Kabanata 3:

1.2K 35 15
                                    

Kabanata 3:
- I feel -

Mula nang ma-basted ako ni Ax, di na ako lumalabas ng aking kuwarto ko at di na ko nakikipaglaro kila Sophia. Malapit lang kasi bahay namin sa kanila kaya minsan pag hapon o walang pasukan, lagi kami naglalaro niyon kasama mga bata rin dito samin. Pero ngayon nagbago, di na ako sumasali sa kanila dahil buong maghapon lang ako nakakulong sa kwarto.

Minsan ko nalang din kausapin si Kuya Louis. Nahihiya kasi ako sa kanya. Di dahil na-basted ako ni Ax kundi di ko sinunod ang sinabi niya. Tama nga. Marami pang lalaking makikilala ko pag malaki na ako, di lang si Ax nag-iisa ditong lalaki sa mundo. May taong nakalaan sa akin kaya kailangan ko muna tumapak sa tamang edad bago mahanap ang taong nilaan sakin ni God.

Pero paano ito? The more iniiwasan ko sa school si Ax, the more din namimiss ko siya. Gusto ko man siya makita at makausap pero iba na. Nagbago na ang lahat mula nang umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya. Maraming panahon ang nasayang ko at maraming bagay din ang nasira ko sa amin ni Ax. Ngayon, nagkakailangan na kami at alam ko di na mababalik sa dati yung close na close kami.

Balak ko lang naman na aminin sa kanya ang nararamdaman ko at wala nang hihigit pa doon pero bakit yung puso ko gustong may mas higit at mangyari pa doon? Di ako makakapag-sinungaling ng nararamdaman ko. Crush ko nga talaga si Ax.

"Klarisse! Anak! Nandito sila Sophia! Maglaro raw kayo!" sigaw ni Mama habang nasa labas ng kuwarto ng kuwarto ko.

Nanatiling nakahiga lang ako.

"Ayaw ko lumabas, mama! Pakisabi na ayaw ko makipaglaro sa kanila!" sigaw ko habang nakasubsob ang mukha ko sa mga unan.

"Lumabas kana dyan! Mag-iisang buwan ka nang nakakulong dyan. Namimiss kanang kalaro ng mga kaibigan mo!" sigaw pa rin ni Mama.

Dahil mabait na bata ako, walang choice na bumangon ako sa pagkakahiga. Kakamot-kamot sa ulo na tumungo ako sa pintuan at binuksan iyon. At tumambad sakin si Mama na nakakunot-noo.

"Aba! Makipaglaro kana! Tumatanda ka pag palagi kang nasa loob ng kuwarto mo." sabi ni Mama sakin.

Naglakad na nga ako para puntaan sa ibaba sila Sophia. Pagkababa ko, andoon sila nakaupo sa sofa at hinihintay ako.

"Klarisse!" sambit ng mga ito.

"Tara! Laro tayo! Punta tayo sa Basketball Court! Laro tayo ng basketball." yaya ni Troy samin. May pagka-bading pala siya.

"Tara, Klarisse. Sunod, laro tayo ng habul-habulan." nakangiting yaya rin ni Jasmine na isa ring kalaro ko.

"Oo nga." boses naman iyon ni Sophia.

"Sige." payag ko nalang kahit labag sa kalooban.

Nasa basketball court na nga kami ng barangay namin. Cover court na ata tawag dito kasi may bubong na. Umaasenso na rin ang barangay namin dahil umaasenso na rin ang ekonomiya ng bansa.

Kinabahan nalang ako nang makita si Ax kasama sila Kuya. Naglalaro ang mga ito ng basketball. Bigla nalang ako pinagpawisan. Di ko alam kung tatago ba ako o magpapakita sa kanya. Di ko mapigilan talagang mataranta dahil bumabalik lang yung araw na iyon, ang basted-in niya ako.

"Klarisse, ok ka lang?" tanong ni Jasmine sakin.

Nanatiling nakatalikod lang ako kila Ax dahil ayaw kong makita nila ako. Siguradong pagtatawanan nila ako lalo na si Kuya Lloyd, nang-iinsulto iyon. Siya ang number one na nambubully sakin.

"Alis nalang tayo dito." natataranta nang sabi ko.

"Ah? Bakit naman? Ang aga pa para umuwi." sabi ni Troy."Sayang naman oh. Andun pa naman si Brix my crush." nagpupuso-puso ang mata na sabi nito habang nakatingin sa kinaroroonan ni Kuya Brix kasama sila Kuya Louis.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon