Kabanata 82:

396 29 17
                                    

Kabanata 82:
- Welcome Back, Klarisse! -





KLARISSE DEVELIA POV:)

**Five Years later....**

FEBRUARY 10, 2024

"Klarisse, di ka pa ba uuwi? Tapos na trabaho natin." Tawag sa akin ng katrabaho ko.

"Isesend ko lang ito kay Sir." Sagot ko habang nagta-type sa keyboard.

"Bye! Klarisse! Bye, Amanda!" Paalam ng mga katrabaho naming mga amerikano.

"Bye! Tomorrow?" Sabi ni Amanda dito sabay sign sa kamay na iinom ng anak.

"Yeah, sure!" Sagot ng katrabaho namin na lalaki at babae.

Nang maalis na ang mga ito, bumaling ulit ito sa akin. Kinuha niya sa gilid ang isang swivel at tumabi sa akin. Pinanood nito ang ginagawa ko.

"Ganyan talaga si Sir. Pag patapos na ang kontrata mo, tatambakan ka talaga ng mga gawain." Turan nito. Siya pala si Amanda, kami lang ang pinoy dito na nagtatrabaho sa company. Kung siya ay taga sagot ng mga complaints ng customer, ako naman ay taga check ng sales."Paano yan bukas na ang last day mo? Uuwi kana ng Pilipinas?" Tanong nito.

Natigilan naman ako at naalala ko nalang ang bansang pinagmulan ko. Mula nang umalis ako, wala na ko nababalitaan kay Ax. Di ko alam ano nangyari sa kanya nang umalis ako. Siguro may Asawa na siya ngayon? Twenty-nine na kasi edad niya ngayon at nasa edad na siya ng pag-aasawa. Ano naman kung may Asawa na siya? Di naman ako pwede magselos dahil magkapatid kami kaya limot ko na ang feelings ko sa kanya. Five years na hindi kami nagkita at alam ko nang hindi ko na siya mahal.

Pero....

Kaya ko na bang makaharap siya?

*///////

Dali-dali ko naman tinungo ang pintuan nang marinig na may nagdo-doorbell. Nakita ko sa screen na si Gio iyon. Nakangiti pinakita niya ang dala niyang supot.

"Matutulog ka na naman na walang lamang ang tiyan mo. Kaya ka di tumataba kasi di ka kumakain ng tama sa oras." Sabi nito nang nilapag sa mesa ang pagkain na binili niya sa labas.

"Tinatamad kasi ako magluto." Sagot ko sabay kuha ng kutsara sa mesa at nagsimula nang kumain.

"Kung tinatamad ka, pwede ka naman magpa-deliver ng pagkain." Sabi nito pagkaupo at nagsimula na rin kumain.

Nang maka-graduate ako, humiwalay na ako sa kanila. Kung dati nakatira ako sa bahay nila, ngayon, nag-hotel nalang ako. Nahihiya na kasi ako sa kanya, gusto ko rin magsarili. Paano akong matututo maging independent woman kung umaasa ako sa kanya, di ba?

"May balak ka bang umuwi ng Pilipinas?" Panimula nito ng topic.

"Di ko pa alam." Sagot ko sabay subo.

"Tumawag na ba sayo si Kuya Louis?"

"Hindi pa. Di ko nasagot kanina kasi busy ako." Sagot ko habang ngumunguya.

Nilapag ni Louis ang hawak niyang kutsara at tinidor sabay kuha ng pitchel at binuhos sa baso.

"Umuwi kana raw. Kukunin ka raw nilang abay sa kasal nila." Sabi nito.

Gulat na napatingin ako rito."Ah? Ikakasal na sila ni Ate Mirah? Kailan raw?" Bulalas ko.

"Next month na raw sabi."

"Ang bilis naman." Turan ko na lamang. Mukhang mapapauwi ako ng Pilipinas nito wala sa oras.

"Kung uuwi ka, sabay na tayo. Aasikasuhin ko rin doon yung business namin." Prisinta nito sabay inom ng tubig.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon