX!" buong tapang na sigaw ko.
"Woah! Tapang ng baby natin. Bwahahaha!" sabi ni Kuya Kieffer halos makatawa wagas.
"Isusumbong ko kayo, kay Mama!" pananakot ko dito pero ramdam ko na na napipikon na ako sa tatlo.
"Hala kayo. Hala..." sabi lang ng tatlo na halatang nagsisihan pa maya-maya tumawa na naman ang mga ito.
Bumaling ulit ako kay Ax at nakita kong nakatingin lang ito sakin. Di ko mabasa ang kanyang ekspresyon pero feeling ko di siya nasiyahan sa pag-amin ko. Nararamdaman ko na rin na may sasabihin siyang alam kong masasaktan ako ng sobra.
"Klarisse, may sasabihin ako. Wag ka sanang magagalit ah?" sabi nito nang hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
Tumango lang ako.
"May gusto na kasi ako. Sorry." prangka ni Ax.
Parang salamin na nabasag nalang ang mundo ko. Di ko alam parang tinutusok ng maraming karayom ang aking puso na tila bang unti-unting naglalaho ang sarili ko sa narinig.
"Bata ka pa. Marami ka pang makikilala. Mawawala rin yang feelings mo sakin." sabi niya.
Di ko namalayan, tumulo na pala ang mga luha sa mga mata ko. Nakasimangot na ako at kunti nalang bibigay na ako.
"Sorry." sabi pa nito.
Naluluhang nakatingin lang ako sa kanya. Di ko alam sasabihin ko pero ramdam ko na sagad na sagad sa puso ko ang sakit. Ganito ba masaktan? Ganito ba ito kasakit? Ang sakit pala talaga. Ganito bang magmahal?
Ako nga pala si Klarisse Develia, walong taong gulang palang. Nagmahal ako sa lalaking limang taon ang agwat sakin.
Thank you and welcome in H5YOTM!😇👏💖
- donnionsxx04 -
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...