Epilogue

2.3K 52 3
                                    

"Please welcome, Julie Anne San Jose" anang host.

Bineso muna niya ang host bago siya naupo sa upuan kaharap ng host.

"How are you, Julie?"

"I'm good."

"First of all, I want to congratulate you for winning Best Actress for your movie. How was it?"

"Thank you. It was great. It's an honor for me to be nominated. Winning the award is such a great feeling. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala for bagging the award. Sa dami ng magagaling na actress sa buong mundo, ako pa yung napili."

"I've watched the movie, and I say that you deserved it!"

"Thank you."

"Julie, gagawa ka ba ulit ng gaanong klaseng pelikula?"

Napaisip muna siya bago sumagot ng, "I'd love to. Pero depende. Kung papayagan ako?" na hindi sigurado.

"NO! 'Di ako papayag." nagulat at napalingon sila ng host sa bigla na lang sumagot.

Lumaki ang mga mata niya pagkakita kay Elmo na naglalakad palapit sa stage kung saan ginaganap ang interview.

"What are you doing here?" pabulong niyang tanong kay Elmo pakaupo nito sa tabi niya.

"Having my interview?" sagot nitong pabulong din.

"Why didn't you tell me? Kaya ba ayaw mo akong samahan kanina?"

Nagkibit balikat na lamang ito bilang sagot.

"Tapos na ba kayong magbulungan diyan?" tanong ng host sakanila habang nangingiti. "So, anong pinag-uusapan niyo diyam. Baka naman gusto niyong i-share sa amin?"

"Tinatanong ko kasi siya kung anong ginagawa niya dito." sagot ni Julie na napapailing.

"Hindi kasi niya alam na kaming dalawa ang may interview ngayon." sagot naman ni Elmo na malapad ang ngiti.

"Hindi niya alam? Pero bakit terno ata kayo ng damit? Parang pinag-usapan eh." natatawang tanong ng host.

Nakakunot noong napatingin si Julie kay Elmo. At totoo nga ang sinabi ng host. Halos pareho sila ng suot. She is wearing a orange fitted dress with a touch of blue on it. While Elmo is wearing a blue polo shirt with a touch of orange on it. Napangiti na lamang silang pareho sa host.

"Hmm. Okay, back to the interview. Bakit hindi ka papayagan na gumawa ulit ng ganoong klaseng pelikula si Julie? Nagkaroon pa nga siya ng award dahil dun."

"Hindi naman sa klase o tema ng pelikula ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng award. Dahil yun sa pinamalas niyang husay sa pag-arte sa pelikulang iyon. Magkakaroon pa rin naman siya ng awards dahil sa talent na meron siya. She excels in every thing she does." Lumingon muna siya kay Julie. "At ayokong ma-expose ang balat niya sa iba. I want to see it by myself" sabay tawa niyang sagot.

Natawa na rin ang host sa sagot nito sa pamumula ng dalaga. "I can feel possesiveness on that answer. hmm. Is there anything going on here that we didn't know?"

Sasagot na sana si Elmo ng unahan siya ng host. "Wait. May napansin lang ako." Kinakabahan namang napatingin si Julie sa host. "Pareho kayo ng ring? Is it a couple's ring?"

Napatingin si Julie kay Elmo ng biglang hawakan nito ang kamay niya and intertwined it.

"I think, I should be the one to answer it." Nakangiting sagot ni Elmo kay Julie bago bumaling sa host. "It is not just a couple's ring. Actually, it is our wedding bond." Nagulat man sa pag-amin ng asawa napangiti na lamang ito.

Nagkagulo naman ang audience pagkarinig nila sa sagot ni Elmo.

"Whoa! It's a revelation! Akala ko interview ito ng pakapanalo mo, Julie. Hindi pala." Kinikilig namang turan ng host.

"So, your married now?" sabay namang tumango ang dalawa bilang sagot. "When did it happen? Hindi man lang namin nalaman?"

"It's 10 days ago. Julie here, my wife, ask me to have a peaceful and silent wedding." Lihim namang kinilig si Julie sa pagbanggit sa kanya ng 'my wife' ni Elmo. Hindi pa rin siya sanay na tawaging asawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap.

"I've always dreamt of having a private wedding. Basta kumpleto ang ang pamilya namin at mga malalapit sa amin sa loob man o labas ng showbiz." sagot naman ni Julie.

"How did you keep it private, kung may mga artista din palang present?"

"We personally invited them and requested to keep quiet about our wedding. Nagpapasalamat ako sa kanila na pinagbigyan nila ang request namin ni Julie."

"Dahil wala kami sa kasal ninyo, puwede niyo ba kaming kuwentuhan?"

"Well, my groom is very generous to give me my dream wedding. He's very hands on in every detail. Kung may groomzilla man, siya na yun." Hinalikan muna siya ni Elmo sa gilid ng noo bago siya nagpatuloy. "Sinigurado niyang makakasama ko ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko."

"You deserved all that, baby. Gusto lang kitang mapasaya kagaya ng pagpapasaya mo sa akin. I want to give you all the best, because your the best thing that happened to me." Naiiyak na siya sa mga sinasabi ng kanyang asawa.

"That's so sweet. I didn't know your that sweet, Elmo. Kailan ka pa natutong maging vocal sa feelings mo?"

"Well, yun siguro talaga ang epekto ni Julie sa akin. Hindi ko rin akalain na magiging ganito ako. That I will be here expressing my love for someone in front of millions of people watching the show." nakangiting sagot nito.

"What makes you decide to tell us about your marriage? Naitago niyo na rin naman yng kasal?"

"I just want to tell the world that the lady beside me, is now my wife. That I'm proud to be her husband. That I'm so thankful for having her and for choosing me." Tuluyan ng napaiyak si Julie sa mga binitawang sarili ni Elmo. Agad naman siyang niyakap ni Elmo.

Labis ding kinilig ang mga tao sa studio. Ramdam na ramdam nila ang labis na pagmamahal sa pagitan nila.

"Kinilig naman ako dun. Haha." anang host. "What can you say, Julie?"

Pinunasan muna niya ang luha niya bago sumagot. "Ahm, wala akong masabi. I'm running out of words. Ang sweet talaga ng Elmo ko." Sabay ngiti kay kau Elmo. "Thankful ako na dumating ka sa buhay ko. Tagal ko kayang naghintay sa'yo." Natawa naman ang audience sa sinabi niya. "Kidding aside, thank you baby. For everything you've done for me. For staying on my side. For proving me and showing me how much you love me. For taking care of me. For everything. For this. For telling the world about me. I love you, baby."

"I love you, too." sabay halik sa noo ng asawa.

Tumingin si Elmo sa host, "Go ahead, Elmo."

"That's the least I can do, baby. Baby, I want to thank you for not giving up on me. For loving me unconditionally. For making me smile every single minute I'm with you. And for making me feel blessed and contented just by having you beside me. I love you so much, baby" Agad din niyang hinalikan sa labi ang asawa.

"Grabe, ang daming langgam. Hindi ko kinaya ang ka-sweetan ninyo. Masaya ba kayo guys, na nakatuluyan na ang JuliElmo?" Tanong ng host sa audience na mabilis namang sinagot ng hiyawan mula sa kanila. Ngumiti naman ang mag-asawa sa mga audience.

"Julie, Elmo, thank you for the interview and for choosing our show" Tumango na lamang sila bilang sagot. "Our newly wed, Mr. & Mrs. Elmo Magalona." Pamamaalam ng host.

----------

Sa mga nagrequest, ito na po yun. Sana nagustuhan niyo. Salamat po sa mga nagbasa.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon