Chapter 12

1K 22 2
                                    

Napapitlag si Julie nang walang anu-ano ay ibinagsak ni Tita Angie sa harap niya ang tatlong tabloids. Nasa opisina siya nito nang araw na iyon dahil ipinatawag siya nito.

Nagtatakang binuklat niya sa entertainment section ang isang tabloid. Matagal na siyang hindi nagbabasa ng mga tabloids. Madalas kasi ay naiinis lang siya kapag may mga mapanirang tsismis na lumalabas tungkol sa kanya o tungkol kay Elmo.

Ano nga ba ang relasyon ni Elmo Magalona kay Julie Anne San Jose? Magkaibigan nga lang ba talaga sila? Iyon ang nakalagay na titulo ng isang artikulo. May kuha rin silang larawan doon ni Elmo habang pasakay sila sa kotse nito.

Nakalagay sa artikulo na nakabantay palagi si Elmo sa mga shooting niya. Kahit saan daw siya pumunta ay kasama niya ang lalaki. Binigyang-kulay ng lahat ang mga pangyayari. Hindi raw gawain iyon ng isang kaibigan sa kapwa kaibigan.

"Hindi ko po ito kasalanan, Tita." aniya. Siya po ang mapilit na araw-araw sa shooting namin."

Her manager sighed. "I know. Lagi ko na rin siyang pinagsasabihan na huwag kang puntahan pero matigas ang ulo niya. Sinasayang niya ang bakasyon niya."

Dalawang linggo na nilang ginagawa ang pelikula at dalawang linggo na ring palaging nasa set si Elmo. Sanay na sanay na nga ang mga kasama niya na naroon ito. It was like he was part of the movie already.

Kahit na palagi niyang sinasabihan ito na hindi siya nito kailangang bantayan, hindi pa rin niya mapigilang maging masaya. Nakikita niya ito araw-araw, nakakasama at nakakausap. Palaging maraming pagkain sa set dahil dito. Alagang-alaga siya nito.

Hindi siya nagkamali sa pagtitiwala kay direk Simon. Hindi nito hinahayaang maging pangit o mahalay ang mga kuha niya. Pinoprotektahan nito ang katawan niya. Her fellow actors are veterans. Marami siyang natututuhan sa mga ito. Kahit ang mga ito ay tinutukso sila ni Elmo na baka nagbabago na ang relasyon nila. She just always smiled. Sawa na siyang sabihing kapatid lang ang turing niya sa binata.

Isang linggo nang maugong ang balita tungkol sa kanila ni Elmo. Hindi niya pinansin noong una. Ang akala niya ay kusang mamamatay iyon. Ngunit lumalala na ang lahat. Kaya nga kinakausap na siya ni Tita Angie.

"Mamamatay rin ho tong mga tsismis," wika niya. "Don't stress yourself too much."

"Hindi lang naman yan ang dahilan kung bakit kita ipinatawag dito. Bumababa ang ratings ng primetime show mo. I'm receiving endless e-mails and petition from your fans. They are all convinced that this current movie you're doing is a bad idea. Nagagalit din sa'yo ang ilang mga fans nina Janine at Elmo. Lumalandi ka na raw. May impresyon sila na inaagaw mo si Elmo."

Nalukot ang mukha niya. Janine Gutierrez was Elmo Magalona's TV loveteam. Maraming fans ang mga ito. Umaapaw raw ang chemistry ng mga ito sa screen. Kapag magkatambal ang dalawa sa isang proyekto ay siguradong sure hit iyon.

She never liked Janine Gutierrez. Kahit ano ang pilit niya ay hindi niya magawang makipagplastikan sa babae. Mabigat na mabigat ang loob niya rito. Babae rin siya at alam niyang malaki ang pagkagusto nito kay Elmo. Kung makaasta rin ito minsan ay tila pag-aari na nito si Elmo. Sa mga interviews ng dalawa ay palagi itong masyadong malambing. Elmo indulged her. Kailangan iyon para sa publicity. Nang tanungin niya ang kanyang kaibigan kung may relasyon ito kay Janine, "We're not official," ang sagot nito.

Ikinatuwa niya iyon kahit na may ibang kahulugan ang naging sagot nito. Maaaring may casual relationship ang dalawa.

"What do we do now?" tanong niya kay Tita Angie.

"Huwag muna kayong pagkita nang madalas na magkasama sa publiko," sagot nito.

"Pero si Elmo naman naman po ang mapilit lagi," pangangatwiran niya.

"Kakausapin ko rin siya. Kung ayaw niyang gamitin nang tama ang bakasyon niya ay bumalik na lang siya sa pagtatrabaho. Marami na ang kumukuha sa kanya."

"He deserves a long vacation. Halos isang taon din siyang walang pahinga."

"Hindi naman pahinga ang ginagawa niya. Binabantayan ka niya. Diyos ko, hindi ka na bata para bantayan. Kailan niya makikita iyon?" Bakas na bakas sa mukha nito ang frustration.

Pati siya ay na-frustrate na rin. "Iniisip ko rin kung kailan niya makikita na isa na akong ganap na babae," wala sa loob na naibulong niya.

"Akala ko ba wala na 'yan?"

Natigilan siya.

Her manager's face softened. "I've been telling you this many times in the past. Get rid of it, Julie. Accept the fact that Elmo isn't the one for you. He sees you as a sister, his best friend forever. You have always been out of his league. Kung magugustuhan  ka niya, noon pa sana. Don't think I'm being a kontrabida, anak. Sinasabi ko lang ang mga nakikita ko. Marami ang nagtataka kung bakit hindi na kayo nagtambal uli. I've been receiving offers pero tinatanggihan ko. Bukod sa mas magaganda ang mga ibang offers, alam ko rin na lalong mahuhulog ang loob mo sa kanya kapag nagtambal kayo uli. Hindi mo mapaghihiwalay ang realidad sa hindi. And ending, masasaktan ka lang. Mawawasak pa ang maganda ninyong pagkakaibigan. Gusto mo ba iyon?"

Umiling siya. Si Tita Angie ang tanging tao na nakakaalam ng tunay na damdamin niya para kay Elmo. Mahusay itong bumasa ng tao at kahit magkaila siya ay mahuhuli rin siya nito.

Alam niyang totoo ang lahat ng mga sinasabi nito. Ngunit kahit anong pilit niya, patuloy pa rin ang puso niya sa pag-asa. Patuloy pa rin siyang umaasam na sana ay dumating ang araw na magbago ang lahat sa kanila ni Elmo. Sana ay mahalin siya nito katulad ng pagmamahal niya rito. Even if it was already next to impossible, she couldn't help but hope for a happy ending for them.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon