♤Nine♤

235 8 0
                                    


Callirrhoe Titania Albertine


"Calli, the dinner is ready. Get up now." Nagising ako sa boses na 'yon at dahil sa pagyugyog nya sa balikat ko.

"What th-. What are you doing here?" Sigaw ko sa kanya dahil nandito lang naman sya sa loob ng banyo.

"I'm just going to wake you up that's it. I don't see anything else except to your ah ahmn. I m-mea-"

"I said get out!" Sigaw ko sa kanya kaya nagmamadali syang lumabas ng banyo. Hayst! Nakatulog na ako dito sa paliligo ko. Agad naman na akong tumayo at nag-ayos ng sarili bago ako pumunta sa baba kung nasaan si Kaizer. I wear the dress he gave to me. Hindi ko na inabalang i-blower pa ang buhok ko dahil natatamad ako. Hahayaan ko na lang na matuyo ito ng kanya. Kaya bumaba na ako papuntang dining are. Muntik pa nga akong maligaw sa laki ng bahay mabuti na lamang at narating ko pa ang kusina nya.

"Have a seat." Sabi nya agad sa akin at ipinaghila ako ng upuan.

"What's this?" Turo ko doon sa pagkain na nakahain sa mesa.

"Pagkain?"

"I mean did you cook this?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya saka nya ako ipinaglagay ng pagkain sa plato ko.

"I cook this for you alangan namang nagpadeliver pa ako diba eh wala namang nakakarating dito kundi ako lang. At syempre ikaw na rin." Sabi nya kaya naiinis ko syang tiningnan.

"You know what? Dapat bawasan mo yang pagiging pilosopo mo."

"Okay kung isa yan sa magiging dahilan para magustuhan mo ako."

"Tsk." I just said pero narinig ko parin ang tawa nya. I saw him that he is already eating. Tinikman ko naman ang pagkain na niluto nya dahil nakita ko naman na wala namang nangyari sa kanya at mukhang wala namang lason o pampatulog na something ang pagkain.

"Are you thinking that I will poison you or I will put something in the food?" Tanong nya sa akin. Mind reader ba sya?

"Of course not. Bakit may balak ka nga ba?" Tanong ko sa kanya pero binigyan nya lang ako ng ngisi.

"Kung lalagyan ko man yan ng kung ano ay gayuma na ang ilalagay ko kesa sa lason." Natatawang sabi nya sa akin.

"At naniniwala ka talaga sa gayuma?"

"Hindi kaya nga di kita binibigyan non. I just know that you will fall for me even without that because my charm is already enough." Ako naman ang natawa sa sinabi nya.

"Taas talaga ng tingin mo sa sarili mo noh?"

"Mataas talaga kasi pinagmamalaki kita." Sabi nya pero mas lalong lumakas ang tawa ko at sa tingin ko ay napahiya sya sa pagtawa ko.

"W-What are you laughing at?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

"Nothing. Hindi ko lang kasi maimagine na si Kaizer Colton ay isa palang napakalaking corny. Tskkk kadiri!" Sabi ko saka ako sumubo ng pagkain.

"Tsk. Asher told me to do that. Humanda talaga sa akin ang Asher na yan." Bulong nya na di ko naman naintindihan.

"Are you saying something?"

"Nothing. Let's just eat. Did you like it?" Tanong nya sa akin at hindi parin makatingin ng deretso sa akin. Napahiya nga yata talaga sya sa kakornihan nya kanina.

"Pwede na kesa naman mamatay ako sa gutom dito."

"You are really have a sharp tounge huh?"

"Gusto mo isaksak ko sayo? Total matalas pala eh." Sabi ko sa kanya at tiningnan pa ang hawak kong steak knife para biruin sya pero naririnig ko nanaman ang nakakainis nyang tawa.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon