Chapter 31

1.2K 28 1
                                    

"More! More! More!" hiyaw ni Julie habang patuloy siya sa pagpalakpak.

Tuwang-tuwa siya sa apat na napakaguwapong lalaki na nagsasayaw at kumakanta sa harap niya. Parang nagkaroon ng reunion ang Lollipop Boys dahil sa kanya. Kulang na lang ang mga ito sa isa.

Naroon silang lahat sa loob ng condo unit niya. Sabado noon at panonoorin nila ang second part ng two-part episode ng TV drama nila ni Elmo. Noong nakaraang sabado ay sila ni Tita Angie ang magkasamang nanood sa opisina nito. May taping noon si Elmo kaya hindi nila ito nakasama. Kanina ay nagulat siya nang bigla na lang itong dumating kasama ng mga kabarkada nito. Napakaraming dalang pagkain ng mga ito. Gusto raw mapanood ng nga ito ang ending ng kuwento nina Andrew at Clarice.

Natutuwa siyang naroon ang mga ito. Pinakamalapit siya kay Elmo ngunit mahalaga rin para sa kanya ang mga ibang miyembro ng Lollipop Boys. Matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita-kita at magsama-sama. Maganda ang pagkakataon upang makapag-bonding sila.

Habang wala pa ang panonoorin nila ay humiling siya na sumayaw at kumanta ang mga ito tulad ng dati. Game naman na pinagbigyan siya ng nga ito. Wala pa ring kupas ang Lollipop Boys.

Umiling si Nick mayamaya. "Ayoko na," reklamo nito. "Hindi ko na gaanong memoryado ang mga lyrics at steps," anito habang umuupo sa tabi niya. Nagsisunuran ang iba. Umabot ng inumin ang mga ito.

"Ba't hindi kayo mag-comeback?" suhestiyon niya. Inabutan niya ng chips si Elmo na tumabi rin sa kanya. "Kahit isang album lang."

"Good idea," ani Rob. "But not possible as of now. Lima ang members ng Lollipop Boys, hindi apat. Vann is busy in his concert series in Europe. At isa pa, abala kami lahat sa kanya-kanya naming mga buhay."

"Oo nga," ani Maken. "Busy kami lagi sa mga buhay namin. Kagaya na lang nitong si Elmo, busy sa panliligaw sa'yo. Kailan mo ba ito sasagutin?"

Dinampot niya ang remote control at binuhay ang TV. "Malapit nang magsimula," pag-iwas niya sa tanong.

Natawa ang mga ito. Tinukso-tukso pa siya ng mga ito hanggang sa mag-umpisa na ang palabas. Tumahimik na ang mga ito at itinuon ang buong atensyon sa panonood. Ang unang episode nila noong nakaraang linggo ay humataw sa ratings. Ikinasorpresa iyon ng lahat. Hindi alam ng lahat na may ganoon katindi silang hatak ni Elmo sa mga viewers.

"Damn, that would be this year's Best Kiss in Television," ani Maken pagkatapos ng kissing scene nila ni Elmo. "It's fantabulous. All the emotions were there."

Nag-init ang kanyang mukha. Nahihiya siya na hindi niya malaman. Maganda ang anggulo nila ni Elmo. Umaapaw ang pagmamahal sa halikang iyon.

Inakbayan siya ni Elmo at nginitian siya nang napakasuyo. "We did great."

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang panonood. Hindi niya napigilang maluha nang mamatay si Andrew.

Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ni Elmo.

Natatawang niyakap siya nito. "Again?" panunukso nito.

"I just can't help it. It's very heartbreaking," tugon niya habang nakasubsob pa rin siya sa dibdib nito.

"Kailangan ba talagang mamatay si Andrew? Bad trip naman, o," reklamo ni Maken. "Ang ganda na, eh."

"Ganoon talaga. Kailangan, umaapaw sa drama," sabi ni Elmo dito.

"Sana hindi kayo matulad kina Andrew at Clarice," hiling ni Rob. "Sana ay magkasama kayo nang matagal. Alam ko, magiging masaya kayo sa isa't isa. Alam ko ring magmamahalan kayo nang lubos."

"We're still just friends," aniya habang nagpupunas ng mga luha.

"Showbiz," sabay-sabay na wika ng tatlo.

Natatawang lumayo siya kay Elmo. "Totoo naman. Hindi ko pa sinasagot itong kaibigan ninyo."

"Sasagutin mo rin 'yan sa lalong madaling panahon," ani Rob.

"Don't let anything ruin you two, okay?" payo ni Maken sa kanila. "Just stick together, no matter what. Magulo ang mundong ginagalawan ninyo pareho. Huwag n'yo nang intindihin pa ang ibang tao. Just be happy."

Natutuwa siya sa mga sinabi ng mga kaibigan nila. Siguro, hindi na niya maipagkakaila sa mga ito ang pagmamahal niya para kay Elmo. Masarap pala sa pakiramdam na may mga taong nakasuporta sa magiging relasyon nila.

"O, siya," sabi ni Elmo sa mga ito. "You all said your piece. Get the hell out of here ang leave us alone."

Binato ito ni Maken ng throw pillow. "Tara na raw," sabi kina Rob at Nick. "Kailangan na nilang mapag-isa. Kailangan ko na ring umuwi. Kailangan kong ipagkalat sa cyber world ng mga JuliElmo na natupad na ang minimithi nila. May romantikong relasyon na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose."

Natatawang pinagbabato nila ito ni Elmo ng mga throw pillows. Pag-alis ng mga ito, nakadama siya ng kaunting pagkailang.

"Moe--"

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil nailapat na nito ang mga labi nito sa nga labi niya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at tumugon sa halik nito.

"I love you," anito nang pakawalan nito nang bahagya ang mga labi niya.

"I love you, too," she said before gently nipping his lower lip.

Tila bombilyang nagliwanag ang buong mukha nito. "As what?"

She rolled her eyes before taking his mouth for a very passionate ang hot kiss. "Ganoon ba humalik ang kapatid? Ganoon ba maghalikan ang mga magkakaibigan?" sarkastikong tanong niya rito pagkatapos niya itong halikan.

Niyakap siya nito nang mahigpit. "Wala nang bawian. We are officially on now. You are mine and I am yours. I love you, Japs. Tell me you love me again."

"I love you, Elmo Moses Arroyo Magalona."

"Again."

"I love you so much, Moe"

"Again."

Hinampas na niya ito sa likod. "Niloloko mo na ko, eh."

Dinampian nito ng halik ang mga labi niya. "Hindi kita niloloko. Gusto ko lang marinig nang paulit-ulit para makasiguro ako na hindi lang ako nananaginip."

"Hindi tayo nananaginip pareho." Sinalubong niya ang tingin nito. Naging seryoso ang mukha niya. "Sasabihin ba natin sa lahat na tayo na?"

Naging seryoso na rin ang mukha nito. "Gusto mo?"

Umiling siya. "Ayoko munang aminin ang totoong relasyon natin. Parang malaki kasi ang posibilidad na masisira lang tayo kapag nalaman ng lahat ang totoong estado ng relasyon natin. Ayoko ring mapalibutan tayo ng mga intriga. Do you get what I'm trying to say?"

"Perfectly. Naiintindihan ko. Iyan din talaga ang gusto kong gawin. We'll not confirm or deny anything. Hayaan mo silang mag-isip ng gusto nila. I'm just tired with our usual he's-my-brother-she's-my-sister-crap. Uso naman sa showbiz ang ganoon. Hindi aamin sa relasyon hangga't hindi pa ikinakasal."

Napangisi siya. Ang buong akala niyang sasabihin nito ay hindi aamin sa relasyon ang mga artista hangga't hindi pa naghihiwalay. Ibig sabihin ay hindi nito iniisip na magkakahiwalay rin sila tulad ng madalas na nagyayari. Napakasarap ding isipin na ikakasal sila pagdating ng araw.

"May mas maganda pa bang mangyayari sa buhay ko?" aniya. "Natupad na ang mga pinapangarap ko. Parang nakakatakot ding maging sobrang masaya. Baka kasi ang kasunod, sobrang kalungkutan naman."

Hinaplos nito ang pisngo niya. "Paano mo naiisip ang lungkot sa mga sandaling ito? Basta magkasama tayo, kaging masaya. Aalagaan natin nang husto ang relasyon natin, Japs. Hindi natin hahayaang matulad tayo sa iba."

Tumango na lang siya. Gagawin niya ang lahat upang manatili sila sa isa't isa. Hindi niya hahayaang mawala ang natupad niyang pangarap.

"I love you, Moe."

"I love you too, Japs."

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon