"Thanks, Lei," sabi ni Julie sa stylist niya pagkatapos siya nitong ayusan. Kuntentong-kuntento na siya sa ayos niya. Linggo ng hapon at mayamaya lang ay sasalang na sila ni Elmo.
"Are you sure you wanna wear that dress?" nag-aalangang tanong ni Lei sa kanya habang inaayos nito ang mga gamit nito.
"Hindi ba bagay sa akin?"
"Bagay na bagay. Kaya lang ---"
"Iyon naman pala." Nginitian niya ito nang matamis. She was wearing a blue silk dress. Halos natakpan lang ang puwit niya sa sobrang ikli niyon. Maganda ang pagkakalapat ng teka sa katawan niya. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan niya.
Hindi nagtagal ay hinudyatan siyang sila na ni Elmo ang sasalang.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong sa kanyan ni Elmi habang may VTR na ipinapalabas bilang introduction sa kanila bago sila humarap sa lahat. The show was aired live.
"Bakit?" balik-tanong niya rito.
"Mas mukhang pantulog kaysa pang-guesting 'yang suot mo," naiinis na baling nito. "What are you trying to prove?"
Nginitian lang niya ito nang matamis. "Elmo. Tayo na."
"Please welcome, Elmo Magalona and Julie Anne San Jose!" anang host.
It was their cue to enter. Todo ang naging ngiti niya, samantalang si Elmo ay tipid na tipid. Halatang napipilitan lamang ito. Sana ay hindi iyon mapansin ng mga tao.
Binati nila pareho ang host ng programa at humalik siya sa pisngi nito. Umupo silang tatlo pagkatapos.
"Julie, I was say this first, you are looking so smokin' hiot. What is happening to you, your royal cuteness?"
She giggled. Bago pa man siya makasagot ay nagsalita na si Elmo. "She is trying to be royal hotness. She is making sure that we see she got hot curves."
Natawa na siya ng tuluyan. Pati host ay natawa na rin. Ngunit kahit tumawa siya ay alam niyang seryoso si Elmo at hindi talaga nito gusto ang suot niya. Bukod kasi sa maikli iyon, medyo malalim din ang neckline niyon. Nasisilip ang magandang hubog ng dibdib niya.
"Bago kami pumasok, binulungan niya ako," aniya habang natatawa pa rin. "Bakit daw ako nakapantulog? Elmo Magalona can be very conservative."
Hindi sumagot si Elmo. Ang host ay napangiti. "You must be very special for him, Julie. Are you guys in love?" diretsahang tanong nito.
"With each other?" tanong din niya rito kahit pa medyo nabigla siya biglang pagtatanong nito. Ang akala niya ay paiikut-ikutin muna nito bago tanungin sa kanila ang bagay na iyon.
"No, with me," biro nito. "Are you guys in love with each other?" ulit nito sa mas seryosong tinig.
"We love each other," tugon niya sa seryoso na ring tinig.
"Meaning?" the host pressed.
She looked at Elmo. Wala itong imik. There was no emotion written on his handsome face. Hindi tuloy niya matukoy kung ano ang iniisip nito sa kasalukuyan.
Was he still pissed off? With what? Her dress? Napakaliit na bagay lamang niyon upang palakihin nito. Hindi naman malaswa ang histura niya. Hindi naman siya mukhang bastusin. May iba pa nga na mas daring ang suot kaysa sa kanya.
Tumikhim ang host nang lumipas na ang maraming sandali na hindi pa rin siya nagsasalita.
Ibinalik niya ng tingin dito. "In this industry, it's very hard to find true friends. I'm sure you'll agree with me. Napakaswerte ko dahil nakahanap ako ng isang Elmo Magalona. He is very special because he was my first partner. Mula pa noon ay nasa tabi ko na siya, makinang man o hindi ang bituin ko. He's also my critic. Hindi siya nag-aalangang sabihin sa akin kung pangit o bitin ang performance ko. Siya rin ang unang pumupuri at humahanga sa akin kung maganda ang performance ko. Elmo had been a very good friend and brother. I love him for that."
"I love her, too." sabi ni Elmo. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay nagsalita ito. "Bukod sa mama ko, walang ibang babae na nakalapit sa akin nang husto. For years, we've been great friends. Huwag na sanang mantsahan ng ibang tao ang magandang samahan namin. Huwag sa sanang bigyan ng kulay ang lahat."
Pinanatili niya ang kanyang ngiti kahit pa nais na niyang magpaalipin sa lungkot. Masasabi pa kaya niya sa mga tao na mahal niya ito hindi bilang isang kaibigan o kapatid? Darating pa kaya ang araw na karirinig niya mula rito na mahal siya nito na hindi na bilang isang kaibigan?
"Is there any possibility that the friendship would turn into something else? Something romantic?"
"Ayokong magsalita ng tapos," ani Elmo na bahagyang ikinagulat niya. "Hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Who knows? We might end up together someday."
"Yes, who knows" segunda niya.
Sa mga nakaraang interviews ay lagi lang itong ngumingiti tuwing tatanungin ito nang ganoon. Ganoon din siya. Bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin?
"What about Janine Gutierrez?" tanong ng host dito. Pinigil niya ng sariling sumimangot.
"What about her?"
"Ano na ang estado ng relasyon ninyo ngayon? Totoo bang hiwalay na kayo?"
"Ayoko munang pag-usapan iyan ngayon," simpleng tugon ni Elmo.
Binalingan siya ng host. "What do you feel about this, Julie?"
"Did they confirm any relationship? Ang alam ko po, wala po," hindi niya napigilang sabihin. "Kaya po hindi ako masasabihang mang-aagaw kung sakali nga pong may namumuong relasyon sa 'min ni Elmo."
Alam niyang mapapasama ang imahe niya dahil sa sinabi niyang iyon ngunit bahala na. Pikon na pikon na siya kay Janine. Ang arte-arte nito, ang yabang-yabang. Wala naman iyong karapatang angkinin si Elmo.
Tila bahagyang nagulat ang host. "So how's your new movie, Julie?" Pag-iiba nito sa usapan.
Ngumiti siya ng malapad. "Great. I enjoy every minute of it. Direk Simon is the greatest."
"Maaari ba naming malaman kung bakit laging naroon si Elmo sa set ng shooting?"
"He's interested in producing an indie film. He wanted to observe." Tumingin siya riti at hinahamon niya itong pasubalian ang sinabi niya.
"Yes, I'm interested in producing an indie film," ani ni Elmo habang sinasalubong ang tingin niya, "Si Julie ang bida. Para free ang TF." Then glhe grinned boyishly, the Lollipop Boy grin that everybody was very familiar with.
"Interesting," anang host.
Then they talked about lighter subjects. Naging madali na para sa kanya ang magbiro paminsan-minsan. Naging madalas na rin ang pagngiti ni Elmo.
BINABASA MO ANG
Getting Real
FanfictionNatuklasan ni Julie Anne na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Elmo Magalona ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team. it is from the novel of BELLE FELIZ of PHR with the same title. a...