Chapter 27

964 26 1
                                    

Nang mga sumunod na mga araw ay naging abala si Julie sa ilang mga commitments niya at sa promotion ng indie movie niya. Naipalabas na ang tailer niyon at naibigan niya ng husto.

Maraming mga tao ang hindi makapaniwalang gumawa talaga siya ng ganoong uri ng pelikula. Marami ang nagulat. Marami rin ang pumuri sa lakas ng loob niya. Marami rin ang nagsasabing iyon na ang katapusan ng magandang career niya. Para daw siyang nagpatiwakal dahil sa pelikulang iyon.

Hindi niya pinansin ang mga negatibong puna. She was very proud of that movie. Hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng mga salita ng iba. Kung bumagsak man siya dahil sa pelikulang iyon, kagaya ng sinabi niya noon, she would suffer the consequences.

Mabuti na lang at marami pa ring tao ang naniniwala sa kakayahan niya. May ilang press people na nagsasabing tila maganda ang naging pag-arte niya sa pelikula base sa nasilip ng mga ito sa trailer.

"May instincts tell me that you'll get an award for this movie." Sabi sa kanya ni direk Simon. "Huwag mong damdamin ang mga sinasabi ng ibang mga tao. You're a great actress, Julie. Kakainin nilang lahat ang mga negtibong komento nila sa oras na mapanood nila ang buong pelikula mo.

"I'll be proud of you no matter what," ani Tita Angie sa kanya.

"I'll still write songs for you," sabi ni Maken sa kanya nang minsang magkita sila sa Sounds.

"And I'll still produce your albums," segunda ni Rob.

"You'll still be my top endorser," wika ni First Nicholas o Nick na nasa Sounds din. He was also a Lollipop Boy. Nang ma-disband ang mga ito, pinagtuunan nito ng pansin ang mga negosyo ng pamilya nito. Malaking conglomerate ang hawak nito. Endorser siya ng ilang mga pangunahing produkto nito.

"I'll just be here," sabi ni Elmo. "Mananatili ako sa tabi mo lagi. Hindi kita iiwan."

Sapat na ang mga iyon upang hindi bumaba ang self-confidence niya. Marami pa ring mga tao ang nagtitiwala sa galing niya. Marami pa rin ang nakasuporta sa kanya.

Ang pinakaimportane sa lahat, laging nasa tabi niya si Elmo. Minsan, nagugulat na lang siya kapag nakikita niya ito sa mga lugar na pinupuntahan niya. Madalas silang kumain sa labas Nang tanungin niya kung wala itong commitments, wala pa raw ibinibigay rito si Tita Angie. Sinamantala na niyang makasama ito dahil siguradong bihira na niya itong makakasama kapag puno na ang schedule nito.

Hinihintay rin niyang kausapin siya nito tungkol sa pagbabago ng relayon nila. Hindi niya alam kung bakit hindi pa nito muling binubuksan ang paksang iyon. Naiinip na tuloy siya sa paghihintay. Nahihiya naman siyang siya ang magbukas sa paksang iyon. Ito dapat ang manguna dahil ito ang lalaki. At ito rin ang nagsabi na pag-uusapan nila ang bagay na iyon.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon