Chapter 33

1K 29 0
                                    

Ngitngit na ngitngit si Julie habang pinapanood ang taped interview ni Janine Gutierrez sa isang showbiz news nang gabing iyon. May paiyak-iyak pang nalalaman ito.

"Drama queen talaga," naiinis na sabi niya. "Wala namang karapatan."

"It's getting worse, Julie," wika ni Tita Angie na kasama niyang nanonood. Nasa loob sila ng condo unit niya.

Lalo siyang nagngitngit. Taliwas sa inaasahan nila, hindi natapos ang nga intriga sa kanila ni Elmo. Habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalala ang mga masasamang balita. Ang lahat ay kagagawan ng pakialamerang si Janine.

Kung umakto ito ngayon ay tila aping-api ito. Tila nais nitong kunin ang simpatya ng lahat. Hindi nito direktang sinasabi ngunit parang pinalalabas nito sa lahat na inagaw niya rito si Elmo.

Maraming tao na ang kumbinsido na sila na ni Elmo kahit wala silang inaamin. Kumbinsido rin ang lahat na may relasyon din sina Elmo at Janine dati. Kinukumbinsi ng bruha ang lahat na sinira niya ang relayon ng dalawa. Nagkuwento pa ito ng mga pangyayaring ginawa raw niya upang puntahan siya ni Elmo kahit na magkasama ang mga ito. Totoong nangyari ang ilan sa mga sinabi nito. May mga instances na humihingi siya ng tulong kay Elmo at kaagad naman siya nitong pinupuntahan. Natural, best friend siya nito. Si Janine ay ka-loveteam lang nito. Kapag hindi na nakaharap ang mga ito sa camera ay wala na.

Ngayon ay kumbinsido na siya na talagang malaki ang pagtingin nito sa nobyo niya at gagawin nito ang lahat upang masira sila.

"Ano ang mensahe mo kina Julie at Elmo kung sakaling nanonood sila? tanong ng host dito.

"Sana maging masaya po sila," tugon nito habang nagpupunas ng mga luha. "Kung maaatim po nilang maging masaya."

"In scale of one to ten, gaano kasakit para sa'yo ang lahat, Janine?"

"One thousand po. Ganoon po katindi."

Naiinis na pinatay na niya ang TV. Dinampot niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kasintahan.

"Kaunting-kaunti na lang, Elmo, masasabunutan ko na 'yang buwisit mong ex!" naiinis na bungad niya rito.

Natawa ito nang bahagya. "She's never my official girlfriend, ilang ulit ko bang sasabihin 'yan sa'yo bago mo paniwalaan? Paano ko siya magiging ex?"

"Ex-loveteam. Hindi ka na tatanggap ng kahit anong project na kasama siya, naiintindihan mo?"

Lalo itong natawa. "Masyado ka nang napipikon, Japs. Isang dekada na tayo sa showbiz. Dapat ay hindi ka na napipikon. Hayaan mo lang si Janine. She's just in love with me. Hindi niya matanggap na hindi na ako mapapasakanya."

"Pinaasa mo siguro nang husto kaya kumapal masyado ang mukha. Sigurado ka bang hindi kayo nagkaroon ng romantikong relasyon?"

"Just a casual affair, nothing more. You sound like a typikal jealous girlfriend."

"I'm a typical jealous girlfriend, Elmo."

"Ang init-init ng ulo mo. Kung nilalambing mo na lang kaya ako para matuwa tayo pareho."

Lumabi siya. "Wala ako sa mood. Talagang mainit na mainit ang ulo ko."

"Open the door."

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Just open it."

Nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon. Kaagad na nawala ang init ng ulo niya nang makita ito sa labas ng pinto. Nasa tainga nito ang cellphone nito at may dala itong malaking bouquet ng orange roses. Napangiti siya at niyakap ito.

Pumasok ito sa loob at isinara ang pinto. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas iyon, kapagkuwan ay hinalikan nito ang mga labi niya. Tumugon siya nang buong puso. Bakit niya pag-aaksayahan ng panahon si Janine? Masisira lamang sila ni Elmo kung hahayaan niya itong sirain sila.

"I love you," he murmured against her lips.

Sasagot sana siya nang may biglang tumikhim. Saka lang niya naalalang naroon nga pla si Tita Angie. Nahihiyang kumalas siya kay Elmo at kagat-labing hinarap ito.

"We have two options," ani Tita Angie sa pormal na tinih. "Una, puwedeng maglayo muna kayo. Huwag muna kayong magpakita sa mga tao na madalas na magkasama. Pangalawa, umamin na lang kayo sa totoong estado ng relasyon ninyo."

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Elmo. "Kailangan ba talaga naming patulan ang lahat?"

"Elmo, this is showbiz. Pinangangalagaan ko lang ang mga imahe niyo. Ayokong isipin ng mg taong mang-aagaw si Julie. Ayoko ring isipin ng mga tao na papalit-palit ka ng babae. Na hindi ka makontento sa isang babae."

"Ayokong pagpistahan ang relasyon namin." aniya rito. "Ngayon pa nga lang ay napakarami nang sumusira, ano pa kaua kung aamin kami?"

"So lay low muna? Importante kayong dalawa sa akin, alam ninyo 'yan. Ayokong may makasira ng relasyon n'yong kauusbong pa lang."

Masuyong niyakap siya ni Elmo. "Everything would be okay," bulong nito sa kanya.

She hoped so.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon