Chapter 26

940 30 0
                                    

Masayang binati ni Elmo si Tita Angie pagpasok niya sa opisina nito. Nginitian siya nito ng maluwag.

"Mukhang maganda ang mood natin, ah," puna nito pag-upo niya sa couch.

"Magandang-maganda po talaga ang mood ko," tugon niya.

"So, nasa mood kang tumanggap ng mga malalaking projects? You have an offer to do an international teleserye. Sa Korea. May merging na magaganap sa station natin at sa isang malaking TV station doon. Tatanggapin ko na 'to."

Nawala ang ngiti niya sa mga labi. "Tita Angie, I actually came here to discuss my schedule with you. Ayoko po muna sanang tumanggap ng malalaking projects ngayon. Gusto ko po sanang magkaroon ng mga libreng oras. May plano po kasi akong gawin."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ba at binigyan na kita ng mahabang bakasyon? Hindi pa ba sapat iyon?"

"Plano ko po kasing manligaw, Tita." Nahihiyang ngumiti siya rito. "Kailangan ko ng libreng panahon para sundan-sundan siya sa lahat ng lugar na pupuntahan niya."

Nanlaki ang mga nito. "You cannot be serious, Elmo."

"I am very serious. I'm very serious about this girl. I plan to pamper her. Todong ligaw ang plano ko pong gawin."

"Mukhang mahal na mahal mo nga ang babaeng iyan. Puwede ko bang malaman kung sino siya? You know I respect your privacy. I just wanna know in case press would make a big deal out of it. Para alam ko kung ano ang sasabihin kung sakali. I want to be prepared as much as possible. Is she showbiz or not? If she's not in showbiz, be very careful."

"It's Julie. Liligawan ko po si Julie."

Laglag ang nga panga nito. "You got to be shitting me!"

Natawa siya ng malakas. It felt so good to let it all out. Kailangan niya ng kakampi sa katauhan nito. Ito ang may alam ng mga schedules ni Julie. Ito rin lang ang makakapag-ayos ng schedule niya upang mas makasama niya si Julie.

"I love her, Tita. No shit."

"What? How? When? Why?"

Lalo siyang natawa. "Kailangan ba talagang may mahabang explanation? I love her, truly and really. Ain't that enough?"

"I'm speechless."

"Tell me you'll help me, please. Siguro naman tutulungan n'yo akong mapaibig siya."

"Are you sure about your feelings?"

Tumango siya. "Very. Two hundred percent sure."

Napangiti na ito. "Kailan pa 'yan?"

Nagkibit-balikat siya. "Siguro noon pa, I'm just not aware of it. It feels great to admit it, you know. I want the whole world to know I'm in love with her. Pero naisip ko rin na mas mabuti kung hindi magiging masyadong showbiz ang lahat. I want everything between us to private as much as possible."

"Sigurado ka ba? Baka naman apektado ka pa sa huling karakter na ginampanan mo? Baka nadadala ka lang?"

Nilapitan niya ito at niyakap. "Tita, you know me. Ang trabaho ay trabaho. Walang kinalaman ang mga karakter namin sa nararamdaman ko. To be honest, I started to feel something strange for her when she was doing her indie film."

"I'm happy for the both of you. Take care of each other, okay?"

"Buong pagmamahal ko po siyang aalagaan. Makakaasa po kayo roon. Sa katunayan nga po ay pinutol ko na ang anumang mga kaswal na ugnayan ko sa ibang mga babae. Tanging si Julie na lang ang nasa buhay at puso ko. Do you wanna hear my plans?"

"Of course."

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon