Chapter 20

926 27 2
                                    

"K-Kissing scene?" hindi napigilang bulalas ni Julie nang marinig ang sinabi ng direktor nila. "Wala po sa usapan 'yan."

Kinausap sila nito ni Elmo bago sila mag-umpisa nang araw na iyon. Sinabi nitong naisip nito na mas mapapaganda ang isang eksena kung may kissing scene. Nilingon niya si Elmo na tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Alam n'yo naman na minsan talaga ay may mga naidadagdag sa mga eksena. The scene would be more romantic." Tila excited na excited pa ito.

"Alam ko naman po 'yon. Ano lang po... kuwan... parang..." hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Hindi sa ayaw niyang makahalikan sa isang eksena si Elmo. She wished for it, right? Matindi nga ang naging disappointment niya nang mabasa niya ang script at walang kissing scene.

She got her wish now. Parang hindi lang siya handa. Parang biglaan lang ang lahat. Nanatiling nananahimik ang kapareha niya.

Bahagyang natawa ang direktor. "Bakit ganyan ang mga hitsura n'yo? Parang ngayon lang kayo makikipaghalikan sa harap ng camera. You know the drill. It's just simply meeting of two lips. No emotions involved. Though the viewers don't know that. That's why it's called acting. Seriously, why am I explaining too much? I thought this would be easy. Do you wanna do it or not? Madali akong kausap."

"There's no problem, direk," sabi ni Elmo nang magsalita ito sa wakas. "We'll do it. We're both professionals."

"Great. Then we'll do it."

Napalunok siya. Was she ready to kiss Elmo? Gaano siya maaapektuhan? Ilang leading men na ba niya ang nakahalikan niya? The direktor was right. The kiss in front of the camera was just simply meeting of two lips. Kailangan lang na maging mahusay sila sa pag-arte upang maiparating sa mga manonood na punung-puno ng emosyon ang halik na iyon.

"Brush your teeth," bulong ni Elmo malapit sa tainga niya. Bahagya siyang napapitlag. Masyado kasing malapit ang mga labi nito sa tainga niya. "I saw you eating onions earlier."

Naiilang na itinulak niya ito palayo. Walang salitang iniwan niya ito. Kailangan niyang mag-internalize. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Kailangan niyang mag-toothbrush at mag-mouthwash nang bonggang-bongga.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon