Chapter 8

893 21 5
                                    

Kumunot ang noo ni Julie nang makarining siya ng katok sa pinto. Ala-una na ng madaling araw. Wala siyang inaasahang bisita.

Natigilan siya nang mapagbuksan niya si Elmo. Medyo namumula ang mukha nito. Napansin din niyang namumungay ang mga mata nito. Amay alak ito.

Walang imik na nilakihan niya ang awang ng pinto ay hinayaan itong tumuloy. Umupo ito sa sofa at sinapo ng dalawang kamay niyo ang ulo.

"Do you really wanna do it?" tanong nito.

"Oo," sagot niya.

He sighed. "May posibilidad na mawala sa'yo ang lahat ng kung anong meron ka ngayon."

"I'll suffer for the consequences of my decision. Trust me, Elmo. I feel good about this. Baka ito na iyong pagkakataon ko para masabi kong mahusay na mahusay na akong aktress."

"All right. Do it. But promise me that you'll take care of yourself."

Nayakap niya ito sa sobrang tuwa. "Thank you."

"I still don't feel good about this, JAPS."

"Trust me."

Masuyo siya niyong tinignan. "I will."

"This movie would be great. You'll be proud of me," pangako niya. Talaganh gagawin niya ang lahat upang maging proud ito sa kanya. She would show him that she was not making a mistake.

Ginulo nito ang buhok niya. "I'm always proud of you." Tumayo ito at tinungo ang pinto.

"Kaya mo bang umuwi?" nag-aalalang tanong niya.

"Nakainom lang ako, hindi ako lasing," anito. "Hindi kita pupuntahan kung lasing ako. Don't worry, may driver ako. Hindi ako puwedeng magpalipas ng magdamag dito. Kahit alam ng lahat na magkaibigan lang tayo, iba pa rin ang nagagawa ng mga press people."

"Ingat sa pag-uwi."

Hinagkan nito ang noo niya bago umalis.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon