Chapter 23

1K 29 1
                                    

Kanina pa minumura ni Elmo ang kanyang sarili. Paano niya nagawa ang bagay na iyon? It was Julie! Hindi ito basta tulad ng mga ibang babae.

Bakit nahihirapan yata siyang magkontrol ngayon? Kahit maraming beses na niyang sinabi sa kanyang sarili na maghinay-hinay muna ay pilit pa ring umaalpas ang kontrol niya.

He wanted to devour Julie. He wanted to kiss her more. He wanted to make her his. He wanted to love her in all possible ways.

He was so in love with his best friend. Matagal na niyang naamin iyon sa sarili niya. Tandang-tanda niya kung kailan niya natanggap sa kanyang sarili na higit pa sa pagmamahal sa isang kaibigan ang nadarama niya para kay Julie. It was the day they did an interview together. Sa parteng tinanong ng host ang, "Are you guys in love with each other?" Nais niyang sumagot ng "oo" ngunit alam niyang mali. Gulong-gulo pa ang isip niya noon. Kaya nga hinayaan niyang si Julie ang sumagot nang sumagot sa nga tanong.

Dahil naguguluhan, lumayo muna siya rito at itinuloy na ang kanyang pagbabakasyon. Isa pa, ayaw na rin niyang makaistorbo sa paggawa nito ng pelikula nito noon. Nag-isip siya ng husto habang malayo siya rito. For years, he believed strongly that they were great friends and they would forever remain so. Suddenly, he didn't want the great friendship anymore. He wanted something more, something sweet and romantic. Kagaya ng mga nangyayari sa mga romantic shows at films na nilabasan na nila.

Maybe, subconsciously, he had always been in love with her. Hindi lang niya maamin sa kanyang sarili noon. Maybe, he was in denial for long.

Noong una niya itong makilala, nakaramdam na siya ng kakaiba para dito. Mga bata pa siguro sila noon para mapagtanto niya kung ano talaga ang kanyang nadarama. Nang tumagal, siguro ay mas pinahalagahan niya ang magandang pagkakaibigan na nabuo sa pagitan nila.

Could he risk everything now? Paano kung hindi naman umayon ang kapalaran sa kanya? Paano kung hindi siya nito mahalin sa paraang nais niya? Sisige pa rin ba siya? Was he prepared to lose her?

Hanggang sa matapos ang bakasyon niya ay hindi niya napagdesisyunan kung ano ang gagawin niya tungkol sa nararamdaman niya. Nang pagbuksan siya nito ng pinto nang puntahan niya ito pagbalik niya sa siyudad ay kamuntikan na niya itong halikan. He missed her so much and she looked so delectably beautiful. Mabuti na lang at nakapagpigil siya noon.

Hindi nga niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang sabihin ni Tita Angie na tumanggap ito ng project para sa kanila ni Julie. Pagkatapos ng napakatagal na panahong hindi sila nagkatambal sa screen ay biglang magsasama sila. Masaya siya dahil makakasama niya ito palagi. Hindi ito mahihiwalay sa paningin niya. Natatakot din siya dahil baka umalpas ang kontrol niya. Baka hindi niya maisabuhay nang maayos ang karakter na gagampanan niya.

Nagkatotoo ang mga ikinatatakot niya. Hindi nagkaroon ng buhay ang karakter ni Andrew. It was Elmo all along. Umalpas ang kontrol niya. Nang matikman niya ang labi ni Julie ay nakaramdam siya ng matinding kaligayahan. He felt so complete. He felt so alive. Her lips were the softest and the sweetest lips he had ever kissed. He couldn't get enough of it. He felt like he could kiss her forever.

Kung hindi pa sumigaw ang direktor ng "cut" ay baka mas nalaliman pa niya ang halik. He exerted too much superhuman effort to compose himself. He concentrated too hard. The required kiss was supposed to be soft and sweet  Nais din niyang iyon ang maramdaman ni Julie. He wanted it to be memorable for both of them. He wanted her to feel that it was not simply meeting of two lips, not simply an act. The kiss he gave her was full of love. Hindi na siya magtataka kung lalabas iyon sa telebisyon. Mararamdaman ng nga viewers na umaapaw ang pagmamahal ni Andrew para kay Clarice sa halik na iyon. But truth was, it was Elmo lovingly kissing Julie.

What happened to her unit earlier was not planned. Hindi rin niya alam kung bakit bigla niya itong hinalikan. Basta nais lang niyang mapalapit dito. Pakiramdam din niya ay naa-addict na siya sa mga labi nito. At nainis siya nang bahagya dahil tila hindi ito epektado sa nga halik niya. Nang tumugon ito sa kanya kanina ay natuwa siya ng husto. Kasabay ng katuwaang iyon ay ang realisasyon. Napagtanto niyang nagkakamali siya sa mga ginagawa niya. If he would pursue her, he should take things slowly --- step by step. Hindi naman ito katulad ng mga babaeng nakarelasyon niya.

Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito kakausapin nang walang mararamdamang pagkailang sa panig nang walang mararamdamang pagkailang sa panig nila pareho. Paano siya didiskarte ngayon? Paano niya liligawan ang kaibigan niya? Paano magiging maayos ang lahat sa pagitan nila?

Muli niyang minura ang kanyang sarili.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon