Chapter 28

1K 32 8
                                    

Nagpasalamat si Julie dahil alas-otso pa lang ay pauwi na siya sa kanyang unit. Pagod siya at nais na niyang magpahinga nang maaga. Iniisip niya kung kailan siya maaaring makahingi ng mahabang pahinga kay Tita Angie. Nagsunud-sunod kasi ang nga proyektong ginawa niya.

Napasinghap siya nang malakas pagbukas na pagbukas niya ng ilaw ng unit niya. Lumabas uli siya At tiningnan niya ang numero ng pinto. Tama naman ang unit na pinasok niya.

Muli siyang pumasik sa loob. What the hell happened to her unit?

"Welcome home."

Marahas na napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Kumunot ang kanyang noo. It was Elmo.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?"

"Hiniram ko kay Tita Angie ang susi. I hope you don't mind. I cooked dinner. Nakahanda na ang mesa." Nilapitan siya nito. Kinuha nito ang mga dala-dala niya at inilapag ang mga iyon sa sofa.

Iniikot niya ang paningin sa buong sala. "Ano'ng ginawa mo sa bahay ko?"

Nginitian siya nito. "Ayaw mo ba?"

"I..." Lumunok muna siya bago niya dinugtungan ang kanyang sinasabi. "Love it. Buy why?"

Punung-puno ng bulaklak ang bahay niya. Daig pa niyon ang flower shop. Everything was orange. It was her favorite color. Ang sahig ay punung-puno ng rose petals na orange din.

Yumuko siya at dumampot ng ilang piraso. Namanghang napatingin siya rito.

"Ano ang okasyon?" tanong niya habang pilit na inaalala kung may nakalimutan siyang isang mahalagang okasyon.

Naglakad siya patungo sa mga malalaking rosas na orange. Sinamyo niya ang mga iyon. She was so overwhelmed. Noon lang nangyari sa kanya ang bagay na iyon sa totoong buhay.

"Walang okasyon," tugon nito. "I just want this night to be special for you. For us."

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito. "Ha? Hindi kita maintindihan."

Hinila siya nito patungo sa dining area. Muli siyang napasinghap nang makita ang ayos doon. Elmo really turned her house upside-down. Marami pa ring mga nagkalat na orange roses sa sahig at mesa. May mga orange scented candles din. Mga paborito niyang pagkain ang nakahanda. May magandang flower arrangements sa gitna.

Inalalayan siya nitong umupo. "I first wanted to do this in a restaurant but I want everything to be private. Mahirap na kung may mga makakaamoy na press. Ayoko munang haluan ng showbiz ang lahat."

Lalo siyang nagtataka habang lumilipas ang bawat sandali. Why was he doing that? Sa mga palabas lang sa telebisyon nagyayari ang ganoong bagay. Sa mga palabas, indikasyon iyon na magtatapat na ng pag-ibig ang lalaki sa isang babae.

Napalunok siya. Magtatapat na ba si Elmo sa kanya?

"Let's eat," anito na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi. "Masarap itong lahat. Special para sa'yo."

Tango lang ang nagawa niya. Hindi na niya magawang magsalita. Pakiramdam niya ay isang panaginip lamang ang lahat at masisira iyon kung magsasalita siya. Hindi rin niya alam kung ano ang nais niyang sabihin. Punung-puno ng tanong ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang unang itatanong niya rito. It was like Elmo had turned into someone else.

Tahimik siya sa buong durasyon ng hapunan. Ito ang nagsalita nang nagsalita. He talked about his day. Ngiti, tango at iling lang ang naging sagot niya.

Pagkatapos nilang kumain ay dinala siya nito sa sala. He turned hed CD player on. Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Then he took her in his arms. They danced. Napangiti siya. Tiningala niya ito. Akmang tatanungin niya kung ano ba talaga ang ginagawa nito nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya.

She closed her eyes. Tumugon siya nang buong puso. Pumaikot sa leeg nito ang mga braso niya. Lalo siya nitong hinapit palapit dito.

"I love you, Japs," he murmured against her lips.

Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata niya. Tama ba ang narinig niya o imahinasyon lamang niya iyon? Marahan niya itong itinulak. Pinakawalan naman siya nito.

"What did you say?" tanong niya upang makasiguro.

Masuyo itong ngumiti. "I said I love you."

"As what?"

He chuckled. "As a sister? Does a brother kiss his sister like that? As a friend? Naghahalikan ba nang ganoon ang magkaibigan?"

"Then you love me as what?" naiinis na tanong uli niya. Bakit hindi na lang siya nito sagutin nang matino bago pa siya mabaliw sa kaiisip?

Dinampian nito ng mabining halik ang mga labi niya. "I love you so much, Japs. I love you as a woman. I love you the way a man loves a woman. Malinaw na?"

Ilang libong beses na ba niyang pinangarap na marinig ang mga salitang iyon? Ilang taon ba siyang naghintay para matutuhan siya nitong mahalin? Kahit ninais na niyang sukuan ito ay hindi niya magawa. Finally, her ultimate dream came true. And she couldn't speak. Nakatanga lang siya rito.

"Say something, please," pakiusap nito nang lumipas na ang maraming sandali na hindi pa rin siya nagbibigay ng reaksiyon.

"Y-you l-love me? Seriously?" she said when she finally found her voice.

Tumango ito. "I'm willing to do everything for you. Liligawan kita nang husto. We're great friends, I know, but we'll be greater as a couple. Huwag nating panghinayangan ang magandang pagkakaibigan natin. Hindi naman masasayang iyon. I believe that our friendship would be a good foundation to a strong romantic relationship."

Nakaawang ang mga labi niyang muli siyang napatanga rito. Sa mga sandaling ini-imagine niya itong nagtatapat sa kanya, desidido siyang sagutin agad ito. Wala nang arte-arte o pagpapakipot. Sasagot na kaagad siya ng "oo" at "I love you, too."

Ngunit manliligaw raw ito sa kanya. Nakikiliti ang imahinasyon niya sa mga maaari nitong gawin upang mapasagot siya. Hindi pa man ay kilig na kilig na siya. Nais din naman niyang maranasan kung paano ang maligawan nito. Pakonsuwelo na sa mahabang paghihintay niya rito.

"Papayagan mo ba akong umakyat ng ligaw sa'yo?"

Tumango siya.

Lumapad ang ngiti nito. "Hindi ka magsisisi."

Alam niyang hindi siya magsisisi. Kung anuman ang nangyayari dito at bigla na lang itong nag-iba ay hindi na siya interesadong malaman. Ang mahalaga sa ngayon ay mahal na siya nito. Natupad na ang matagal niyang minimithi.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon