Chapter 17

1K 28 1
                                    

Halos hindi namamalayan ni Julie ang paglipas ng mga araw. Tapos na ang shooting ng indie movie niya. Palagi siyang masigla at halos hindi siya nakakaramdam ng pagod. Excited na rin siya sa gagawin nilang proyekto ni Elmo. Dalawang gabi ng Sabado lamang eere iyon ngunit sapat na iyon para sa kanya.

Nabasa na niya ang script. Maganda ang istorya niyon. Gagampanan niya ang papel ng isang bulag na babae na napakaganda pa rin ng pananaw sa mundo sa kabila ng kapansanan nito. Makikilala nito ang karakter na gagampanan ni Elmo na sobrang galit sa mundo. He lost his family in a boat accident. Iniwan ito ng babaeng pakakasalan sana nito, at nalugi ang mga negosyo nito. Tutulungan ng karakter niya ang karakter nito upang makaahon ito mula sa matinding pagdurusa. Her character would show his character how beautiful life was despite the ugly things that happened to them. She would give him hope and love. In the end, he would fall for her. They would love each other so.

Hindi niya mapagdesisyunan kung gugustuhin niya o aayawan niya ang ending. May parte sa kanya na mas naghahangad ng mas masayang wakas. May parte rin naman na nagsasabing iyon ang nararapat na wakas ng kuwento.

Tinakbo niya ang pinto nang makarinig siya ng katok. Alam niyang si Elmo iyon. Nagtext ito kanina na nakabalik na ito galing ng Bohol at nagsabing sa condo niya ito maghahapunan nang gabing iyon. Pagbukas niya ng pinto ay si Elmo nga ang bumungad sa kanya. Marami itong mga bitbit.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "I missed you so much!"

"Whoa!" anito, natatawa. "What a welcome. Let me in, baby. Mabigat ang mga ipinabili mong pasalubong."

Malapad ang ngiting pinatuloy niya ito. Inilapag nito sa ibabaw ng coffee table ang mga dala-dala nito, kapagkuwan ay umupo ito sa sofa.

Tinabihan niya ito. "How's your trip?" kaswal na tanong niya rito.

"Great. Fun. How are you? How's your movie?"

"I'm great. The movie's great. Everything's great!" masiglang sagot niya.

"Mukhang magandang-maganda ang mood mo, ah."

"Maganda talaga. Nandito ka na eh. Na-miss kita, Moe."

Natatawang pinisil nito ang ilong niya. "Na-miss mo talaga ako?"

Tumango siya. "Talagang-talaga. Nasanay na kasi akong may bodyguard ako lagi eh."

He fondly ruffled her hair. "I missed you, too. So much."

Her heart glowed. Kilig na kilig siya. "Dinner is ready," aniya bago pa kung saan mapunta ang pagkakilig niya. Nagtungo na sila sa dining area. Pinaghandaan niya talaga ang hapunan nila nang gabing iyon. In-order niya ang nga paboritong pagkain nito.

"My favorites. Thanks," anito habang umuupo. "Ba't ang lambing mo yata ngayon?"

She flashed him her sweetest smile. "Na-miss nga kita, di ba? Saka, masama bang maglambing sa bestfriend?" She internally winced. Showbiz na showbiz ang dating niya.

"Sa makalawa na ang umpisa ng shooting natin," anito bago sumubo ng pagkain. "How do you feel about it?"

"Very excited. Ikaw?"

"Same. After almost ten years, we're back as a loveteam. Madali na ring umarte dahil ikaw ang kasama ko. Komportable na tayo sa isa't isa. I know everything will run smoothly."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Nagkuwento ito ng mga ibang bagay tungkol sa naging biyahe nito. Nakinig lamang siya. Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng TV.

Humiga ito at umunan sa kandungan niya. Hinaplos ng nga daliri niya ang buhok nito. Gustong-gusto niya kapag umuunan ito sa kandungan niya. Nais niyang laging mapalapit rito.

"Busog na busog ako," anito habang hinihimas nito ang tiyan.

"Bawal daw ang mahiga agad pagkakain," aniya kahit ang totoo ay ayaw niyang umalis ito sa posisyon nito.

Kinuha nito ang isang kamay niya at nilaru-laro iyon. "What will I do without you in ny life?"

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit ito nagsasalita nang ganoon? "Moe?"

Ngumiti ito nang masuyo. His other hand gently caressed her cheek. Sandali siyang natigilan. His face was very tender. He was looking at her like she was the most special girl in the planet. Nagtungo ang hinlalaki nito sa mga labi niya. He gently caressed her lower lip. His eyes never left hers.

"Moe..."

The magic was suddenly broken when he playfully pinched her nose. Ngumisi pa ito nang nakakaloko. "Hindi ka nagme-memorize ng nga linya mo."

Itinulak niya ito paalis sa kandungan niya. Wala siyang pakialam kahit na nahulog ito sa sahig. Mukhang hindi naman ito nasaktan dahil nakatawa pa ito.

"Live each day to the fullest," naiinis na sabi niya rito.

"Ganyan ba dapat ang pagkakasabi ni Clarice? Hindi naman siya dapat naiinis kay Andrew, ah." Nasa lapag pa rin ito at tila ayaw bumangon.

Lalong tumindi ang inis niya rito. Ang tinutukoy nito ay ang mga characters na gagampanan nila. What he said earlier was one of his lines. Naiinis siya dahil nasa Andrew mode pala ito kanina, hindi man lang  nito sinasabi. Sana nag-Clarice mode din siya.

"We're not Clarice ang Andrew now, Elmo. Kababalik mo lang mula sa bakasyon. Katatapos ko lang gumawa ng pelikula. Give me a break. Puwede bang sa makalawa na lang tayo mag-transform bilang sila? Be serious."

Bumangon ito at hinagkan ang kanyang tuhod. Pakiramdam niya ay may kuryenteng dumaloy sa katawan niya mula roon. "I'm sorry for kidding you. I didn't mean it. I'm just a bit over excited to work with you again."

"Do you wanna throw lines? I can get my script," aniya kahit labag sa loob niya.

Akmang tatayo siya ngunit pinigil siya nito. "No. Let's just relax tonight." Muli nitong itinuon ang pansin sa telebisyon. Nanatili iyong nakaupo sa sahig at paminsan-minsan ay nilalaro ang mga paa niya.

Kuntento na siya sa ganoon. Basta malapit ito ay walang problema.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon