♤Fifty-Two♤

110 6 0
                                    

Callirrhoe Titania Albertine

"Iha,you need to eat." Momma said for the ninth time. It's been two days since he left me and the waves of pain inside me wasn't still cease any inch and I don't know if I can still make my system calm. The word breaking isn't enough to explain how I feel so bad.

"Titania, pakiusap wag mo 'tong gawin sa sarili mo. Alalahanin mo ang anak nyo ni Kaizer." Momma said again when I didn't respond on him. My hands goes to my stomach and then like the past few days, my tears starts to fall down on my cheeks again. Kelan ba mauubos ang mga luhang 'to? Mukhang wala silang katapusan. Hindi ako umimik kay Momma at nakatingin lang ako sa malayo kung saan ko nakita si Kaizer na may hawak na liwanag. Pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi sya nawala at malayo lamang sya sa akin.

"Titania." Momma called me and I just felt her hugs at me. Lalo lang akong naiyak doon. He used to hug me at my back everytime I'm upset. He will kiss me until I wiped away all my thoughts.

"I miss him so much." Basag ang boses na sabi ko kay Momma. Hindi na ako humahagulhol. Tanging mga mata ko na lang ang nag-iingay sa pamamagitan ng pagluha nito. Bakit ba kasi kaylangan nya akong iwan?

"I understand but you have your child Titania. Bago sya nawala ay iniwanan ka ni Kaizer ng isang napakagandang regalo at 'yon ay ang magiging anak ninyong dalawa."

"Mapapalaki ko ba sya ng mag-isa? Ano na lang ang sasabihin ko kapag hinanap nya ang daddy nya? Should I say, his dad was killed because of his own mother?"

"Don't say that Titania. It's not your fault. At wag kang mag-alala dahil mabilis na iniimbestigahan ang nangyari kay Kaizer. Isa pa ay, nabalitaan ko na nahuli na ang nagtangka sa buhay ni Emperor David at ang pumatay sa aking anak."

"Hindi ako makakapayag na matakasan nila ang lahat nang kasalanan nila sa akin." Galit na galit na sabi ko habang mahigpit na nakatikom ang kamay ko sa railings ng veranda.

"Mapapanagot din natin ang totoong may kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo. At isa pa ay, gusto ng Empress,ang 'yong ina na bumalik sa mismong palasyo. Lalo ka lang malulungkot dito sa Tore kung magiging mag-isa ka." Malungkot na sabi ni Momma sa akin. Mula nang mawala si Kaizer at mailibing ay hindi na ako umuwi ng mismong palasyo kung nasaan sina ina at nanatili na lamang dito sa tore sa pinaka dulong parte ng aming palasyo. Gusto kong maging mapag-isa. Gusto kong mag-isang magluksa.

"Babalik lang ako ng palasyo kapag naipanganak ko na ang aming anak ni Kaizer. At kapag mapapahatulan ko na ng unang degre ng parusa ang mag-inang Kingsley." Pinal na sabi ko kay Momma.

"Kung 'yon ang gusto mo ay hindi na kita pipilitin pa. Pero kung gusto mo ay pwede naman kitang samahan dito para may kasama ka dahil buntis ka." Pagpupumilit parin ni Momma kaya tumango na lamang ako. Tama sya at ayoko namang mapabayaan ang anak namin ni Kaizer. Kahit mag-isa ako gusto kong mabuhay sya dahil sya lang ang nag-iisang bagay at pinakamagandang alaala galing kay Kaizer. Pumasok ako sa loob at naupo doon sa lamesa at pinilit kainin ang pagkain na inihanda ni Momma.

"Everything will be okay Titania."

"Maybe but, I can't say if I will going to be okay again"

"Don't say that. Hindi gugustuhin ni Kaizer na makita kang ganyan." Napatigil ang pagkain ko nang marinig 'yon kay Momma. She's right pero ang hirap naman gawin non.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon