Chapter 14

859 24 1
                                    

"Nagpa-schedule ako ng isang interview para sa inyong dalawa."

"Po?" halis magkanapabay na sambit nina Julie at Elmo sa sinabi ni Tita Angie.

Nagtataka si Julie. Dati ay hindi pinapatulan ng manager nila ang mga tsismis na nagsasabing may romantikong relasyon sila ni Elmo. Hinahayaan lang nila iyon hanggang sa kusang matabunan iyon ng mga ibang balita.

"I want everything clear, you two hear me?" wika ng manager nila sa matifas na tinig.

"Why are we being so serious about this?" nagtatakang tanong niya. "Dati naman po ----"

"Marami na ang naiinis sa'yo Julie. Some Janine fans branded you as 'pasimpleng mang-aagaw' already. Naluha raw si Janine sa isang interview nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Elmo. Elmo, pagsabihan mo 'yang girlfriend mo."

"She's not my girlfriend," mariing tanggi ni Elmo.

"Iyon naman pala. Ano ang inaarte-arte niya?" naiinis na sabi rito ni Tita Angie.

Kahit siya man ay naiinis na sa babaeng iyon. Ano ang nais nitong palabasin? Wala naman siyang ginagawang masama rito. Bakit nito ginugulo ang nananahimik na buhay niya?

"When is the interview?" tanong na lang niya. She guessed she had to tell the "he's just a brother" crap again.

"Sunday afternoon."

Kapwa na lang sila tumango ni Elmo.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon