Chapter 2

1.4K 33 0
                                    

Napangiti si Elmo pagbukas niya ng multimedia message na ipinadala sa kanya ni Julie. Lumipad lahat ng antok. Kararating lamang niya sa location ng shooting niya. Para iyon sa teleserye niyang malapit nang matapos.

Ilang minuto muna niyang pinagmasdan ang mukha ni Julie sa screen ng cellphone niya. Wala itong makeup kaya halatang-halata ang eye bags nito. Nakasabog ang buhok nito at natatabingan ng bangs nito ang noo nito. Halatang-halata na wala pa itong tulog.

Kahit ganoon ay napaka-cute pa rin nitong tignan. Parang napakahirap paniwalaan minsan sa beinte-singko anyos na ito. Parang hindi ito tumatanda.

Tinawagan niya ito. "What?" nakangiting bungad niya.

"Where are you?" tanong nito

"Shooting. Ikaw?"

"Condo. Kauuwi ko lang galing ng shooting din. Hindi ako makatulog, Moe."

"Bakit?" Umupo siya sa upuan niya at sinenyasan niya ang makeup artist niya na mag-umpisa na. Sumunod naman kaagad ito.

"I dont know."

"Ano ngayon ang gagawin natin?" Hindi niya maiwasang maging sweet ang kanyang tinig.

"Kantahan mo 'ko."

Tumalima agad siya. "I cant fight this feeling any longer, and yet Im still afraid to let it show. What started out as friedship has grown stronger. I only wish I have the strength to let show..."

Kinantahan niya ito hanggang sa pakiramdam niya ay nakatulog na ito. Hindi mawala ang ngiti niya kahit pa tinapos na niya ang tawag.

Julie had always been special for him. She had been special from the first day they met. Hindi na iyon magbabago pa kahit kailan. Hanggang siguro sa tumanda na sila pareho ay mananatiling espesyal ito sa puso niya.

Sa magulong mundo ng showbiz, napakahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Iyong kaibigan na talagang mapagkakatiwalaan. That was why he treasured their friendship so much.

Ito na rin siguro ang pinakamalapit na babae sa buhay niya, bukod pa sa mama niyang tahimik na naninirahan sa Amerika. Madali siya nitong napapangiti at napapatawa. Lahat din ng hilingin nito ay binibigay niya.

Una silang nagkakilala sa shooting ng unang TV show nya. Hindi siya ang pinakabida roon. He came from a boy band. Sa sobrang sikat ng Lollipop Boys noon, sumabak na rin sila sa pag-arte. Si Julie ang pinakaunang nakatambal niya sa telebisyon. Sa una ay naging constant kakwentuhan niya sa set. Hanggang sa lumalim ang pagkakaibigan nito.

Gaya ng laging nangyayari, naiintriga rin sila sa isat isa. Hindi maiiwasan iyon, lalo na kung lagi silang nakikitang magkasama.

"Julie Anne is the sister that I never had" iyon lagi ang sagot niya tuwing tatanungin siya kung ano ang tunay na relasyon nila.

"Elmo is almost my brother. Him and me? Incest!" Iyon naman ang madalas sa isagot ni Julie kapag ito naman ang tinatanong.

Alam niyang hanggang nagyon ay may mangilan ngilan pa ring fans ang love team nila. Walang sawa ang mga ito sa paghiling na sana ay magkaroon pa sila ng projects na magkatambal sila. Pagkatapos ng una nilang show ay hindi na sila nagkasama sa isang proyekto. Madalas na hindi magtagpo ang mga schedules nila kapag may offer. Minsan ay walang magandang material para sa kanila.

Natigil siya sa pagmuni-muni nang tawagin na siya para sa unang eksena niya. Nang mga sumunod na sandaliay naging abala na siya.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon