Chapter 35

984 26 0
                                    

Kinagabihan, hindi nakarating sa bahay ni Julie si Elmo. Nagkaroon ng aberya ang taping nito sa Laguna at kailangan nitong manatili ng magdamag doon. Naintindihan naman iyon ni Julie. Alam niyang nangyayari iyon paminsan-minsan.

Nang sumunod na araw, muli siyang naging abala sa mga gawain niya. Masigla siya habang nagtatrabaho dahil nagawan ni Tita Angie ng paraan ang schedules niya. Bukas ay libre na siya. Superwoman talaga ang manager niya.

Ang plano niya ay umuwi muna sa Cagayan. Maganda ang lugar nila roon. Malayo sila sa mga kapitbahay kaya may privacy siya. Mapapahinga nang husto ang isip at katawan niya.

Katatapos lamang ng mall show niya nang makatanggap siya ng multimedia message mula sa hindi kilalang numero. Sindak na napatulala siya sa larawang ipinadala sa kanya. It was Elmo ang Janine kissing. Base sa background, sa isang bar nakunan ang mga ito.

Sunud-sunod ang naging patak ng kanyang mga luha. How could Elmo do this to her? Nataranta ang assistant niya nang bigla na lang siyang humagulhol.

Pag-uwi niya sa unit niya, nalaman niyang kalat na kalat na sa iba't ibang networking sites ang mga litrato ng dalawa. Elmo was branded as a two-timing playboy.

Wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod siya at kusang nakatulog. Kinabukasan, umuwi siya sa probinsya. Pinatay niya ang kanyang cellphone. Ayaw niyang makipag-usap kay Elmo. Hindi ito nagsinungaling sa kanya ngunit hindi nito sinabi ang buong detalye.

Why did he kiss that bitch?

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon