Chapter 13

996 24 5
                                    

"What the hell is wrong with you Elmo?"

Hindi pinansin ni Elmo ang sinabi ni Janine. Patuloy lamang siya sa pagtanaw sa labas mula sa malaking bintana niya habang naninigarilyo. Nagtungo ito sa condo unit niya nang gabing iyon. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinunggaban na siya nito ng isang napakainit na halik. Agad na tumugon siya. Isinara niya ang pinto at isinandal ito roon.

Bigla na lang niya itong nabitiwan nang may ibang mukha na sumagi sa isip niya: Julie's sweet face. Naiimagine niyang itong ang hinahagkan niya. Inis na inis siya sa kanyang sarili. Paano niya nagagawa iyon sa kanyang kaibigan? He was such a pig.

Ilang araw na niyang natatagpuan ang kanyang sarili na iniimagine si Julie na sinasayawan at hinahagkan siya. Kahit ano ang pilit na waksi niya roon ay hindi niya iyon mapigilan. Araw-araw, lalong sumisidhi ang kagustuhan niyang matikman ang nga labi nito.

Minsan, ayaw na niyang pumunta sa nga shooting nito dahil nadedemonyo lang siya. Ngunit hindi rin naman niya matiis na hindi ito makita. Pakiramdam niya ay nais niya itong makasama lagi. Nais niyang palagi itong nakikita. Hindi talaga niya alam kung ano ang nagbago at bigla na lang naiba ang tingin niya sa kanyang kaibigan.

Naramdaman niyang niyakap siya ni Janine mula sa likuran. She kissed his nape while her hand travelled downward. Pumikit siya at pinilit na mag-concentrate. Sinikap niyang huwag gumuhit sa balintataw niya ang mukha ni Julie.

He had been celibate for months. Naging sobrang abala kasi siya sa trabaho. Iyon ang dahilan na naisip niya kung bakit naapektuhan siya sa striptease dance ni Julie. He tried bedding one of his playmates after the first shooting day. He thought the strange feeling would vanish if he took the heat off. But he was not able to perform. Napahiya lamang siya sa partner niya.

And now, Janine was willing to take the heat out but again, he was not able to react appropriately. Lumayo siya rito bago pa siya lalong mapahiya. He could not believe this was happening to him. Janine and him had that casual relationship for so long. Ikinatutuwa ng nga fans nila na hindi lamang sila simpleng magkaibigan o magkatambal sa harap ng camera. Many people loved their tandem. Marami ang umaasam na sa simbahan na mauuwi ang lahat.

Malaki ang pagkakaiba niyon sa tunay na buhay. He did not love Janine. Nilinaw na niya ritong isang kaswal na relasyon lang ang kaya niyang ibigay rito. Wala siyang pananagutan o reponsibilidad dito. Pumayag naman kaagad ito. Moderno itong mag-isip.

"What is really wrong, Elmo?" tanong nito, bakas ang inis sa tinig.

"Nothing. I'm just tired. Go Home," tugon niya sa malamig na tinig.

Lumabi ito. "Tired? Nakakapagod talagang magpunta sa shooting at bantayan si Julie," sarkastikong sabi nito.

Hindi siya sumagot. Muli itong yumakap sa kanya. Nais niya itong itulak palayo ngunit nagpigil siya.

"Nagseselos na ako, Elmo."

"Wala kang karapatang magselos."

"Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon at nananatiling napakahalaga niya sa'yo? Are you in love with her?"

Kinalas niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya. Naglakad siya patungo sa kwarto niya. "Go home, Janine."

Nilock nya ang kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama. What was really wrong with him? What was happening to him? Bakit kakaiba bigla ang mga nadarama niya para kay Julie?

Was he in love with his best friend?

Marahas na ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba siya nakikinig kay Janine? For years, he and Julie developed a very beautiful friendship. Araw niyang sirain iyon, ni ayaw niyang mantsahan man lang. He would never ruin her trust.

Binuksan niya ang laptop. Nagtungo siya sa website ng JuliElmo. Mga fans ng loveteam nila ni Julie ang nagtatag niyon. It was a small community. Iilan na lamang ang nga aktibong miyembro niyon. Ngunit nananatiling mahalaga ang mga JuliElmoes sa kanila ni Julie. They were their first fans. Hindi sila iniwan ng nga ito kahit na nagpapalit-palit na sila ng mga kapareha. Napakatiyaga rin ng mga ito sa paggawa ng mga fan fictions at edited o manipulated artworks tungkol sa kanila.

Napangiti siya nang makitang tila buhay na buhay ang mga miyembro roon. Naka-post ang ilang mga pictures na magkasama sila ni Julie nitong mga nakaraang araw. Marami yata ang mga kinikilig. Kahit walang ibig sabihin ang mfa litrato ay pilit na nilalagyan ng kulay. They were all convinced that their dream to see them together was finally becoming true. Ganoon yata talada ang buhay ng isang fan. Pilit na ginagawang realidad ang hindi totoo.

Ngunit kahit gaano kayaman ang imagination, bumabalik pa rin ang realidad. Ang realidad sa kanila ni Julie, magkaibigan lamang sila. Hindi sila lalagpas doon.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot dahil doon.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon