Callirrhoe Titania Albertine"Do you still want to go in the Tripple Tower?" Tanong nya sa akin at tumango na lang ako. Gusto ko munang umiwas sa mga tao sa mansion dahil halata naman na mainit sila sa akin. Siguro ay ganon nila kakilala si Luna. Malaking parte sya ng mga kaibigan ni Kaizer at maging ni Kaizer mismo.
"Okay let's just use the cable car." Sabi nito sa akin at nagpunta na nga kami doon sa sinasabi nya.
"Nasaan ang operator?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami doon. Nagkibit lang naman sya ng balikat nya at iginiya lang ako papasok ng cable car at pinaupo ako doon.
"Just sit there." Sabi nitp sa akin at isinara na nya ang pinto saka nya pinindot ang isang botton doon at nagsimula na ngang tumunog ang cable car sign na pataas na nga ito.
"May ganito naman pala bakit hindi natin 'to ginamit noong unang punta natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Eh kasi naman malapit lang naman ikaw lang 'tong nag-iinarte."
"Malapit sa mga katulad nyong sanay na at taong gubat." Pang-aasar ko sa kanya.
"Ang gwapo ko naman yatang taong gubat."
"Oh edi Tarzan ang labas mo." Natatawang sabi ko sa kanya pero umiling iling lang sya.
"Hindi mo ako maiinis ngayon dahil masyadong maganda ang mood ko dahil tayo nang dalawa." Nakangising sabi nya sa akin.
"Tsk!" I hissed and crossed my arms on him.
"Oh ano hindi ka ngayon maka-deny palibhasa mahal mo na ako." Mayabang na sabi nya sa akin pero sinagot ko lang sya ng malalim na buntong hininga. Hanggang ngayon ay ayoko parin tanggapin na nahulog ako kay Kaizer. I tried to stop myself pero wala parin akong nagawa.
Pagtigil namin ay agad akong pinagbuksan ni Kaizer at nagderetso kami sa garden doon sa may malaking bato kung saan una akong tumuntong para tanawin ang buong garden malapit sa swing.
"Kaya pala VL ang landscape ng mga halaman." Naibulong ko na lang sa sarili ko. Kaya pala. Mapait akong napangiti sa iniisip na 'yon. Itong lugar na ito tama si Luna this is their sanctuary and now I invaded it. Kahit saan ako tumingin ay may bakas nila.
"VL?" Tanong nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya narinig nya pala.
"Yeah." Sagot ko sa kanya.
"Why do you sound so sad? Is there any problem?" Yes Kaizer there is a big problem here and it's me.
"This garden, I understand now why it is landscape into initials VL. It's Luna's initials right? What is her true name again?" Tanong ko sa kanya saka ako naupo sa swing na nandoon. Pumunta naman sya sa likod ko at sinubukan akong iugoy. I don't want to be sound so bitter but it's just like that.
"I already told you I didn't know her." Deretsong sagot nya sa akin pero sa tono nya ay parang mas natakot ako na paano kapag nakaalala na sya? Maiitchapwera ba ako?
"I didn't know what your story is but looking at this place it was all about you and....her." Sabi ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang pagiging bitter ko. Pakiramdam ko tuloy ay isa na lang akong ligaw na damo sa garden na 'to.
"I'll change it for you tomorrow morning just don't think anything Calli."
"How can I Kaizer? This place is slapping me the fact about your past?" Naffrustrate na sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang pagkagulat nya ng makita nya ang pagtayo ko.
"Past Calli ikaw na ang nagsabi." Gusto kong maniwala sa kanya pero bakit hindi maniwala ng utak ko? I look in to his eyes, there is something and it's scaring me I don't know.
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...