Kabanata 51:
- Secret admirer -KLARISSE DEVELIA POV:)
"Ma'am, hindi si Klarisse ang gumawa ng kodigo."
Napalingon naman ako sa aking likuran dahil may nagsalita. Nakita ko si Encer nakatayo sa paanan ng pintuan, nakasaklay ang bag niya sa kanyang kabilang braso habang hawak niya ito ng kanyang kamay. Pagkasabi niyang iyon, seryosong tumingin siya sa akin.
Mas lalo akong nagulat nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Gio. Mukhang tumakbo ito dahil hingal na hingal ito. Tiningnan kami nito ni Ma'am sunod kay Encer na nakaharap parin ito sa amin.
"Anong sabi mo, Mr. Lopez?" Tanong ni Ma'am na tila naging agresibo ang kanyang boses.
"Hindi po nagdadaya si Klarisse---" di napatuloy ang sasabihin nito nang hawakan ni Gio sa siko nito at may sinabi na parang sila lang nakakarinig nun.
May sinabi rin si Encer dito at padabog na inagaw ang kamay sa pagkakahawak nito.
"Dahil ang nagmamay-ari ng kodigo na yan ay..."
Sino? Bakit ganoon na lamang reaksyon nila ni Gio na tila pinipigilan siya nito sa pinaplano niya? Bakit? Nalilito ako?
"Sa akin po."
Nanlaki mata ako sa pagkabigla. Imbes si Encer ang sumagot, si Gio ang nagdugtong ng sinabi nito. Halos pumunta pa sa unahan si Chairman para ipakita na nagsasabi siya ng totoo.
Ewan ko ba kung maniniwala ba ako. Alam kong ibubunyag iyon ni Encer pero parang pinagtakpan ni Chairman ang lahat at siya ang umako ng lahat.
Gulat na napatingin naman si Encer dito. Siguro dami na iniisip nito dahil sa ginawa ng kanyang kasama.
"Hindi po. Ako po, Ma'am!" Sulpot nalang ng pamilyar na boses.
Mas nagulat akong makita si Dalton at isa rin siya sa umamin. Di ko alam bakit andito rin siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Di ko alam para saan ang ngiti na iyon. Siguro nililigtas nila akong tatlo dahil alam nilang hindi ako ang may gawa niyon.
"No, Ma'am, it's me." Pag-aako naman ni Encer.
"Ako, Ma'am" sabay turan ni Gio at Dalton.
Nagtinginan silang tatlo at doon na nga sila nagtalo.
"Ako!"
"Hindi, ako!"
"Ako talaga, Ma'am."
"Ako talaga promise!"
"Ako!"
"Ako!"
"Ako nga!"Panay lipat ang tingin namin dito ni Ma'am at hindi namin alam kung sino papakinggan namin. Dahil sa nainis na si Ma'am, sumigaw ito.
"Stop!"
Natigil naman ang mga ito. Nagtinginan muna silang tatlo bago umayos ng tayo at tahimik na humarap kay Ma'am.
"Ano ba talaga ang totoo?" Pagki-clear ni Ma'am. Napipikon na kasi siya sa kaingayan ng tatlo. Pinipilit lang niya hindi mabatukan ang mga ito.
"Ma'am, pasensya na po kayo. Kasalanan ko po talaga." Pahayag ni Encer.
"Namin." Dugtong ni Gio na dahilan mapatingin si Encer dito.
"Naming tatlo, Ma'am." Tila pagtatama ni Dalton na dahilan tiningnan naman siya ng dalawa. Binigyan lang niya ng mga ito ng nakakalokong ngiti. "Nagre-review kasi kaming tatlo, Ma'am saka nung pagpasok nyo po, naiwan namin sa table ni Klarisse yung kodigo kaya napagbintangan nyo tuloy na nagdaya si Klarisse." Paliwanag ni Dalton. Totoo kaya sinasabi nito?
"Pasensya na po, Ma'am, wag nyo po i-expell si Klarisse. Sobrang mangungulila ako sa kanya pag nawala siya." Naiiyak na sabi pa ni Dalton sabay pinagsiklop ang mga kamay na animo'y nagdarasal ba at nagmamakaawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...