Noong una ay ayaw payagan si Julie ni Tita Angie na gawin ang maselang pelikula na iyon, ngunit nakumbinsi rin niya ito. Kinausap din ito ni Elmo. May ilang demands lang ito sa direktor.
Pinaghandaan ni Julie nang husto ang proyekto. Nagpapayat pa siya nang kaunti upang hindi siya mahiya sa role na gampanan niya. She researched for her role. Kailangang handang handa siya.
Nagsimulang kumalat ang balitang gagawa siya ng isang independent sexy movie. Marami ang nagulat. Marami ang nagtaka kung bakit gagawa siya ng ganoong pelikula. Mga laos na dating teen stars lang daw ang gumagawa ng ganoon. Hindi raw siya laos. Makinang na makinang ang bituin niya at baka mawala ang kinang niyon sa oras na lumabas ang pelikula.
Ang mga kaibigan niya ay hati ang opinyon. Some encouraged her to do it, some told her to forget about it. Elmo was always there to back her up. She was so thankful for him.
Naipagpaalam na rin niya sa mga magulang niya ang gagawin niya. Her parents always let her be. Malaki kasi ang tiwala ng nga ito sa kanya. Alam ng mga itong hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
Getting Real
Fiksi PenggemarNatuklasan ni Julie Anne na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Elmo Magalona ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team. it is from the novel of BELLE FELIZ of PHR with the same title. a...