Chapter 5

980 23 0
                                    

Mainit ang ulo ni Elmo. Gusto niyang magwala ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang sakalin si Julie at malamang na nasakal na nga niya ito kung nasa malapiy lang ito sa kanya. She was so out of her mind.

Dahil mainit ang ulo niya, nasigawan niya ang PA niya sa maliit na pagkakamali niya.

Huling araw ng shooting ng teleserye niya. Madalas ay nakakaramdam siya ng kaligayan tuwing natatapos niya ang isang proyekto. Alam kasi niyang may mga tao siyang napapasaya sa bawat pa paglabas niya sa telebisyon. This time, it was different. He was irritated. Hindi niya inakalang maiirita siya nang ganoon katindi kay Julie.

Alam ng lahat na hindi siya mahilig magkunwari kapag wala siya sa harap ng camera. Kapag mainit ang ulo niya, pinapakita niya iyon. Hindi naman siya nagiging unreasonable kahit na galit siya. Alam din naman ng lahat iyon.

Artista siya ngunit tao rin lang siya. Hindi laging maganda ang mood niya. Hindi laging maganda ang araw niya.

Kaninang umaga ay binasa niya ang ibinigay na script ni Julie. Umpisa palang ay sigurado na siyang hindi siya papayag na gawin nito pelikulang iyon. Kung hindi si Julie ang napisil na gumanap na bida sa pelikulang iyon, malamang na magustuhan niya ang storyline.

Iyon ang tipo ng pelikulang hindi pipilahan ng mga tao sa sinehan. Gayunman, iyon ang tipo ng pelikulang humahakot ng mga awards. Lalo pa at napakahusay ng magiging direktor niyon.

The story revolved around a nineteen-year-old girl who do cybersex for living. The girl was supposed to have a very cute and innocent face, so Julie was suited for the role. Breadwinner ito ng pamilya. May sakit ang nanay nito at nagaaral ang mga kapatid nito. Wala iyong natapos kaya wala iyong makuhang magandang trabaho na may magandang sahod. Nagtatrabaho iyo sa isang fast food restaurant ngunit hindi sapat ang kinikita nito. Naisip nitong makikita lang naman ang katawan niyo at hindi talaga mabibihiran ng dumi kaya nagagawa niyong magpakita ng kapirasong laman ng internet.

As the story progressed, she would meet a lesbian. She would fall for her. Mamahalin din ito ng husto ng lesbian. Malalagay sa bingit ng kamatayan ang lesbian dahil sa aksidente. Masusubok ang pagmamahalan ng dalawa.

Julie's character was willing to sell her body and soul for her to live.

Julie had to show her flesh. Required iyon sa kuwento. She also had to perform sexy dance routines. Hindi iyon problema dahil magaling naman iyong sumayaw. She had to stiptease. He was trying to imagine her doing it and he was already losing his mind. May kissing scene at love scene din ito sa babaeng katambal nito. That would be forgivable. Ngunit kailangan din niyang i-offer ang sarili nito sa isang DOM. Hindi iyon kaya ng imahinasyon niya.

His sweet Julie. Did she really consider doing that film? He would never let her. He would never let her show her flesh. Hindi lang masisira ang imahe nito, masisira ang buong career nito. Hindi lang iyon matatapos doon. Bababa ang tingin ng lahat dito. Kahit moderno na ang mundong ginagalawan nila, tradisyunal pa ring mag-isip ang mga viewers. Para sa mga ito ay walang pagkakaiba ang "sexy star" sa "bold star." At gagampanan ni Julie ang isang role ng porn star, ng babaeng mababa ang lipad. A woman for sale.

Hindi rin niya kayang isipin na magiging laman ito ng pantasya ng mga kalalakihan. Julie may have an innocent face but she had a very gorgeous body. Hindi lang nito madalas na ipakita iyon. Medyo konserbatibo itong manamit minsan. It suited her perfectly.

And now, she suddenly wanted to change her image? At hiningi pa talaga nito ang opinyon niya. Puwes, kung inaasahan niting positibo ang magiging opinyon niya, nagkakamali siya. Sasabihin pa niya kay Tita Angie na huwag itong payagan.

Screw the awards she might get from it.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon