Chapter 37

1.1K 26 0
                                    

"Hanggang kailan mo balak magmukmok, ha, Julie?"

Ibinaon ni Julie ang mukha niya sa unan. Alas-nuwebe na nang umaga ngunit nasa kama pa rin siya. Tinatamad siyang bumangon. Ang mama niya ay hinawi ang kurtina ng malaking bintana sa kuwarto niya. Nang hindi pa rin siya gumagalaw sa pagkakahia ay tinanggal nito ang kumot niya.

Naiinis na bumangon siya. "Mama, gusto ko pang matulog. Hindi naman ako nagmumukmok, eh. Nagpapahinga ako nang bonggang-bongga."

"Eh, ba't laging mugto 'yang mga mata mo kung nagpapahinga ka nga ng bonggang-bongga?" anito sa naghahamong tinig.

Nagbaba siya tingin. Walang alam ang mga ito sa totoong dahilan ng pagbabakasyon niya nang biglaan. Basta sabi niya ay nais niyang magpahinga. Hiniling din niyang huwag magbubukas ang mga ito ng TV kapag nasa malapit lang siya. Hiniling din niyang huwag munang mag-usap ang mga ito ng kahit anong tungkol sa showbiz.

Tinabihan siya ng kanyang ina sa pagkakaupo sa kanyang kama. Hinaplos nito ang buhok niya. "Akala mo ba hindi namin alam kung bakit ka nandito? Bigla ka na lang dumating pagkatapos kumalat ng mga pictures nina Elmo at Janine na naghahalikan."

Natagpuan na lamang niya ang kanyang saraili na naglalabas ng hinaing dito. Ikinuwento niya rito ang lahat.

"Bakit hindi mo siya kausapin para malinaw ang lahat?" anito pagkatapos niyang magkuwento. "Give him a chance to air his side. Malay mo naman, may dahilan kung bakit nangyari. Pictures can tell many stories. Baka hindi sinasadya, anak. Matagal mo nang kilala si Elmo. Alam nating pareho na mabuti siyang tao."

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Tama ang kanyang ina. Nagpadala kaagad siya sa silakbo ng damdamin niya. Hindi muna niya pinakinggan ang paliwanag ni Elmo. Alam naman niya kung gaano katuso si Janine. Baka gawa-gawa lamang nito ang lahat. Baka sinadya nito iyon upang masira nito ang relasyon nila ni Elmo. Siya namang si ewan, nagpaapekto nang husto. Kung tutuusin ay mga litrato lamang iyon.

Naluha siya sa matinding pagsisisi. "How could I not trust him, Ma?"

"Hindi pa naman huli ang lahat, anak. Tawagan mo siya upang magkaayos kayo. Everything would be okay."

Sasagot sana siya nang bigla niyang narinig ang tili ni Joan, ang nag-iisang kapatid niya. She was sixteen years old. Nahirapan sa pagbubuntis noon ang mama niya kaya malaki ang agwat nila ng edad. Bago pa siya makapag-react sa tili nito ay pabalandrang binuksan nito ang pinto ng kuwarto niya. Dala-dala nito ang pink laptop nito.

"Ate!" tili nito. "Patay na raw si kuya Elmo!" Nanlaki ang mga mata nito. Her sister looked so terrified.

She was horrified. She tried to rein her panic. Uso naman ang ganoon sa showbiz. Ipinagkakalat na patay na ang isang artista kahit hindi pa. Ipinakita nito ang article sa Internet. Ayon doon, may kumalat na text message mula kay John Robert na nasawi na si Elmo. Nagpakalasing daw ito nang sobra na walang kasama. He choked his own vomit.

Sa ibang pagkakataon ay matatawa siya roon. Ngunit kung galing ang balita mula kay Rob, maaaring totoo ang lahat.

Napahagulhol siya ng iyak. "No. This can't happen. Not Elmo. Oh, God, not him. Hindi puwede. Mama, tell me it's not true. Idedemanda ko sinumang nagpapakalat niyan. I swear!"

Niyakap siya ng kanyang mama. "Kumalma ka. Baka hindi totoo. Aalamin natin, okay? Ayusin mo ang sarili mo. Luluwas tayo."

Tila robot na sumunod siya. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang sandali. Hindi maaaring mawala sa kanya si Elmo. Napakarami pa niyang pangarap para sa kanila. Hindi pa ito puwedeng mamatay. Hindi pa sila nagpapakasal at nagkakaanak.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon