Chapter 18

900 27 0
                                    

Pakanta-kanta si Julie habang nasa van siya. Patungo sila sa Batangas nang madaling-araw na iyon. Doon ang lokasyon ng unang araw ng shooting ng proyektong gagawin nila ni Elmo na magkasama. Napapatingin sa kanya ang driver niya at personal assistant.

Masiglang-masigla kasi ito. Dati, kapag madaling-araw ang call time niya, abala siya sa pagsamantala ng tulog habang patungo siya sa location. Ang totoo, halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi  Nagmemorya siya ng mga linya niya. Ayaw niyang mapahiya kay Elmo. Nais niyang masabi nitong malaki na ang improvement ng acting skills niya mula noong huli silang nagkasama sa isang eksena.

Pakiramdam niya ay umaapaw ang enerhiya sa katawan niya kahit na kulang siya sa tulog. Excited siya na kinakabahan.

Pagdating niya sa lugar ay masiglang binati niya ang lahat. Hindi pa dumarating si Elmo. Nasa isang private beach sila. May dalawang magkatabing beach house. Pareho nilang gagamitin ang dalawang bahay. Doon magkakakilala at titira ang mga karakter nila ni Elmo.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Elmo. Kagaya niya ay may magandang ngiting nakaguhit sa mga labi nito. Masiglang binati nito ang mga kasama nilang puro tila inaantok. May dala-dala pa itong almusal para sa lahat.

"How are you?" tanong nito sa kanya habang inaayusan sila. Magkatabi sila sa puwesto.

"Excited pa rin," tugon niya. Nasa kandungan niya ang script. Ayaw niyang makalimot kahit isang salita mamaya. She was determined to impress everyone.

Tahimik na isinaulo niya ang mga linya niya nang mapansin niyang pati ito ay nakikialam na sa pagme-make-up sa kanya. Kung anu-ano ang inilalagay nito sa mukha niya.

"Lagyan mo pa ng concealer 'yong mga pimples niya," sabi nito sa make-up artist niya.

Sumimangot siya kunwari. Nilamutak ng kamay niya ang mukha nito. Natatawang inalis nito ang kamay niya sa mukha nito.

"Ang yabang-yabang nito. Ang kinis-kinis nga ng mukha ko. 'Kala mo kung sino kang guwapo," sabi niya rito.

Pinisil nito ang ilong niya. "Guwapo naman talaga ako." Lalo nitong inilapit ang mukha sa mukha niya.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Napakaguwapo nito. Their eyes met. For a while, they had a moment.

Ang pagtikhim ng make-up artist nila ang nagpabalik ng katinuan sa kanila. Umayos sila ng upo pagkatapos ay tumahimik. Ang mga taong nakakita sa kanila ay naging makahulugan ang nga tinginan.

Hindi niya napigilang mapangiti. Naaalala niya noong una silang nagkasama. Makulit din ito noon at kung anu-ano ang mga ginagawa nitong mga kalokohan. Hindi niya mapigilan ang nag-uumapaw na ligaya niya.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon