Kabanata 66:

334 22 0
                                    

Kabanata 66:
- Voice Record -

KLARISSE DEVELIA POV:)

Pagkababa ko ng kotse ni Kuya, pumasok na kami kaagad sa bahay. Pagpasok na pagpasok palang namin, bumungad kaagad sa amin si Kuya Brix at Kuya Kieffer may mga balloons na hawak na hugis heart at naka T-shirt na kulay Pink at may naka-print---oh my god!

"Giosse! Giosse! Giosse!" Sigaw ng mga ito  at nagsasayaw-sayaw pa sila na tila may sini-celebrate.

"Ano yan na suot nyo?" Napataas-kilay na tanong ni Kuya sa dalawa.

Dali-dali naman tinakpan ko ang dalawa para hindi makita ni Kuya ang suot nito.

"Wala, Kuya. Nababaliw na naman ata 'to." Sabi ko. Sana umipekto pagpapalusot ko kahit impossible."Kuya, tanggalin nyo na yan." Mahinang sabi ko dito
Nang makita kong nakatingin sa akin si Kuya ngumiti ako sa kanya at hindi nagpapahalata.

"Nagsi-celebrate kami, Bro. Araw ng Giosse ngayon." Tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Brix.

"Giosse! Giosse! Giosse!" Sabi na naman nilang dalawa at nagpaikot-ikot sila.

Kainis naman! Sino ba kasi nag-isip na pangalan na yan! Saka friends lang kami ni Chairman. Loveteam-loveteam pa e! Patay ako nito kay Kuya. Huhuhu!

"Giosse?" Nakataas-kilay pa rin na tanong ni Kuya.

Lumapit ito kila Kuya Brix at pipigilan ko sana nang tinulak ako ni Kuya Louis paalis. Waaa! Wag!

Nakita na nga ni Kuya yung naka-print sa damit ng dalawa. Ano pa nga ba e picture namin ni Chairman, inedit pa saka may Giosse Forever pa nakalagay. Kaasar naman!

Nakakatakot na tingin na binalingan ako ni Kuya kaya napa-atras ako sa takot. Patay talaga ako sa kuya ko.

"Sikat na si Klarisse. May ka-loveteam na siya at pinagkakaguluhan na sila sa school natin dahil sa video nila." Natatawang paliwanag ni Kuya Brix.

"Anong video?" Kunot-noo na tanong ni Kuya dito at binigay ni Kuya Kieffer yung cellphone niya. Halos pa-senyas ko pa sa kanila na huwag ibigay kaso traydor talaga sila.

"Naka-post sa Campus Famous page. Ang dami na ang nag-reacts at comment saka dami na ng share. Nagsilabasan na din mga video nila ni Gio na naglalaro ng basketball, pagsayaw nila ng ballroom at mga picture nila nung highschool pa. Kilig na kilig ang buong estudyante ng ***** University sa kanila." Tuwang-tuwa pagku-kwento ni Kuya Kieffer dito.

Nakita naman ni Kuya yung video at nakita kong nagsimula nang manginig ang kamay ni Kuya sa galit habang hawak ang cp nito. Sini-senyasan ko na ang dalawa na tama na pero patuloy pa rin sila sa pagkwento.

"Kinikilala na ang school natin dahil sa kanila. Di lang iyon, sikat na si Klarisse." Paliwanag naman ni Kuya Brix.

"First time sa school natin magkaroon ng loveteam ang mga Campus Famous." Dagdag pa ni Kuya Brix.

Ayan na. Magsu-super Sian na si Kuya. RIP self, see you in next life. Huhuhu!

"Klarisse?!" Sa sobra nang galit nito sabay tingin ng nakakatakot sa akin.

"Kuya, lemme explain."

"Ikaw." Galit na turan nito kaya tumakbo na ako sa takot at hinabol naman ako nito. Parang bata kami na naghahabulan at nagsisigawan dito sa bahay.

*/////

Kanina pang sabog ang notification ng fb ko. Karaniwan friend request at mga likes ng mga picture ko sa aking timeline. Di lang iyon, dami na rin nagko-comment. Nakaramdaman na ko na parang wala na kong privacy.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon