Chapter 16

984 24 1
                                    

Gulat na gulat si Julie sa balitang sinabi sa kanya ni Tita Angie nang araw na iyon.

"We are doing a project together? Elmo and me? Why?" hindi niya napigilang maibulalas. Sila raw ni Elmi ay gagawa ng isang two-part episode ng isang sikat na drama anthology na ipinapalabas tuwing sabado ng gabi.

Ilang episodes na rin ang nagawa niya para doon ngunit ngayon lamang niya makakasama si Elmo. Hindi niya alam kung matutuwa siya o kakabahan nang todo.

"Napanood ng presidente ng istasyon ang interview nyo ni Elmo noong Linggo. Special request niya na magsama kayo sa isang project," tugon nito.

"Really? Pero paano 'yan? I'm busy finishing my indie film."

"Surprisingly, he is willing to wait hanggang sa magkaroon kayo ng panahong gawin ang proyekto. Ilang linggo na rin lang naman at matatapos na ang ginagawa mong pelikula. Tamang-tama dahil pabalik na rin si Elmo mula sa Bohol sa mga panahong iyon."

Nais niyang lumundag sa sobrang kaligayahan. Ilang araw na niyang hindi nakakasama si Elmo. Nagliliwaliw ito sa mga probinsya sa Pilipinas. Last stop nito ang Bohol. Pinilit ito ni Tita Angie na magbakasyon nang totoo dahil siguradong magiging sobrang abala na naman nito pagkatapos ng bakasyon nito.

"Totoo po ba ito, Tita Angie?"

Ngumiti ito. "Ayoko sana talaga, kaya lang ay ang presidente na ang nagsabi."

"Ano po ang mga roles na gagampanan namin?"

"Gagampanan mo ang isang role ng bulag na babae. Elmo will play the role of a broken man. You'll find each other. It's a sad love story. Ibibigay raw sa'yo ang script kapag handa na."

Nayakap niya ito sa katuwaan niya. "Thank you, Tita." Napakatagal na panahon niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Makakasama uli niya si Elmo sa isang proyekto. Magkapareha pa sila.

"Guard your heart, Julie. Huwag mong paasahin masyado ang sarili mo. Huwag kang magpapadala sa mga eksena. Huwag mong hayaang maapektuhan ka ng husto ng damdamin mo. Dapat alam mo kung paano bumalik sa realidad pagkatapos na pagkatapos isigaw ng direktor ang 'cut.' At the end of the day, you'll always go back to the real world. Sa mundong iyon, hindi in love sa'yo si Elmo."

Alam niyang may punto ang lahat ng sinabi nito. Alam niyang lahat iyon ay pawang katotohanan. Ngunit masyado yata siyang masaya upang mag-isip pa nang husto. Ang tanging nasa isip niya nang mga sandaling iyon ay magkakasama sila ni Elmo.

Missed na missed na niya ito. Nasanay na kasi siya na araw-araw niya itong nakikita, kaya kahit sandali pa lang niya itong hindi nakikita ay labis-labis na ang pangungulila niya rito.

"May kissing scene ba kaming gagawin?" tanong niya sa nagbibirong tinig.

Her manager just rolled her eyes. Tila nakikiliti naman ang imahinasyon niya. Ano kaya ang pakiramdam na mahagkan ni Elmo? Noon ay hindi sila nagkaroon ng nga intimate scenes na magkasama. Ilang ulit na ba niyang kinainggitan ang mga naging leading ladies nito tuwing nilalambing niyo ang mga iyon sa palabas?

Lihim na idinadalangin niya na sana ay magkaroon sila ng kahit isang kissing scene lang. Kahit man lang sa harap ng camera ay lumampas sila sa linya ng pagkakaibigan. Nakahanda naman siyang bumalik sa tunay na mundo pagkatapos ng "cut." Nais lang niyang madama kahit saglit lang na hindi sila magkaibigan. Na may posibilidad na maging sila.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon