♤Thirty♤

157 5 0
                                    


Callirrhoe Titania Albertine

Few days had passed and the treatment of people around me is still the same. Kahit na mukhang napipilitan na si Asher na maging maayos na sakin ganon na rin si Dion pero makikita mo parin sa kanila ang pagkadisgusto sa akin. Palagi silang may kausap sa telepono at nakaharap sa laptop nila kaya hindi ko rin sila nakakausap ng matino at sa tingin ko naman ay wala silang dapat na sabihin. Napansin ko lang na napaka-sekreto nila. They are so weird. Siguro ay maghapon nanaman akong dito na lang sa kwarto ko para hindi nila ako makita. Tatanawin ko na lang and beach mula dito sa veranda.

"Aren't you going to leave this 4 sides of your room? Let's do swimming ang ganda ng panahon ngayon." Sabi ni Kaizer at naramdaman ko na papalapit sya sa akin. And then after just a few seconds just like the other days, I just felt his warmth arms wrapping around me.

"Dito na lang ako Kaizer."

"Come on, ilang araw ka nang nandito sa kwarto hindi ka ba nabobored?"

"Pwede ka namang mag-enjoy sa baba andon ang mga kaibigan mo."

"But I want to be with you." Sabi nito sa akin at mukhang naglalambing nanaman sya. Ilang araw na nya akong kinukulit pero talagang umiiwas ako sa mga taong nandito. I don't want to have a confrontation again with Luna or with Bonham. Siguradong mainit pa ang dugo nilang magkapatid sa akin. Isa pa ay baka pag nag-inarte nanaman sa harap ko si Luna ay totohanin ko na ang paghampas ng vase sa ulo nya.

"Kaizer."

"Kung gusto mo ay sa kabilang side tayo ng isla. Tayo lang doon." Pamimilit parin nya sa akin kaya humarap na ako sa kanya. He immediately get all the hair in my face and tuck it on behind my ears.

"Magbibihis lang ako."

"Finally! Just don't mind them okay? Isipin mo na lang na tayo lang dalawa dito."

"Fine." Sabi ko sa kanya saka ko sya pinalabas ng kwarto ko. Sinabi ko na lang na hintayin nya ako sa sala. I just wear a thin white dress na hanggang sa tuhod ko na hindi parin naman maaaninaw ang suot ko and I decided to wear one of the unused black bikinis there. Patali lang ang pang-taas noon habang nataas ang pagkapang-baba noon. I just tied my hair into a messy bun. Hayyy siguro ay okay na 'to?

"Calli hindi ka pa ba tapos? Iinitin tayo?" Tawag na ni Kaizer sa akin mula sa pinto. Nagmamadali naman akong nagpunta doon sa pinto dahil mukhang inip na inip na sya.

"Napaka-mainipin mo naman." Sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin dahil todo kunot ang noo nya sa akin.

"What?"

"Are you wearing bikinis?"

"Yeah. Why?"

"Why don't you wear rush guards? Meron naman dyan ah?" Natawa naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Are you nuts? Kaizer magsswiming tayo at hindi ako bata para mag-rush guard. And I am used to wear these kind of clothes I'm a model remember? Mas manipis pa nga dito ang sinusuot ko."

"And I hate that fact Calli knowing that there are thousands of eyes are already saw you."

"Tsk possesive ka masyado." Sabi ko sa kanya saka ko sya nilampasan at nauna nang bumaba ng sala.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon