♤Twenty-Four♤

126 3 0
                                    

Callirrhoe Titania Albertine

Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto dahil sa sobrang inis ko. Maya't maya akong kinakatok ni Kaizer pero hindi ko sya pinagbubuksan. Pinadalhan nya lang ako ng lunch dahil hindi ako sumabay sa kanya. Napatingin naman ako sa wall clock ng kwarto ko. Magsi-six na ng gabi at wala akong kalabas labas ng kwarto ko. And I stop what I am thinking when I heard a loud knock coming from my door again. Hindi ko 'yon pinansin pero paulit ulit lang ang pagkatok at ramdam ko na ang inis ng kung sino mang kumakatok sa pinto. Naiinis naman na akong tumayo at pinagbuksan ang nakakainis na kumakatok doon.

"What do you want?!" Sigaw na salubong ko kaagad dito. Pero nagulat ako nang hindi pala si Kaizer ang kumakatok doon dahil si Bonham 'yon na kunot na kunot na ang noo at para bang handa na nya akong sapakin ngayon.

"Pinapapunta ka ni Kaizer sa may beach front." Pigil ang inis na sabi nya sa akin pero pinagkrus ko lang ang braso ko sa harap nya.

"At bakit naman ako susunod sayo?"

"Dahil 'yon ang gusto ng kaibigan ko."

"Talaga lang huh? Pwes pakisabi dyan sa kaibigan mo na hindi ako pupun-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa marahas nyang paghila sa akin pababa ng hagdan.

"Ano ba? Bitawan mo ako! Ayoko sabing pumunta!" Sigaw ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko pero ni hindi nya man lang ako pinakinggan at hinila parin ako hanggang sa makalabas na kami ng bahay at makarating kani doon sa may tabing dagat.

"Dito ka lang." Sabi nito sa akin saka ako basta na lang iniwan doon. Walang kahit na sinong tao dito at lalong walang nakakainis na anino ng Kaizer na 'yon. Para namang tanga ako na lumilingon doon pero para wala talagang tao. I decided to go back into the house when someone called my name.

"Napakamainipin mo talaga." Si Kaizer habang naglalakad papalapit sa akin at may dalang headphones. Lalo akong nainis sa kanya dahil nakasuot lang sya ng isang manipis na puting t-shirt at board shorts. Naalala ko nanaman ang mga sinabi kanina ng maid sa akin.

"Babalik na ako sa bahay." Sabi ko sa kanya at aalis na sana nang pigilan nya ako.

"I prepared something for you." Sabi nya sa akin kaya nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Kung isa lang 'to sa mga way nya para mauto nanaman nya ako? Pwes hindi na nya ako mauuto pa.

"At ano nanamang pakulo 'to?" Tanong ko sa kanya pero nakangiti lamang sya sa akin saka nya itinaas ang kanang kamay nya sa ere at saka ko nakita ang napakaraming ilaw na nakapaligid pala sa amin. Meron pang lazer lights na para bang nasa isa kaming club or bar.

"You told me that you miss the city right?" Tanong nya sa akin saka sya lumapit sa akin at may pinagpipindot doon sa phone nya.

"Wala naman akong sinabi na gusto kong mag-clubbing dito sa tabing dagat." Sabi ko sa kanya at di ko parin maitago ang pagkairita ko sa dahil sa pagsisinungaling nya sa akin.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Seryosong tanong nya sa akin pero bumuntong hininga lamang ako saka ko sya tinalikuran. But for the ninth time he grab my wrist again to stop me.

"Is there something bothering you? You ignored me the whole day and now you are being so cold to me. Is there something wrong?" Rinig kong tanong nya sa akin kaya napaharap na ako sa kanya.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon