"Damn it. Damn it. Damn it." hiyaw ni Elmo. Gustong-gusto na niyang magwala, nagpipigil lang siya. He was all over the news. Front page pa ng isang showbiz tabloid ang larawan nila ni Janine na naghahalikan.
Hindi niya mahagilap si Julie. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Tila galit sa kanya ang manager niya na ayaw makinig ng paliwanag. Ayaw nitong sabihin kung nasaan si Julie. Hindi niya alam kung bakit naging unfair ito at ayaw nang pakinggan ang kuwento niya. Pareho silang alaga nito. Dapat ay pinakikinggan nito ang dalawang panig. Hindi iyong kumampi na agad ito kay Julie.
Kahit ang assistant at driver ni Julie ay tikom ang mga bibig. Inis na inis na siya sa kanyang sitwasyon.
Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ayaw niyang pakinggan ang mga opinyon o komento ng iba - maganda man iyon o pangit. Ang pinakaimportante para sa kanya ngayon ay sila ni Julie. Hindi naman siya tanga upang hayaan lamang itong mawala sa kanya nang ganoon na lang. Hindi niya hahayaang masira ang relasyon nila nang dahil lang sa mga mapanirang salita at larawan.
Ang matinding ikinatatampo niya, bakit ito nagpaapekto sa mga ganoon? Bakit hindi ito lumapit sa kanya at tinanong kung ano talaga ang nangyari? Hindi na sana sila naghahanapan ngayon.
The pictures were real. Iba lang ang naging interpretasyon ng mga tao. Hindi niya kasalanan ang lahat.
Nasa isang tahimik na exclusive bar sila ni Maken nang gabing makuhanan sila ni Janine ng mga larawan. Dumating si Janine at nilapitan sila. He figured it was his chance to talk to her about all the issues that concerned them.
"Janine, please stop all the drama. Mas maganda kung tahimik tayong lahat. Alam na alam mo na hindi tayo kailanman nagkaroon ng romantikong relasyon. Julie is very affected already. Ako na ang nakikiusap sa'yo. Please, stop."
"I'm only doing this because I love you. I can't give you up that easy."
"I don't love you. I'm sorry to be brutal but that's the truth. Alam mo na mula sa umpisa 'yan."
Nakita niya kung paano bumalatay ang sakit sa mukha nito. "And you love her?"
"Yes. I have always been in love with her. Siya lang ang gusto ko. Hindi na magbabago 'yon."
"Liar. You're just saying that. Kung mahal mo talaga siya, ipangangalandakan mo."
"And let those people ruin us? Matagal na ako sa industriyang ito. Alam ko na ang pasikut-sikot."
"Hindi ka magiging masaya sa kanya."
"Matagal na akong masaya sa kanya."
"Liar!"
Sa gulat niya ay bigla na lamang itong lumapit sa kanya at inangkin ang mga labi niya. Agad na itinulak niya ito palayo.
"You're pathetic, Janine." Umalis na siya pagkasabi niya iyon.
Hindi niya alam na nakunan sila ng larawan. Hindi rin niya balak itago kay Julie ang buong pangyayari. Hindi lang niya sinabi nang magtanong ito dahil ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon sa telepono.
At ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ito.
"Damn it!"
"Stop swearing," naiiritang saway ni Nick sa kanya. Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa'yo. Wala namang nagyayari diyan sa ginagawa mo."
"Damn it!"
"Isa pang 'damn it', ibabato na kita sa bintana," sabi ni Maken.
Damn it. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa unit niya. Nagpapatulong na siya sa mga ito upang mas mapadali ang paghahanap niya kay Julie. He also needed his friends for support. Si Maken ay handang-handang tumestigo para sa kanya. Ang kailangan lang ay mahanap niya si Julie.
Nagtaka siya nang biglang may nag-doorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita.
Kunot na kunot ang noo niya nang mapagbuksan ang isang lalaking nerd na nerd ang hitsura at suot. Medyo overacting nga ang ayos nito. Tila sinadya para sa isang pelikula. "Do I know you?" tanong niya rito.
He laughed. He immediately recognized the familiar crisp laughter. Natatawang sinuntok niya ang dibdib nito. "Damn you, Vann!"
Natatawang pumasok ito sa unit niya. Tuwang-tuwa silang magkakaibigan pagkakita rito. Kahit na hindi pa ito International artist ay mahilig na talaga itong mag-disguise upang hindi makilala ng mga tao.
Sandali niyang nalimutan ang problema niya. Bihirang umuwi si Vann sa Pilipinas. Minsan ay pasekreto tulad ngayon. Piling-pili lang ang mga taong nakakaalam ng pag-uwi nito nang pasekreto.
"How's Julie?" anong nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Si Maken ang nagkuwento rito ng buong pangyayari.
Umiling si Vann. "Wala talaga kayong creativity kahit na kailan. Ang daga, lalabas sa pinagtataguan kapag nalaman niyang patay na ang pusa."
"What do you mean?" tanong niya.
"Pahiram ng cellphone, Rob."
Ibinigay kaagad ni Rob rito ang cellphone nito. Nakibasa rin ito sa binubuong text message ni Vann. Hindi nagtagal ay inabot nito ang Yellow Pages sa tabi ng phone niya at binuklat.
"Ano'ng hinahanap mo?" nagtatakang tanong niya. Ano ang plano ni Vann?
"Punerarya," sagot ni Rob.
Natawa nang malakas si Vann. Lalo siyang naguluhan sa balak gawin ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Getting Real
FanfictionNatuklasan ni Julie Anne na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Elmo Magalona ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team. it is from the novel of BELLE FELIZ of PHR with the same title. a...