Chapter 29

931 26 0
                                    

Halos araw-araw ay kasama ni Julie Elmo kahit saan man siya magpunta. Marami ang mga nagtataka ngunit hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon. Hindi rin siya nag-aabalang sagutin ang mga nagtatanong kung bakit palaging nakabuntot si Elmo sa kanya. Nais din niyang maging pribado sa kanila ni Elmo ang pagbabago ng relasyon nila hanggang maaari. Ayaw niyang mabahiran iyon ng intriga. Baka maudlot pa ang katuparan ng nga pangarap niya.

Masayang-masaya siya. Elmo was showering her with flowers and gifts. Not expensive gifts but little cute things. Marami na itong naibibigay sa kanyang mga Spongebob collectibles. Puwede na rin yata siyang magtayo ng museum niya ng Spongebob. Alam na alam nito kung ano ang mga bagay na gusto niya. Mas gusto niya ng Spongebob kaysa mga mamahaling alahas, sapatos o bags.

Dumating ang araw ng showing ng indie film niya. Kabadung-kabado siya. Hindi niya alam kung tatangkilikin pa rin siya ng mga tao pagkatapos maipalabas sa mga piling sinehan ang pelikula. Mabuti na lang at naroon si Elmo upang suportahan siya palagi.

Sa premiere night, dumalo ang nga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz. It was not glamorous compared to her other movies' premiere nights, but that certain movie was very dear to her. It was her first movie that was out of the box. She worked hard for it. Sana ay ma-aapreciate iyon ng mga tao.

Hindi naman niya hiniling na maging box office hit iyon tulad ng ibang mga naging pelikula niya. Hindi rin siya naghahangad ng best actress awards mula roon. Ang nais lang niya ay makapulutan ng aral ang pelikula. Iyong kahit paano ay mahaplos ng pelikula ang damdamin ng mga manonood. Nais din niyang malaman ng iba na maraming mukha at uri ang pag-ibig.

Katabi niya sina direk Simon at Elmo sa sinehan. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Elmo nang magsimula na ang pelikula. He kissed her hand then smiled at her tenderly. It was more than enough assurance for her. Nararamdaman niyang kahit ano ang mangyari pagkatapos ng lahat ay naroon pa rin ito sa kanyang tabi. Hindi ito mawawala.

Tahimik sila habang nanonood. Habang pinanonood niya ang bawat eksena niya ay napapangiti siya. She was very proud of herself. She was very proud of the movie. Ang galing-galing niya roon. Bigla ay nais niyang magyabang sa lahat.

"How's the movie?" bulong niya kay Elmo nang palabas sila sa sinehan. Nasa tinig niya ang matinding excitement. "Is it good?"

He rolled his eyes. "You know it's beautiful. It's art. A very beautiful art." Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Your sexy dance is arousing," bulong nito.

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hinampas niya ito sa dibdib. Natatawang hinuli nito ang kamay niya at hinagkan iyon. Biglang nasilaw siya sa mga flashes ng camera ng ilang mga press at fans. Akmang hihilahin niya ang kamay niyang hawak nito ngunit hindi nito binitawan iyon. He even intertwined her fingers with his.

Nakangiting hinarap niya ang lahat. Wala siyang pakialam sa iisipin ng lahat. Basta napakasaya niya ng mga sandaling iyon. It was like everything was perfect with her life. The love of her life loved her back. Her movie was great. Wala na siyang mahihiling pang iba.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon