Chapter 10

954 22 0
                                    

It was Julie's first shooting day. She was both excited and terrified. Sa unang scene pa lang ay may striptease dance. She knew she could do it. She trusted herself.

Nagulat siya nang pagdating niya sa set ay nakita niya roon si Elmo. Kausap nito ang direktor niya. Nginitian siya ng mga ito nang makita siya.

Nagtatakang nilapitan niya ang mga ito. "Hi, direk." bati niya, pagkatapos ay bumaling kay Elmo. "What are you doing here?" tanong niya rito.

Nagkibit balikat ito. "Gusto ko sanang manood. Sabi ni Direk Simon, okay lang daw."

"Wala ka bang trabaho?"

"Bakasyon ko. Katatapos lang ng teleserye ko. I deserve a long break."

"Akala ko ba pupunta ka sa Amerika para sa mahabang bakasyon mo?" Nasabi na nito sa kanya noon na plano nitong magtungo sa Amerika para sa isang mahabang bakasyon.

"I cancelled it."

For this? nais niyang itanong ngunit nagpigil siya. Baka ilang araw lang nitong ikinansela ang trip nito patungong ibang bansa.

Natutuwa siyang naroon ito kahit pa alam niyang medyo maiilang siya mamaya. He really cared for her. Nais siguro nitong siguruhin na magiging maayos siya sa unang araw ng shooting ng pelikulang iyon.

Naging abala na siya sa paghahanda at pakikinig sa nga instruksyon ng direktor niya. Kabado siya nang sumalang na siya. Nginitian siya ni Elmo bilang pagbigay suporta sa kanya. She took deep breaths to calm her nerves.

Nakakatawa dahil matagal na siyang umaarte ngunit ngayon lamang siya kinabahan ng ganoon katindi. Siguro dahil hindi siya magpapa-cute o magpapaawa sa pagkakataong iyon. It was her first time to striptease in front of a camera.

"Ready, Julie?" tanong ni direk Simon.

Huminga siya ng malalim bago siya tumango. Sa hudyat nito ay nag-umpisa siya. Nasa isang kama siya at nakikipag-chat sa isang foreigner sa kanyang laptop. Ilang mensahe muna ang naging palitan nila, saka niya inabot ang On button ng isang CD player. Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Inilagay niya ang laptop sa isang mesa. She started dancing while taking off the buttons of her pajama top.

"Look seductively at the camera, Julie," her director instructed.

Tumalima siya. She did all she could to look seductive and not cute.

"Very good. Keep on dancing."

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon