Chapter 25

1K 32 5
                                    

Naging maayos ang takbo ng trabaho nila. Wala nang ilangan sa pagitan nina Julie at Elmo. Wala pa silang napagkasunduan ngunit sapat nang maayos sila. Kapwa sila masaya na kasama ang isa't isa.

Kilig na kilig si Julie on and off camera. Parang naging mas malambing kay Clarice si Andrew. Mas naging masuyo ang nga tingin nito. Tila punung-puno ng pagmamahal ang nga mata nito tuwing nakatingin ito sa kanya. Palagi niyang sinasabi tuloy sa kanyang sarili na siya si Clarice at ito si Andrew. Off camera, naging mas maasikaso si Elmo sa kanya. Palaging paborito niya ang mga pagkaing dala nito. Ito palagi ang nagpapakain sa buong staff. Minsan ay ito pa talaga ang naghahatid sa kanya pauwi. She felt so adored.

Last shooting day nila. Sa isang malaking tertiary hospital sa lungsod ang lokasyon. Labis na nalulungkot si Julie. Bakit ba hindi na lang teleserye ang ibinigay sa kanila upang mahaba-haba ang panahong magsasama sila? Alam niyang mahihirapan siyang mag-adjust pagkatapos. Sanay na sanay na siyang palaging nakakasama si Elmo. Ayaw na nga niyang mahiwalay pa siya rito.

The ending of Clarice and Andrew's story was sad. Andrew died in a car accident. Ibibigay nito ang mga mata nito kay Clarice. Makikita ni Clarice ang ganda ng mundo gaya ng ipinangako rito ni Andrew. She lived her life to the fullest for the both of them.

Hindi niya halos marinig ang palakpakan nang matapos niya ang huling eksenang kinunan. Nasa isang hospital suite siya at nakakakita na si Clarice.

Sinabi sa kanya sa unang pagkakataon na wala na si Andrew. Tumagis siya nang sobra. Hindi iyon ang huling eksena sa aktuwal na palabas. Ang final scene talaga ay nakunan na nila sa Batangas. Talagang isinaisip niyang wala na si Elmo at hini na muling babalik sa kanya uoang mailabas niya ang tunay na pighati ni Clarice.

Naramdaman niyang niyakap siya ng direktor nila. "You are so great, Julie. Perfect. You brought out the real emotions of a girl who just lost her love."

Binigyan siya nito ng isang kahin ng tissue paper. Pinahid niya ang kanyang mga luha na hindi mapatid-patid sa pagtulo. Why couldn't she stop crying? Tapos na eksena niya pero parang napakabigat pa rin ng dibdib niya. She could still feel the painful lost. Parang hindi niya kakayanin kapag nawala rin sa kanya si Elmo.

Natawa na ang ilang mga staff nang lumipas na ang mahabang sandali ay hindi pa tin siya tumatahan. Gusto na niyang tumahan ngunit hindi niya maawa. Pinangangapusan na rin siya ng hininga.

Naramdaman niya ang pamilyar na yakap ni Elmo. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap. Siniguro niyang naroon pa ito at buhay. She was being silly, she knew. She just had no idea how to make herself stop crying.

"Hey, what's wrong? Stop crying now, baby. Katatapos lang maoperahan ang mga mata mo. 'Wag mong puwersahin," tudyo niyo habang hinahagod ang likod niya.

Hinampas niya ang dibdib nito. Patuloy pa rin siya sa pagtangis.

He laughed. "Nurse, oxygen!" anito sa isang extra na gumanap na isang nurse.

Nagkatawanan ang lahat. Lalong lumakas ang iyak niya. Hinaplos nito pati na ang buhok niya. "Hush, baby," bulong nito. "It's okay. Everything's okay."

"You died," she cried.

He softly chuckled. "Andrew died. Elmo did not."

"Do I sound crazy?" tanong niya sa pagitan ng mga luha.

"Yes. Tahan na, Japs. I'm okay. Really okay. It's Andrew who died, not me." He cupped her face with his hands then he planted a soft kiss on her lips.

Bigla siyang natigil sa pag-iyak. Hindi niya alam kung paano magre-react nang tama. He just kiss her in front of everyone and off camera.

Ngumisi ito. "Tumigil din siya sa pag-iyak," anito.

Napatanga lang siya rito. Masuyong pinunasan nito ang mga luha niya. Humugot siya ng tissue paper at suminga roon. How unromantic.

He ruffled her hair like she was an adorable puppy. Again, how unromantic.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon