Chapter 21

975 31 1
                                    

"Maganda ang sunset pero malungkot. Natapos na naman ang isang araw. Dilim na ang kasunod."

"Kung hindi dilim, hindi mo makikita kung gaano kaganda ang mga bituin."

"Cut!"

Mariing ipinikit ni Julie ang kanyang mga mata. Pang-apat na take na nila ng eksenang iyon. She was trying to give her full concentration but she could not. Tila nahihirapan siyang maging si Clarice nang mga sandaling iyon. She was Julie, a girl that was secretly in love with her best friend. The best friend who looked so cool about it. Was that what the actors called 'professionalism'?

Nasa baybayin sila ng dagat. She and Elmo were in characters and were watching the sunset. Nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Clarice and Andrew were together now.

"You are so tense, Julie. Halatang-halata. Waht is wrong? Is there something bothering you?" May bahid na ng inis ang tinig ng direktor nila.

The kiss. nais niyang isagot ngunit pinigil niya ang sarili. "I'm sorry, direk," aniya sa nahihiyang tinig.

"Keep in mind that we are not Elmo ang Julie, the best of friends. We are Andrew and Clarice, the eternally in love couple. Focus, Japs," bulong ni Elmo sa tainga niya.

"I know," ganting-bulong niya. "Pag-iigihan ko na sa susunod na take."

"Ready?" tanong sa kanila ng direktor.

Sabay na tumango sila ni Elmo. Sa hudyat ng direktor ay inulit nula ang kanilang eksena. This time, she was much better.

"I wish you can see this world's beauty, Clarice. Napakaganda ng pananaw mo sa lahat ng bagay kahit wala kang nakikita. May mga tao nga na malilinaw ang mga mata ngunit puro pangit ang nakikita."

"Kung gugustuhin mong makakita ng maganda, makakakita ka."

"When you're in love, everything you see is beautiful. When you're in grief, everything you see is ugly. I want you too see all this world's beauty. Gaya ng sunset."

"Gusto ko ring makakita, Andrew. Gusto kong makita ang mukha mo."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "We'll find ways. Ang sabi ng doktor ay hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba?"

Tumango siya. Bahagya siyang humarap dito at hinaplos ng mga daliri niya ang mukha nito. "Mahal na mahal kita, Andrew."

"Mas mahal na mahal kita, Clarice," tugon nito sa napakasuyong tinig. Hinaplos niya ang buhok niya.

She smiled tenderly. She was Julie telling how much she loved Elmo. Alam niya iyon sa kaibuturan ng puso niya. Walang kinalaman doon sina Clarice at Andrew. Too sad, it was Andrew speaking to Clarice on Elmo's part.

Unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Ginawa niya ang lahat upang hindi mahalatang kinakabahan siya nang sobra.

She closed her eyes when his lips touched hers. She parted her lips for him. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya habang hinahagkan siya nito. It was more than heaven. It was more than perfection. It was what she fantasized and so much more. She felt complete. Tila nais pa nga niyang maluha sa sobrang kaligayahan.

Dumiin ang mga labi nito sa mga labi niya. Naging mapusok at maapoy ang halik nito. Pumaloob ang mga daliri nito sa buhok niya at hinapit siya nang husto. Walang pag-aalinlangang tumugon siya sa halik nito.

"Cut!" hiyaw ng direktor.

Agad na naghiwalay sila. Hindi sila magkatinginan ni Elmo. Agad lumapit sa kanila ang direktor at mga make-up artists nila. Pinunasan ng make-up artist niya ang mga labi niyang namumula na yata dahil sa halik. Nilagyan nito iyon ng lip-gloss pagkatapos. Inayos din nito ang buhok niya.

"Elmo, don't ravish her. The kiss is not supposed to be hot and passionate. It's supposed to be sweet and gentle. Do you get that?" anang direktor kay Elmo. Tumango ito. "Okay. Let's do the kiss again. Malapit nang lumubog ang araw Dalian natin."

Elmo looked gently at her. Nang humudyat ang direktor, dahan-dahang bumaba uli ang mga labi nito sa mga labi niya. Gaya kanina, ipinikit niya ang kanyang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. The kiss was sweeter and softer. Sinuyo ng mga labi nito ang mga labi niya.

A tear fell from her eye. She was just too happy. Pakiramdam niya ay natupad na ang matagal na pangarap niya. Alam niyang sina Clarice at Andrew ang nagmamahalan at naghahalikan, ngunit nais niyang dayain ang kanyang sarili kahit sandali lang. Nais niyang isiping hindi nila ginagampanan ang papel ng ibang mga tao.

They were Elmo and Julie. Nais niyang isipin na nagmamahalan sila. Nais niyang isipin na walang nakapalibot na mga tao at camera sa kanila, na totoo ang lahat kahit na sandaling-sandali lang.

"Cut! Perfect, guys!"

Dahan-dahang pinakawalan ni Elmo ang mga labi niya. Pinahid nito ang umalpas na luha sa mata niya. Yumakap siya rito. Ginantihan nito ang yakap niya at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya.

Masaya na siya dahil kahit sandaling-sandali lang, napasakanya ito.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon