Chapter 34

966 26 0
                                    

Nang sumunod na mga araw ay hindi na madalas magsama sina Julie at Elmo. Tinanggap na ni Elmo ang ilang offers sa kanya. Naging abala na ito.

Si Julie ay lalong naging abala sa trabaho. Pinaspaspasan niya ang pagtapos ng ilang mga commitments niya dahil humiling siya ng mahabang bakasyon mula kay Tita Angie. Nais niyang ipahinga ang pagal na katawan nang matagal. Iniisip pa niya kung saan siya maaaring magpunta.

Missed na missed na niya si Elmo ngunit tinitiis niya. Kinokontento na lamang niya ang kanyang sarili sa text at tawag. Hindi pa rin natatahimik ang lahat ngunit ramdam niyang malapit nang lumipas ang issue. Darating din ang araw na mawawala ang atensiyon sa kanila ni Elmo. Matatahimik din ang relasyon nila.

Todong pagpipigil ang ginawa niya upang huwag irapan si Janine nang magkasalubong sila sa hallway ng istasyon nila. Nginitian naman siya niyo. Halatang-halata na hindi iyon totoong ngiti.

"I enjoy being with Elmo last night," anito sa kanya.

Napalingon sa kanila ang ilan pang mga taong naroon. Kahit ngitngit na ngitngit na siya rito ay tinamisan niya ang kanyang pagkakangiti para dito.

"Really? That's great, Janine." Iyon lamang at nagtungo na siya sa dapat niyang puntahan.

She gritted her teeth. Her hands were balled in a fist. Alam niyang iniinis lamang siya ni Janine at nagpainis naman siya. Nang maging sila ni Elmo ay hindi na niya ito tinatanong palagi kung saan ang lakad at sino ang kasama nito. May tiwala siya rito. Nang maging sila ni Elmo ay ayaw rin niyang maging palatanong. Kahit nasa isang relasyon sila, ang nais niya ay may privacy silang pareho. Ayaw niyang kailangan pa nitong magpaalam upang magpunta kung saan nito gusto o gawin ang mga bagay na gusto nito.

Madalas naman ay nagkukuwento iyo tungkol sa mga lakad nito, sa mga taong nakakausap at nakakahalubilo nito. Ngunit hindi nito sinabing nakita niti ang bruhang si Janine nang nagdaang gabi. Dapat ay sinabi nito sa kanya iyon.

Nang makarating siya sa kanyang dressing room ay agad na tinawagan niya si Elmi.

"Nasaan ka kagabi?" bungad agad niya ng sagutin nito ang tawag niya. She was very aware that she sounded like a typical nagging wife but she could not think properly. Inis na inis siya sa sitwasyon.

"In some bar. Nagyaya si Maken. Why?"

"Were you with Janine?"

"I saw her there," pag-amin nito.

"Did you have fun with her?" Lalong tumindi ang inis sa tinig niya. Nagsabi lang naman ng totoo ang nobyo niya ngunit pakiramdam niya ay mas gusto niyang itanggi nito sa kanya na nagkita nga iyo at si Janine sa isang bar.

"We just talked," sagot niyo. "What is happening with you, Japs? May problema ba? Hindi ko naman sinadyang magkita kami room."

Natutop niya ang kanyang noo. What was happening to her, indeed? Daig pa niya ang demanding teenager sa kanyang unang boyfriend. "I'm sorry, Moe. I really am. I'm just so tired and frustrated. Nang-inis pa si Janine kanina nang magkasalubong kami sa hallway."

"You're kinda adorable when you're jealous but I don't want you stressing yourself too much. You know I love you, right? Iyon lang lagi ang iisipin mo."

"I love you, too. Where are you now?"

"Laguna. Taping."

"Ingat."

"You, too. Uuwian kita ng maraming pasalubong. We'll have a nice and cozy dinner in your unit."

"Sound's great."

"I'll see you tonight."

She made a kissing sound before ending the call. Kailangan na talaga niya ng pahinga. Napapraning na siya. Gusto niyang matahimik ang mundo niya kahit sandali lang. Nais niyang i-enjoy nang husto ang relasyon nila ni Elmo. Kailangang mawala ang stress sa katawan niya.

Tinawagan niya si Tita Angie upang ipakansela muna rito ang ilang commitments niya sa mga susunod na araw. Kahit isang linggong bakasyon lang. Ipinaliwanag niya kung bakit. Naintindihan naman siya nito. An sabi nito ay titingnan nito ang magagawa nito

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon