Kabanata 2:

1.5K 41 13
                                    


Kabanata 2:
- First Heartbreak -


"Klarisse, tara! Laro tayo habul-habulan nila Troy?!!" yaya ng kaklase ko na parang bestfriend ko na rin, siya si Sophie Aragon.

Nakaupo lang ako niyon sa table ko habang nagdo-drawing at saktong wala ang teacher namin ngayon para magturo ng subject sa Filipino dahil may meeting ngayon ang mga guro.

Kaya ito kaming mga kaklase ko. Abala sa kung anu-ano kinaaabalahan nila. Ang iingay at lumalabas ng room para maglaro sa playground.

"Kayo nalang. Di pa ko pwede maglaro kasi baka mabigatan ako. Baka bumalik ulit yung lagnat ko." sabi ko kay Sophie.

"Sige. Bye!" paalam nito at tumakbo papunta sa mga kaklase namin na nasa pintuan na hinihintay sya. Kalaro na namin ito minsan ni Sophie minsan nga sabay pa kami kumakain ng Recess.

Tumutok ulit ako sa ginagawa ko. Panay drawing ko lang at ginagaya ang litrato ni Dora na nasa Notebook ko. Gusto ko kasi gumaya kay Kuya na ang galing niya mag-drawing. Gayang-gaya talaga nya kung ano mukha na nasa litrato na ginagaya niya.

Ang bata ko pa talaga pero ang mature ko naman magsalita. Masyado kasi ako madaldal. Nagmana ata ako sa Mama ko, madaldal rin. Si Kuya naman, nagmana ng masyadong tahimik at mapang-asar kay Papa. Inaasar minsan ako ni Kuya ee. Sinasabihan niya akong Baboy. Ee di naman ako mataba tulad ng matataba pero nakakainggit nga lang kasi ang payat-payat ko raw. Para daw akong stick sa sobrang payat.

Nang makaramdam ako ng pagka-ihi, tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan ko at lumabas ng school para pumunta ng CR.

Dalawa ang CR namin dito sa school. May CR na malapit sa Grade 4 at meron din sa Grade 6. Masyado malapit ang Room namin sa Grade 6 at Grade 5 kaya makikita ko minsan si Kuya at yung tatlo na sila Kuya Lloyd.

Paliko na sana ako nang saktong kakalabas lang nila Kuya Louis at yung tatlo sa room nito. Nang makita ako ni Kuya, tinawag niya ako.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong nito nang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Sa CR." tipid na sagot ko kay Kuya. Lumapit sakin si Kuya at nilagay niya ang palad niya sa noo ko para ma-check kung ok ba ako. Masyado kasi nang na-trauma si Kuya nung may sakit ako. Lagi akong dinadala sa hospital pag masyadong mataas ang lagnat ko halos nanginginig na ako niyon na parang sinasabihan na raw.

"Akala ko may boyfriend kana at nakikipag-meet kana. Umayos ka. Ang bata mo pa para pumasok sa isang relasyon." pagbabanta sakin ni Kuya.

Nagsalubong lang kilay ko at tiningnan ng masama si Kuya.

"Hoy! Ikaw lang naman nagtuturo sa kanya. Baka mag-boyfriend talaga yan si Princess kasi sinasabi mo ang mga yan." suway sa kanya ni Kuya Lloyd.

"Ee! Mas mabuti na yung advance na sabihan ko siya. Kailangan niya mag-aral saka ang bata pa talaga niya." sabi ni Kuya halos ngumiwi pa siya.

Parang may hinahanap ako sa grupo nila. Wait! Wala yung mambubusong kaibigan nila ah? Asan kaya yun? Bakit di nila kasama?

"Bye!" cold na sabi ko at naglakad na paalis. Ang ingay kasi nila. Panira si Kuya ng araw ko ngayon. Alam ko naman bawal pa ko magka-boyfriend kasi ang bata ko pa, hello! Wala pa yan sa isip ko.

Bakit ko nga pala hinahanap ang lalaking iyon? Hmm siguro nga may atraso pa yun sakin. Sinilipan pa naman niya ako sa CR. Sinilipin ba niya ako? Nah! Same pa rin iyon. Binuso pa rin niya ako.

Naglalakad lang ako niyon at nasa isang kanto ako na di nakitang may Jannitor na dala ang basurahan. Pinupush ito ng Jannitor. Dahil sa laki ng basurahan at ako di niya ako nakita na nasa tapat niya dahil doon nabangga ako nito halos natumba pa ako.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon