Kabanata 85:

424 21 3
                                    

Kabanata 85:
- The Kiss -



KLARISSE DEVELIA POV:)

"D*mn! Late na ko!" Turan ko nang magising ako.

Dali-dali na lumabas ako sa kwarto at tumungo sa ibaba. Isa lang kasi CR namin at sa ibaba naka-pwesto. Naabutan ko naman si Kuya na nag-aayos na ng damit sa harapan ng salamin. Papasok na din siya sa kanyang trabaho.

"Patay ka. Alas 9 na, late kana sa trabaho mo."

Di ko lang ito pinansin at tumungo lang sa CR para maligo.

"Sabay kana. Ihahatid na kita sa trabaho mo." Tawag at prisinta ni Kuya habang nasa labas siya ng pintuan.

"Salamat, Kuya." Sabi ko at dali-daling nagsapatos. Pagkatapos ay tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at tumakbo palabas ng bahay.

Sumakay kaagad ako ng kotse ni Kuya at umalis din kami kaagad. Di pa nag-iisang oras nasa harapan na kami ng building---ah? Alam ni Kuya saan ako nagtatrabaho?

"Ingat ka." Sabi nito nang pagkahinto ng sasakyan.

Takang tiningnan ko siya."Alam mo? Na...na dito ako nagtatrabaho?" Di makapaniwala na tanong ko dito.

"Ah?" Naituran nito."Ah, oo naman. Sinabi mo sakin isang araw." Sabi nito kaagad at tumawa na parang pilit lang.

"May sinabi ba ako?" Saad ko at inaalala kung may sinabi ba ako sa kanya. Bakit wala akong naalala na may pinagsabihan ako sa pamilya ko?

"Meron. Oh sya! Bumaba kana. Mali-late na rin ako sa trabaho ko." Sabi na nito.

Bumaba na nga ako sa kotse niya. Nag-wave pa ko ng kamay bago ito umalis. Nang makaalis mabilis na tumakbo na ako papasok sa building. Mabuti naabutan ko pang bukas ang elevator kaya mabilis nakarating ako sa destinasyon ko.

Pagkapasok ko sa office ni Ax, naabutan ko itong madaming ginagawa. Nang makita ako nito dali-dali naman ako humingi ng paumanhin sa kanya.

"Sorry, late ako." Sabi ko rito.

"Okay lang." Sabi lang nito at nagpatuloy ulit sa ginagawa.

Paupo na sana ako sa table ko nang may nag-ring nalang na cellphone. Dali ko naman kinuha sa bag pero hindi naman sa akin. Naisip ko kaagad na baka cellphone ni Ax iyon kaya agad ko siyang tinawag. Di ata niya namalayan na sa kanyang cellphone ang tumutunog dahil busy siya sa ginagawa niya.

"Ax." Tawag ko.

Bumaling naman ito sa akin."Hmm?"

"May tumatawag sayo." Sabi ko.

"Pwede pakikuha sa bag ko ang cellphone ko." Utos nito.

Lumapit naman ako dito. Kinuha mo sa bag niya ang kanyang cellphone at binigay dito. Sinagot naman niya iyon habang nasa mga papel siya nakatingin.

"Yes, Mom?"

"Nandito ako ngayon sa company. Nasa office mo ba ikaw ngayon?" Nasa linya ang mama niya.

Gulat na gulat nagkatinginan naman kami ni Ax. Bahagyang nataranta ako dahil pag makitang nagtatrabaho ako dito, patay ako. Hate pa naman niya ako kaya alam kong hate pa rin niya ako ngayon.

"Oo, Mommy. Bakit?" Tanong nito sa kanyang ina.

"Papunta na ako sa office mo."

Nataranta naman ako pati si Ax. Dali-dali niya akong hinila at pinatago sa mesa niya. Saktong bumukas rin ang pinto at umayos kaagad ng upo si Ax at hindi nagpahalata. Ako naman, tahimik lang habang nagtatago sa ilalim ng mesa niya.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon