Chapter 4

1.1K 23 0
                                    

"This is the something new that I have been waiting for" bulong ni Julie sa kanyang sarili bago siya humigop ng mainit na kape. Alas dos na ng madaling araw at nasa sala siya ng unit niya. Binabasa niya ang isang script na ibinigay sa kanaya ni Direk Simon kanina.

Ang nasabing direktor ay sikat na sikat sa paggawa ng mga indie films na humahakot ng mga parangal sa ibat ibang local at international award giving bodies. She was flattered that he considered her to be one of his leads on his next indie movie project. Nabanggit na raw nito kay Tita Angie ang tungkol sa proyektong iyon. Nagdalawang isip daw ang manager niya kaya dumirekta na lang ito sa kanya.

Direk Simom really wanted her to play the lead role. He said she was the most perfect actress for it. Kahit ang scriptwriter daw ay siya ang gisual inspiration habang ginagawa nito ang script na hawak na niya ngayon.

Malapit na niyang matapos ang pagbabasa. Napakaganda ng kwento. She wanted to do the project. Alam niyang baka hindi pumayag ang manager niya ngunit magpipilit talaga siya. Pagsisisihan niya nang husyo kung hindi niya magagawa ang proyektong iyon.

Alam niya kung bakit nagdadalawang isip ang manager niya. Lihis sa imahe niya ang naturang project. Natatakot siguro ito na baka mabawasan ang nga tumatangkilik sa kanya. Sa isang banda naman, aangat ang lebel niya bilang aktres kung makakatrabaho niya si Direk Simon. He was one of the brillant director in the Philippines.

Nakahanda siyang ibigay ang lahat ng kailangan sa eksena. Paghuhusayin niya nang husto ang pagganap. Higit pa sa isandaang porsyento ang ibibigay niya. She was willing to risk everything.

Maybe she saw the project as an escape. Makakalabas na rin siya sa wakas sa sweet girl image niya, sa kahon niya.

Pagkatapos niyang basahin ang script ay dinampot niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Elmo.

"Where are you?" bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya

"Hello to you too" he said in a light tone. Kahit na ganoon ay bakas pa rin ang pagod sa tinig nito. "Im on my way home. Why?"

"Puwedeng dumaan ka sandali sa condo ko?" Nakagat niya ang kanyang ibabang labi pagkatapos. Pagod ito ngunit iniistorbo niya. Ito lagi kasi ang pinagkakatiwalaan niya at ang siguradong makakatulong sa kanya.

"Sure. Ill be there." tugon nito na walang kahit na anong pag-aalinlangan

It was one of the things she loved about Elmo. He always indulged her. Hanggang kaya niyo, hindi siya niyo pahihindian.

"Thank you so much." sabi niya bago tinapos ang tawag

Hindi siya gaanong naghintay nang matagal. Binuksan niya agad ang pinto ng may kumatok. Nginitian niya nang matamis si Elmo. He looked tired but he was still gorgeous.

"Pasensiya na kung naistorbo kita," aniya. "Kailangan lang talaga."

"Its okay" anito habang umuupo sa sofa. Nakihihop ito sa kape niyang hindi pa nauubos. "Problema?"

Umupo siya sa tabi nito. "May ikokonsulta ako sa 'yo" aniya habang inaabot niya tito ang script na binabasa niya kanina. "Indie film ni Direk Simon. I think its good. Can you spare some time to read it? Then tell me if its wise for me to do it."

Hindi nito binuklat ang script. "Sure. Pero bukas na lang. Direk Simon is a great director. He's known internationally. If only for that, this indie movie would be good for you."

Nagliwanag ang kanyang mukha. Lumako ang pag-asa sa dibdib noya. Mukhang magagawa niya ang pelikulang iyon.

Tumayo na ito hinagkan ang kanyang noo. Hindi niya napigilan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil doon. It was always like that. Kahit simpleng pagdidikit lang ng mga balat nila ay nagdudulot ng kaguluhan sa sistema niya. She knew it was just a brotherly kiss but she could not help wishing it was something more.

Naglakad na ito patungo sa pinto palabas. "Uuwi na ako JAPS. Baka may makakita sa aking press at kung anu-ano ang tahiing kuwento na hindi naman totoo."

Napangito siya. Paminsan minsan, may mga lumalabas paring issue na nglilink  sa kanila. May ilang naniniwalang "secretly in love" sila sa isat isa. Totoo iyon sa parte niya ngunit alam niyang pagtinging kapatid lamang ang nararamdaman ni Elmo para sa kanya.

"All right. Ingay sa pag-uwi. Maraming salamat sa pagdaan." aniya habang inihahatid ito hanggang sa pintuan.

"Basta ikaw. Sleep now." sabi nito sa napakasuyong tinig bago ito tuluyang umalis

Napasandal siya sa nakasarang pinto. Nagdarasal na sana ay maganda ang maging tingin nito sa kwento. Sana ay mangibabaw ang pagiging artist nito kaysa sa pagiging "kapatid" nito sa kanya.

Magbabago ba ang tingin nito sa kanya sa oras na gawin niya ang pelikulang iyon?

She fervently hoped so.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon