Kabanata 6:
- Rox -Habang papalapit na ang graduation nila Ax, nalaman kong sila ulit ni Ate Chain. Oo, inaamin ko nasasaktan ako. Siguro nga di para sa akin si Ax. Para sa iba siya, kay Ate Chain siya.
Bakit ganun? Siguro, mahal talaga niya si Ate Chain? Nasasaktan ako. Nasasaktan na ako ng sobra. Bakit di nalang kasi sakin si Ax.
"Ma, alis muna po ako! Punta muna po ako kila Ax." paalam ni Kuya Louis.
"Sige. Umuwi ka agad ah? Sasamahan mo ko mamaya mamalengke sa bayan." sigaw ni mama habang nasa kusina siya.
"Opo!" sagot ni Kuya.
Bago pa man siya dumaan sa harapan ko, tumingin muna ito sakin. Nanonood ako ng T.V ng mga oras niyon sa sala habang nakaupo sa sofa at nakabusangot ang mukha.
Ee ano pa ba nangyari sakin? Heart broken pa rin sa comeback ng dalawa. Gusto ko magalit kay Ate Chain pero ang sama ko naman pag gagawin ko iyon. Dapat maging masaya nalang ako sayo dalawa. Tanggapin ko nalang kasi na di kami ang para sa isa't-isa ni Ax. Bata lang ako sa paningin niya.
"Kuya, nanonood ako oh! Nakakaharang ka sa pinapanood ko!" bad mood na bad mood na sabi ko halos kunot na ang noo ko.
"Sasama ka ba? Kakain tayo ng mangga kila Kuya Ax mo." sabi ni Kuya.
Wait! Niyaya ba ako ni Kuya? Totoo?!!
"Ah? Kakain ng mangga kila Ax?" confirm ko. Wala na atensyon ko sa TV kasi kay Kuya na. Nawala na yung pagkakasimangot ko dahil tila naging masigla ako.
Ewan! Siguro namimiss ko lang si Ax. Makakapunta ulit ako sa bahay ni Lola Aurora kung saan siya nakatira.
"Tara! Pinapapunta ka doon nila Kuya Lloyd mo. Kain raw tayo ng mangga." yaya ni Kuya sakin.
"Waahh! Sige, sige!" atat at excited na payag ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at..."Ma, sasama ako kay Kuya! Kakain raw kami ng mangga kila Ax!!!" paalam ko rin.
"Anong Ax? Panganay siya sayo kaya mag-Kuya ka kay Ax, Klarisse!" sabi lang ni Mama."Sige. Lumayas na kayo." pero maya-maya sabi ni Mama samin.
Nakangiting bumaling ako kay Kuya."Tara na, Kuya Louis." nakangiting sabi ko dito.
Lumabas na nga kami ng bahay para pumunta kila Ax.
Puno ng tawanan lang sa table namin. Nasa veranda lang kami ni Kuya kasama ang barkada niya. Sila lang naman nakakaintindi sa topic nila, ako nao-OP. Sa pagkakain nalang ng mangga ang ina-atensyon ko.
"Oo. Sabi ni Loufert, si Albert daw talaga umutot. Napagkamalan pa tuloy ni Madam si Kieffer. Hahaha! Katabi kasi niya si Albert." natatawang sabi ni Kuya Brix.
"Uy! Di kaya! Sabi di ba ni Ma'am, sa table namin nagmumula yung otot na iyon." todo tanggi naman ni Kuya Kieffer."Di nangunguhulugan na ako iyong umutot."
"Pero ikaw naman pinaghinalaan ni Madam, umutot. Hahaha!" sabi ni Kuya Lloyd sabay tawa.
"Di kaya." napa-pout na tanggi pa rin ni Kuya Kieffer.
Tumawa lang sila Kuya.
Kahit OP ako, ok lang. Nandito naman si Ax ee. Panay kain lang ako ng mangga at nilagyan ko ng bagoong tulad nila Kuya---
Nanlaki mata ako nang tiningnan ko ang mangga na hawak ko habang may bagoong iyon. Napahawak nalang ako sa bibig ko habang nanlalaki pa rin ang mata.
"Bagoong?!!" sa loob-loob ko. Napayuko ako habang hawak ko ang bibig ko. Wala na. Nakain ko na. Nakakain na ako ng bagoong.
"Bakit? May problema ba, Klarisse?" tanong ni Ax nang mapansing nabitawan ko iyong mangga na nasa kamay ko.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...