Chapter 30

1K 30 0
                                    

Napapangiti si Elmo habang nagbabasa ng ilang reviews tungkol sa indie film ni Julie sa Internet. Lahat ay magagandang reviews. Hindi naman kasi mahalay ang pelikula. Wala ring parte ng katawan ni Julie ang nabastos. Like what he told her after watching the film, it was a very beautiful art.

Hindi nangibabaw ang prostitusyon sa pelikula. It was a love story. A very different love story. Mararamdaman ang pagmamahalan ng dalawang bida. The gay and lesbian communities were very thankful for it. They were endlessly praising the director and actors.

Marami rin ang pumuri sa pagganap ni Julie. She finally went outside the box, anang ilan. One also said that Julie's best performance ever. Nawalan na raw ito ng inhibitions sa katawan.

He was very happy for her. She deserved all the praises she was receiving from everyone. He was glad she didn't listen to him and to everyone that said that the film was a bad move for her career.

May ilang intriga pa ring lumalabas na nag-uugnay sa kanila. Palagi kasi siyang nakikita na kasama si Julie. Hindi naman niya kinukuha rito ang limelight. Tahimik lamang siyang nakasuporta rito.

May ilang nagsasabi na gimik lamang iyon gahil malapit nang ipalabas ang two-part episode nila sa isang drama anthology. Ayaw na niyang patulan ang mga iyon. Basta alam nito ang layunin ng pagiging malapit niya rito. Wala siyang pakialam sa iisipin ng iba.

He was happy wooing her. Nag-eenjoy siya sa bawat panunuyo niya rito. Kung maaari lang ay iaalay niya ang buong mundo sa paanan nito. He grinned. He was so corny and cheesy.

Ayaw niyang madaliin ang sagot nito. He wanted her to enjoy every minute of the courtship. Pero may pagkakataon na nais na niya itong daanin sa bilis. Nais niyang maging opisyal na ang lahat sa pagitan nila. Minsan, sadyang napakahirap magpigil ng sarili. Tila sa bawat araw na lumilipas ay lalo itong gumaganda. At mula nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula nito, dumami bigla ang mga tagahanga nitong mga lalaki.

He wanted to announce to everyone that she was not available anymore. He wanted to tell every man that she was his.

Inabot niya ang kanyang cellphone nang tumunog iyon. Agad na sinagot niya iyon nang makitang si Julie ang tumatawag sa kanya.

"Hello, lovely," bungad niya.

She giggled. He loved the sound of it. "Hello to you, too, gorgeous. Guess what." May excitement siyang nabakas sa tinig nito.

"What?" he indulged.

"I got offers to be on the covers of FHM, Maxim, and Playboy. Hindi mo paniniwalaan kung magkano ang handa nilang ibayad mag-pose lang ako ng sexy. Wala raw lalabas na private parts. Basta sexy lang daw."

Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Dapat ay alam na niyang makakatanggap ito ng mga ganoong offers. She was very sexy on her indie film. Her sexiness was coupled with classy sophistication. Ngunit parang hindi pa siya handang dumami pang lalo ang mga tagahanga nitong lalaki.

"D-do you wanna do it?" nag-aalangang tanong niya.

Nais niyang sabihin dito na huwag na lamang nitong tanggapin ang mga offers na mag-pose ng sexy. Ayaw niya. Ngunit ayaw rin naman niyang ipagkait dito ang mga bagay na nais nitong gawin. Baka isipin nito na wala pa man silang opisyal na relayon ay dinidiktahan na niya ito. Baka hindi pa man sila nag-uumpisa ay masakal na ito sa kanya.

"I think it's fun. Parang gusto kong i-try. Pero sabi ni Tita Angie, baka isipin ng lahat na nagpapa-sexy na ako nang tuluyan. Gusto pa rin daw niyang i-maintain ang dating image ko. What do you think?"

"I'll support you whatever that would make you happy," aniya. Totoo naman iyon. Kahit pa labag ang kalooban niya, kung magiging masaya ito roon, susuportahan pa rin niya ito.

"Salamat, Elmo," anito sa napakalambing na tinig. "What are you doing?"

"Thinking of you."

She giggled again. "Liar."

"I'm not. I'm really busy thinking of you. I'm always busy thinking of you."

"Hanggang ngayon, hirap pa rin akong maniwala na nangyayari ito sa akin. We were good friends and now--"

"I'm courting you," pagtatapos niya sa sinasabi nito. "Hindi naman imposibleng ma-in love sa isang kaibigan, 'di ba? Maybe I fell in love with you years ago. I was not just aware of it."

"Sometimes, it feels weird, you know."

"I don't feel weird at all. I'm so in love. I can't feel anything else."

"My God, you are so corny. And baduy."

Alam niya iyon ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Nais niyang palaging ipaalam dito na mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang magduda ito kahit kaunti.

"It's getting late. Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka nang husto ngayong araw."

"Sing for me."

Hindi na nito kailangang ulitin ang hiling. Kinantahan niya ito hanggang sa makatulog ito. Hanggang sa pagtulog ay nakangiti pa rin siya.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon