Chapter 32

1K 29 0
                                    

"I tell myself that I can't hold out forever. I said there is no reason for my fear. 'Cause I feel so secure when we're together. You gave my life direction. You make everything so clear."

Kahit anong pilit ni Julie na pigilin ang kanyang kinikilig na ngiti ay lumabas pa rin iyon. Aware din siya na may nakatutok na camera sa kanya. Nasa isang Sunday variety show sila ni Elmo. He was singing solo. Katatapos lang ng number niya at nakiupo siya sa audience upang panoorin ito.

She knew he was singing for everyone. Parang masarap lang isipin na siya lang ang kinakantahan nito. He was looking at her. Tila ramdam na ramdam nito ang pagkanta. Kilig na kilig naman siya.

"And even as I wander, I'm keeping you in sight. You're a candle in the window, on a cold, dark winter's night. And I'm getting closer than I ever thought I might. And I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. It's time to bring this ship into the shore. And throw away the oars, forever."

Napakaganda talaga ng tinig nito. Hindi lang siguro siya ang babaeng kinikilig nang mga sandaling iyon. Ang kaibahan niya sa lahat, girlfriend na siya ni Elmo. Nais niyang ipagsigawan iyon sa buong mundo ngunit nagpigil siya. It would not be a wise move.

Ang tanging pinagsabihan nila ng kanilang relasyon ay si Tita Angie. Hindi naman nila balak na itago nang matagal sa lahat ang tungkol sa kanila. Darating din siguro ang puntong aaminin nila ang lahat ngunit hindi pa sa ngayon. May magandang panahon para doon.

Masayang-masaya siya sa kinahinatnan ng relasyon nila. Elmo was a very great boyfriend. Napakalambing pa rin nito. Minsan, kahit maraming taong nakapaligid sa kanila ay hindi ito mapigilan sa paglalambing.

Madalas na silang nasusulat sa mga tabloids. Pero tikom ang mga bibig nila. Kusang mamamatay ang mga intriga tungkol sa kanila kung may uusbong na panibago o magkakaroon na sila ng umay factor.

Hanggang ngayon, hirap pa rin niyang paniwalain ang sarili na natupad na talaga ang pangarap niya. From friends, she and Elmo were now lovers. Habang-buhay siyang magpapasalamat sa Diyos sa ibinigay Nitong napakagandang regalo sa kanya.

In a jungle like show business, she found her one true love.

"Baby, I can't fight this feeling anymore."

Lalo siyang napangiti nang masuyo siya nitong nginitian. Nais niya iyong sugurin ng yakap ngunit alam niyang hindi maaari. Sapat nang sinasabi ng mga mata niyang mahal niya rito.

Taimtim siyang nagdasal na sana ay wala nang dumating sa pagsubok upang paghiwalayin sila.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon