Chapter 38

1.4K 27 4
                                    

Kahit anong pigil ni Julie ay ayaw magpaawat ng mga luha niya sa pagpatak. Nasa van siya papunta sa puneraryang sinabi ni Rob na kinaroroonan daw ni Elmo. Gusto niyang magwala. Yakap-yakap siya ng kanyang ina. Hindi matuyo ang mga mata niya.

"I'm sorry, Julie," ani Rob nang tawagan niya ito kanina. Sinabi nito ang address ng punerarya, pagkatapos ay tinapos na nito ang tawag.

Hirap na hirap siyang tanggaping wala na ang lalaking mahal na mahal niya. Ni hindi maganda ang naging paghihiwalay nila. Pakiramdam niya ay bibitiw na siya sa katinuan niya anumang sandali. Tila nais na rin niyang mamatay. Parang hindi niya kakayanin ang buhay na wala si Elmo.

Halos wala na siyang lakas nang makarating sila sa punerarya. Ang papa niya ang umalam kung nasaang bahagi si Elmo. Nagpaakay siya sa kanyang pamilya dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Sa nanlalabong mga mata, nakita niya sa labas ng pinto ang mga Lollipop Boys. Nagulat siya nang makitang kasama ng mga ito si Vann. Naroon din si Tita Angie. Pare-parehong nakayuko ang ulo ng mga ito.

"W-where i-is h-he?" she asked brokenly. Lalo siyang tumangis. "Is he r-really dead? Please tell me he's still alive. This is just a joke, right?"

"Pumasok ka sa loob, Julie. Hinihintay ka na niya," sabi ni Rob.

Umiling siya. Hindi niya kayang makita na nasa loob ng isang kabaong si Elmo.

"Please, Julie," ani Vann. Nakikiusap ang tinig nito. "Make our brother happy."

Nanghihinang hinawakan niya ang knob ng pinto. Kailangan niyang pumasok sa loob. Kailangan niyang magpaalam kay Elmo nang maayos. Kahit na gaano kasakit ay kailangan pa rin niyang gawin iyon.

Pumasok siya sa loob. May muling nagsara niyon pagpasok na pagpasok niya. Lalong lumakas ang iyak niya nang makita ang ayos ng loob. Nawalan ng lakas ang mga binti niya. Napasalampak siya sa sahig na punung-puno ng orange roses. Maraming bulaklak sa paligid. Orange lahat ang mga iyon.

"Elmo!" she cried.

"Yes?"

Nagulat siya. "Multo!" hiyaw niya.

Nasa harap niya si Elmo at nakatayo. Nakasuot ito ng puti mula ulo hanggang paa. "Minumulto mo na ako agad," aniya sa pagitan ng pag-iyak.

Dinig niya ang hagalpakan ng tawa ng mga Lollipop Boys sa labas. Bigla siyang natigil sa pagpalahaw ng iyak. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nilinga niya ang paligid. Marami ngang bulaklak ngunit hindi pangpatay ang mga iyon. Napansin din niyang walang kabaong sa harap. At buhay na buhay ang Elmo na nasa harap niya. Pati ang ngiti nito ay buhay na buhay.

Hindi ito patay!

Nangangahulugan iyon na pinagkaisahan siyang lokohin ng mga Lollipop Boys. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya. Hindi magandang biro iyon.

Umupo si Elmo sa tapat niya. Hinagkan nito ang mga labi niya. Ngayon ay talagang nakasisiguro na siyang buhay nga ito. She responded to his kiss hungrily.

"Will you let me explain now?" anito nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Tumango siya.

Ipinaliwanag nito ang totoong nangyari nang gabing iyon. Bawat maliit na detalye ay ipinaliwanag nitong maiigi.

Tama ang kanyang ina, dapat ay hinayaan muna niya itong magpaliwanag sa kanya. Hindi na sana niyo naisip pa ang bagay na iyon, hindi na sana nagkagulo ang lahat.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "I'm sorry. Pagod na pagod lang siguro ang isip at katawan ko noon. Umikli ang pisi ko. Madali akong naapektuhan kay Janine. Pasensiya ka na kung hindi ako nagtiwala nang husto sa'yo. Pero dapat ay naisip mong nasa Cagayan lang ako pupunta. Alam no naman ang address doon, 'di ba? Hindi mo na dapat ako t-in-orture!" Humulagpos ang inis niya. Halos sakalin na niya ang leeg nito. "Hindi mo alam kung ano ang hirap na pinagdaanan ko. Buwist ka!" Muling namasa ang kanyang mga mata nang maalala niya ang dinanas niya nang mga nakaraang oras. Now she knew what pure hell meant.

Hinagkan nito ang pisngi niya. "I'm sorry, too. Lumulutang siguro ang isip ko kaya hindi ko naisip na sa mga magulang mo lang ikaw pupunta. Sa susunod na mangyari ito, kausapin mo muna ako, ha? Magkakalinawan muna tayo, okay?"

"Talaga. Baka kung ano na naman ang maisip mong stunt, eh."

"It's not really my idea. It's Vann's idea."

"Lagot sa'kin mamaya ang apat na 'yon. Dinaig pa ang pagiging best actor mo sa husay, ah."

He sighed. "Hindi ito ang unang pagkakataon na may sisira sa'tin, Japs. Sana ay maging leksiyon sa atin 'to."

"I'll trust you with all my heart, Elmo. I love you so much. Mula pa noon hanggang ngayon."

Kinintalan nito ng isang masuyong halik ang mga labi niya. "I love you, too. Will you marry me?"

Napasinghap siya nang malakas. Did she hear it right? Niyayaya siya nitong magpakasal? Bago pa man tumimo talaga sa isip niya ang sinabi nito ay may binuksan itong kahita at ipinakita sa kanya ang laman niyon. It was a very beautiful diamond ring.

"Moe..."

"So, will you?"

"Yes! Yes! Yes!" She cupped his face with her hands, then kissed him deeply. Nang maghiwalay sila ay nasa daliri na niya ang singsing. It fitted perfectly.

"I want a very silent wedding," hiling niya.

"Got it!" sabi kaagad nito.

She smiled in satisfaction. Tama ito. Marami pang mga darating upang sirain sila at maaari silang masira kung hahayaan nila. Hindi na uli niya pagdududahan ang pag-ibig nito sa kanya. It was great that her husband-to-be was not just the love of her life, he also happened to be her soul mate and best friend.

Lumabi siya. "Mula noong kinse anyos ako, lagi kong ini-imagine kung paano ka magpo-propose sa akin. Typical candlelit dinner ba o may kasamang harana? Sa tubig ba, sa lupa o sa himpapawid? Sa isla kaya na walang tao kundi tayo? Hindi kasali ang punerarya sa mga imagination ko. It's sweet, nevertheless. Thank you for the effort, Moe."

Natawa ito nang malakas.

Tinitigan niya ang kanyang singsing. She decided to just forgive the Lollipop Boys for the very horrible joke. Ikakasal naman na siya sa lalaking napakatagal niyang naging pangarap at mahal na mahal siya.

       * * * * * * * The End * * * * * * *

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon