Chapter 6

992 21 0
                                    

"Are you out of your mind?"

Napasimangot si Julie sa pagtaas ng tinig ni Elmo. Nasa unit niya ito nang gabing iyon. Ni hindi man lang nito napansin na ipinaghanda niya ito ng espesyal na hapunan. Napakalinis ng unit niya. Mabangung mabango pa. Hindi rin nito napansin na napakaganda ng suot niyang bestida. Nagpaganda siya nang husto dahil alam niyang darating ito.

"Dinner?" aniya sa halip na pansinin ang sinabi nito.

Hindi rin siya pinansin nito. "You are not doing thay film!" utos nito sa mariing tinig.

Tuluyan na siyang nainis dito. "I want to do the film. It's vey good."

"It's great. Nandon na ako. But it's not you. Totally not you."

"Bakit ba? You are a bit overreacting, Elmo."

Lalo namula ang mukha nito. "A bit overreacting?"

"Don't shout" naiinis na sabi niya rito.

"Why do you want to do the movie?" tanong nito sa pinababang tinig.

"I want to try something new. Something different, I'm tired playing my usual sweet girl roles. This would be a great movie. I can feel it."

"No," bulong nito ngunit mariin ang pagkakabigkas. "I won't let you ruin your career."

She sighed on exasperation. "You don't know that. The fans would love me more because I dared to be different."

"Hindi mo ibibilad ang katawan mo sa lahat ng tao."

"Hindi makitid ang utak mo, Elmo. I trust Direk Simon. He promised to protect me. Hindi raw ako mababastos. I'm not doing a porn movie."

"No. Kahit ano ang paliwanag na gawin mo, iyon pa rin ang sagot ko. I'll talk to Tita Angie."

Tuluyan na siyang nainis dito. "You are not my father, Elmo! Sana ay hindi ko na lang pinabasa sa'yo yung script."

"Ipinabasa mo sa akin dahil akala mo magiging okay lang sa akin at sasamahan kitang kausapin si Tita Angie dahil alam mong hindi ka niya papayagan. You know Tita Angie always listens to me."

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Tama ito. Palagi itong pinapakinggan ng manager nila. Alam niyang tutulungan siya nito kaya pinabasa niya rito ang script. Hindi lang niya inakalang magiging ganoon katindi ang reaksyon nito.

"Why are you being hard on me?"

"And she dared ask me," sarkastikong turan nito.

Yumakap siya rito. Natigilan ito. "Please, Elmo," pakiusap niya.

Kung tutuusin, wala naman itong dapat na pakialam sa mga desisyon niya tungkol sa career niya. Hindi ito ang tatay niya, hindi niya ito kapatid. He was just her best friend. Dapat nga ay sinusuportahan siya nito. Alam nitong hindi naman siya gagawa ng masama. Gagawin niya iyon para sa sining. Para sa ikauunlad ng kakayahan niya. Dapat ay maintindihan nito iyon dahil pareho nilang mahal ang mga ginagawa nila.

Naramdaman niyang gumanti iyo ng yakap. "Don't beg, please," bulong nito. His voice turned soft. Walang anumang bahid ng inis o galit iyon. "Ayoko, JAPS. You are my sister and I won't let my sister degrade herself."

Marahas niyang itinulak ito palayo. Degrade herself? She would not degrafe herself. Bakit hindi nito lawakan ang isip nito?

"You are not my brother!" she snapped. Sawang sawa na siyang marinig iyon. Sawang sawa na siyang magkunwari. Bakit hindi nito makita na babae siya? Babaeng umiibig dito?

"JAPS---"

Namasa ang kanyang mga mata. "Leave me alone, Elmo Moses. I asked for your opinion because I thought you of all people will understand me. I was wrong. Tulad ka rin ng mga tipikal na lalaki."

Nagtungo ito sa pinto. "I care for you, JAPS. Tama ka, katulad din ako ng mga tipikal na lalaki kaya alam ko kung ano ang iisipin ng mga kapwa ko lalaki kung makikita kang halos hubad sa screen. Ayokong nababastos ka." Bago pa man siya makatugon ay nakaalis na ito.

Nanghihinang umupo siya sa harap ng dining table. Sayang ang effort niya sa paghahanda ng mga pagkain. Sayang ang pagpapaganda niya. Nag-away lang sila ni Elmo.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon